Chapter 17

85 15 4
                                    

SEVENTEEN
Blair

I stared at her face—never forgetting her features. Traydor, naibulong ko sa sarili ko. Tila ba naramdaman niya ang tingin ko at lumingon siya sa gawi namin. Sinigurado kong ako ang una niyang nakita.

​Bumangga si Kaleon sa braso ko. "I-Is this the place?" he asked as he fixed his eyeglasses.

​Hindi ko sinubukang alisin ang tingin ko kay Evangelyn. I made sure that disgust and hatred was clearly plastered on my face. I saw something in her eyes—a recognition? O konsensya? But it's just for a second. Bahagya kong iniling ang aking ulo. Malawak siyang ngumiti at patakbong lumapit sa akin.

​"Oh my, Gosh, Blair! You're alive!" impit na tumili siya at mahigpit akong niyakap. "I'm so glad that you're here. I don't see Celaena with you. I'm guessing, you chose to live," she whispered. Iba ang tono ng boses niya nang sabihin niya iyon. Her voice became dangerous.

Pinilit kong ngumiti. "I'm fucking happy you're alive," I whispered back to her.

Marahas ko siyang itinulak palayo sa katawan ko. Her smile didn't waver. Hindi niya magawang tumingin pabalik sa mga mata ko. Alam niyang alam ko kung ano ang ginawa niya, kung paano niya kami iwan. That memory was still fresh inside my head. Those what ifs—if she hadn't left us there, we would've saved Celaena. If she hadn't left us, we could've carried Celaena with us. Pero iba ang sinasabi ng boses sa isip ko—but you did the same.

​"Jem!" muli siyang tumili at niyakap si Jem na halatang nagulat din. "I missed you!"

​I wanted to scream at her. I wanted to tell them what she did. But part of me couldn't seem to voice it out. Why? Kasi malalaman ni Jem na wala na si Celaena at nagsinungaling ka sa kanya, sagot ng isang bahagi ng utak ko.

​Bumitiw siya sa pagkakayap at bumaling kay Kaleon. "Kal!" pero hindi niya ito niyakap. Tumango lang si Kaleon sa kanya at binigyan siya ng ngiti.

She returns her eyes on Jem—obviously avoiding my gaze. "I'm happy to see you again, guys. Maru's been worried about you," ang tinutukoy niya ay si Jem. "Nakita n'yo ba ang isinulat niya roon? Sa malaking pader?"

​"Yeah," ani Jem. "Where is he?"

​Itinuro niya ang isang maliit na bahay na katabi ng warehouse.

​"Tara," aya ni Evangelyn at nagpatiuna sa paglalakad.

Sumunod kami sa kanya. Habang naglalakad kami, napansin ko na hindi na lupa ang inaapakan namin. Sementadong daan na ito. Saglit akong tumigil sa paglalakad at lumingon sa magkabilang bahagi ng gusali. Sa kaliwa ay kapatagan at may mangilan-ngilan ding mga puno. At sa kanan naman, dito itinuloy ang sementadong daan. There were pieces of debris scattered on the road.

​May narinig akong ilang tawanan at boses mula sa loob ng nasabing warehouse. "Blair?" bumaling ako kay Kaleon. "Let's go. Nasa loob na sila."

​I nodded at him. Sumunod na ako sa kanya at pumasok sa loob ng maliit na bahay. When I entered, the first thing I noticed were the walls surrounding it. May mangilan-ngilan ding bitak iyon at kulay puti na halos hindi na naging puti dahil may kadumihan na iyon. Mainit ang temperatura sa loob. Walang electric fan o bintana man lang. May short staircase na nakadikit sa pintuan pababa sa mismong floor ng bahay. Malalim pala ito.

​"Jem, pare!" napataas ako ng tingin ng marinig ko ang pamilyar na boses niyon—it was Maru's voice. "Kal!" niyakap niya ang dalawa.

​He was wearing the same thing Evangelyn was wearing—dirty white shirt. Walang nagbago sa mukha niya except na lang sa visible facial hairs na nagsisimula nang tumubo. He hadn't had the tools to shave it.

Glory and Gore (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon