ACT 57: Fourth Round (Part 8)
BATTLE ROYALE (Part 8)
13 STUDENTS REMAINING...
BLAIR
Pagsapit ng umaga, ang unang bumungad sa 'kin ay ang lumilipad pababa na malaking kahon. Papunta iyon sa gitna ng isla.
Hindi na muling pumutok ang kanyon kagabi. Wala nang namatay. 13 pa rin kaming nandito.
Bahagya pa ring masakit ang braso at hita ko. But the pain started ebbing away. Tuyo na ang dugo sa mga sugat ko.
Lumipas ang ilang minuto at napagdesisyunan namin ni Maru na bumaba mula sa puno. Kailangan na naming humanap ng tubig at pagkain kung gusto pa naming manatiling buhay. Without food and water, we have no strength. And without strength, hindi namin magagawang lumaban.
Mukhang kabisado ni Maru ang parteng ito ng gubat. Sumunod lang ako sa kanya.
"There's a river na malapit dito," anas niya.
Bahagya kaming nakayuko habang maingat na naglalakad. Hindi kami pwedeng lumikha ng kahit maliit na ingay. There's no assurance that there's no one nearby. Kagaya ng nangyari sa amin ni Margaery. We thought it was safe to go near the river.
Naikuyom ko ang aking mga kamay nang maalala si Margaery. Naihiling ko na sana ay buhay pa siya dahil kapag muli ko siyang nakita, ako mismo ang tatapos sa buhay niya. Yes, she did save me from those guys. But she betrayed me.
Mayamaya pa ay narating na namin ang ilog na sinasabi ni Maru. Hindi ito ang ilog na pinuntahan namin ni Margaery. This was a different one.
Malinaw ang tubig at mukha namang ligtas kaya naman uminom na ako at naghilamos ng mukha. Narinig ko na lang ang mahinang pagtawa ni Maru sa tabi ko.
"Hinay-hinay lang," sabi niya.
Nang magtaas ako ng tingin sa kanya, nakangisi siya sa 'kin. Hindi ko mapigilang mapangiti rin. As much as I hate to admit it, na-miss ko ang mokong na 'to. I miss having someone I know beside me.
Lumapit pa ako sa ilog. I scooped water from my hand and splash it towards his direction. Napapikit siya nang tumalsik ang tubig sa kanyang mukha. It was my turn to laugh.
"You shouldn't have done that, Miss President," he said, his smile dangerous.
Nanlaki ang mga mata ko nang tumalon siya sa ilog at tinapunan ako nang sunod-sunod na tubig.
For a minute, I felt happy. Na tila ba muling naging normal ang lahat. That we're just two students enjoying the river.
Pero nang umalingawngaw ang putok ng kanyon, napatigil kaming dalawa.
Napatingin ako kay Maru na pinapasadahan ng tingin ang paligid namin. We waited for another blast from the canyon but it didn't come. Sa halip ay ang mga papalapit na boses ang narinig namin.
Inilagay ni Maru ang kanyang hintuturo sa labi niya at dahan-dahang umakyat paalis sa ilog. He grabbed me by my shoulders and helped me stand up. But it was too late. Humigpit ang pagkakahawak ni Maru sa braso ko. Napatda siya sa kanyang kinatatayuan.
When I looked behind me, two guys were standing a few feet away from us.
"Run, Blair," anas ni Maru.
Bahagya kong iniling ang ulo ko.
I will not run again.
Not this time. Never again.
BINABASA MO ANG
Glory and Gore (Completed)
Детектив / ТриллерIN THE GAME OF DEATH, THERE ARE ONLY TWO OPTIONS: YOU EITHER KILL OR GET KILLED. In Year 2029, the Earth's population increased ceaselessly. That was when the creators of humankind came down to Earth to wipe out the entire human race to start anew...