Chapter 18

112 15 4
                                    

EIGHTEEN
Blair

I missed you, Blair... nag-echo iyon sa buong sistema ko. I stared back at his eyes, which were still almost black under the dim light from the fading moon.

Gusto kong mag-iwas ng tingin pero hindi ko magawa. Halatang bagong gising siya dahil sa magulo ang kanyang buhok. He looked so good, I thought to myself.

​"Maru?"

​I looked behind his back and saw that it was Evangelyn. Nakasuot siya ng baggy shirt na mukhang kay Maru na umabot hanggang sa kanyang tuhod. "Bakit ang aga mo?"

​Mabilis akong nag-iwas ng tingin at tumayo. "I-I'll go back to sleep," nakatungong sabi ko.

I went back inside the warehouse without looking back.

​"Si Blair iyon, 'di ba?" narinig kong tanong ni Evangelyn.

​Nang makapasok ako sa loob, kinailangan ko pa ng ilang minuto bago makapag-adjust ang paningin ko. Pumanhik ako sa itaas at dumeretso sa kuwarto. Ibinagsak ko ang katawan ko sa single bed at niyakap nang mahigpit ang unan.

​Bakit niya iyon sinabi sa 'kin? I asked myself. Maybe he just missed teasing you. Mabilis ka kasing mainis, sagot naman ng isang bahagi ng utak ko. Bahagya kong iniling ang ulo ko, pinalis ang isiping iyon. And why am I even thinking about that? 

​Biglang bumalik sa isip ko ang nangyari sa party ni Jem. "Do you think I'm enough?" I remember him asking me with those tearful eyes. Maybe Maru was just having family problems. But why would he tell me that?

Naihiling ko na sana ay nandito si Celaena sa tabi ko para masabi ko ito sa kanya. She would know the answer. She always does.

"I need you, Celaena," I whispered in the quietness.

​"Blair, you will always be my bestest best friend!" her voice echoed in the darkness.

​Naramdaman ko ang paglandas ng luha sa pisngi ko. I wiped it using the back of my hand. I wish you were here.

​Hindi ko namalayang nakaidlip pala ako. Nagising ako nang makaramdam ako ng pagyugyog sa balikat ko. Nang magmulat ako, umaga na. Maliwanag na ang paligid. Si Bethany ang nabungaran ko. Her hair was pulled into a tight ponytail.

​"They're already outside. Ikaw na lang ang hinihintay," aniya.

Mabilis akong tumayo mula sa pagkakahiga at inayos ang kama ko.

​"Ano'ng oras na?" tanong ko. Inipit ko ang ilang hibla ng buhok ko na tumabing sa mata ko, sa likod ng aking tainga.

​Saglit na sinipat ni Bethany ang kanyang wrist watch. "9:37," nakangiting sagot niya.

​"And we're not late?" dumeretso ako nang tayo matapos kong ayusin ang kama.

​It seemed odd to say the word late now. Parang may schedule pa rin akong sinusundan kahit na wala naman. "Actually, late na tayo," sabi niya.

​"Tara na," aya ko sa kanya at nagpatiuna na sa paglalakad.

​Huminga siya nang malalim. "Namumula ang mata mo, Blair," komento niya habang bumababa kami ng hagdan at mabilis na dinugtungan ng, "I'm sorry, hindi ko lang mapigilang hindi pansinin. Are you okay?"

Glory and Gore (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon