Chapter 22

85 18 4
                                    

TWENTY-TWO

Blair

I stayed there for hours, just sitting on the cold floor, not doing anything. I wrote a note for her saying, I know you're alive. The warehouse is near here. Pumunta ka roon. Umaasa akong darating siya. Hours passed by. Namalayan ko na lang na malapit nang maghapon nang unti-unti nang dumidilim ang paligid. Nagpasya na akong bumalik sa gusali. I left the note on the sofa with the map in case she would be lost.

"Please, Celaena," I whispered to myself before going out.

Ligtas naman akong nakauwi pabalik. Pero halos gabi na nang makarating ako. It was quiet. I carefully pushed open the door and went inside. Nakaupo si Krys, Rini at Maui sa sofa. Tumigil sila sa pag-uusap nang makita nila akong pumasok.

Si Rini ang nagsalita. "Blair, kanina pa nag-aalala si John at Kaleon sa 'yo."

Ngumiti ako sa kanya. "Sige. Nasa third floor ba sila?"

Tango lang ang isinagot niya. Mabilis kong inakyat ang ikatlong palapag at nakitang naroon sila sa bintana ng hallway. They were talking about something. Si Kaleon ang unang lumingon sa 'kin.

"God, Blair! Kanina ka pa namin hinahanap!" marahas siyang bumuga ng hangin at lumapit sa akin. "Don't do that again, okay? At kung may balak ka—"

Umiling ako. "Wala na po, sir Kaleon."

Hindi niya napigilang ngumiti.

Jem came into view. Gamit ang dalawa niyang kamay, inilagay niya iyon sa magkabila kong pisngi. "I was worried about you," Puno ng pag-aalala ang tono niya. "Please, wag mo na itong ulitin, ha?"

I nod. Dumako ang tingin ko sa katawan niya. Mukhang napansin niya ang tingin ko. "Oh, medyo magaling na kaya nakatayo na ako."

Ngumiti ako sa kanya. "Mabuti naman. Have you eaten yet?"

He shook his head. "Nope, we were waiting for you," sagot niya.

Hinimas ni Kaleon ang tiyan niya. "Halina na at gutom na gutom na ako."

I laughed. "Palagi naman yata."

Nagulat ako sa naramdaman ko nang mga sandaling iyon. I suddenly felt good to hear myself laugh. But at the same time, it felt strange.

***

Pagkatapos naming kumain, walang ingay na naglakad ako patungo sa kama. Sinubukan kong matulog pero mahirap. The image of Celaena kept on flashing inside my head. And the possibility of her being alive, it made me so happy. Pero may isang parte ko ang ayaw tanggapin ang ideyang iyon at ayaw umasa. I don't want to hope. Hope hurts.

Mayamaya pa ay unti-unti na akong dinalaw ng antok.

Hindi ko namalayang napahaba pala ang tulog ko. When I woke up, it's already morning according to the open window of my room. I felt a little bit of nauseous when I tried to stand. Pero nagawa ko.

Nang makalabas na ako sa kuwarto, sinubukan kong tingnan kung tulog pa rin ba ang dalawang mokong—si Kaleon at Jem. But they weren't there. Bumaba na agad ako nang saktong bumukas ang front door. Iniluwa niyon sina Maru at nasa tabi niya si Jem. He seemedreally okay now. Pero nakapagtataka talaga na ang bilis niyang gumaling. Tila ba naramdaman ni Jem na nakatingin ako sa kanya, lumingon siya sa gawi ko at ngumiti. Morning, he mouthed.

Glory and Gore (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon