ACT 58: Fourth Round (Part 9)
BATTLE ROYALE (Part 9)
12 STUDENTS REMAINING...
BLAIR
Inalis ko ang braso ko sa pagkakahawak ni Maru. Yumukod ako at pinulot ang pinakamalapit na bato. I clutched it tightly in my hand.
Galit na binalingan ako ni Maru. "What the hell are you doing, Blair? I said run," aniya.
"No more running," tanging sabi ko sa kanya.
Narinig ko ang pagtawa ng dalawang lalaki sa harapan namin. "Ooh, love birds," sabi ng isa.
Puno ng mantsa ng dugo ang kanilang mga uniporme. Their faces were also painted with dried blood. Nakalolokong ngisi ang sumilay sa kanilang mga labi. Their eyes were dangerously looking at both us, like two hungry wolves.
Itinulak ako ni Maru papunta sa kanyang likod.
Muling nagsalita ang isang lalaki. "We can share the river, you know," nakangisi pa ring sabi nito. "Don't be shy."
Pinaikot nito sa kamay ang isang matulis na patalim. Its blade glinted under the sun. Isinukbit niya iyon sa kanyang sinturon at naglakad patungo sa ilog. Yumukod siya at uminom ng tubig mula roon.
"Wala kayong dapat na ikatakot," sabi ng kasama niya. The other guy was holding a huge hammer in his other hand. Napansin ko ang sariwang dugo na tumutulo mula sa hammer na hawak niya.
Mataman lang siyang nakatingin sa 'kin at saka bumaling kay Maru.
Bumaba ang tingin ko sa kamay ni Maru. He was tightly holding his knife, his veins pulsating. Pero may kakaiba sa paraan niya ng paghawak doon. He was holding the blade not the hilt. May bahid na ng dugo ang mga palad niya dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa talim niyon.
Tumaas ang tingin ko sa kanyang mukha. His face was expressionless. Ang mga mata niya ay nakatingin sa mga armas na hawak ng dalawang lalaki. Wala kaming laban sa kanila.
Marahas na umubo ang lalaking nakayukod sa ilog at tumayo. Using the back of his hand, pinunasan niya ang kanyang bibig at muling ngumiti sa amin.
"'Wag kayong mahiya. Go on. We can share the river, right, Reeve?" sabi niya na bumaling sa kanyang kasama.
"Of course. Hindi naman tayo madamot," ngumuso ang lalaking kasama niya na ang pangalan ay Reeve.
Hindi ko inasahan ang sunod na nangyari. Mabilis na inihagis ni Maru ang hawak niyang patalim sa direksyon ni Reeve. It only took him a mere second before the knife was thrusted into Reeve's one eye. Lumipas ang ilang segundong nakatayo lang siya roon. His one hand tried to touch the knife pero tuluyan na siyang bumagsak sa lupa. Blood oozed from his eye. And the sound of the canyon filled the air.
Nang bumalik ang tingin ko sa isang lalaki, hindi siya nagulat sa nasaksihan. Instead, his lips curved into a smile.
"I told you we can share this river. Pero mukhang iba ang gusto n'yo," aniya at kinuha ang dalawang mahabang patalim sa kanyang sinturon. He slowly walked until he's standing in front of us. Bumaling siya sa 'kin. "I'll fucking rape you once I killed your boyfriend."
Naikuyom ko ang mga kamay ko sa sinabi niya.
Sa mga oras na 'to, I wanted to carved out his eyeballs from its sockets. Hindi rin ako mag-aalangang gilitan siya sa leeg. Napuno ng galit ang sistema ko. Now way in hell will I ever let this guy touch me.
Sumugod ang lalaki sa direksyon namin. Maru rolled over the ground. Malakas niyang sinipa ang lalaki sa paa nito. But he was too strong to fall. He laughed and sat on top of Maru.
He screamed as he shoved the knife in Maru's arms. Nadaplisan lang ang kanang braso ni Maru dahil mabilis siyang nakaiwas.
I ran toward him. Mahigpit kong hinawakan ang bato sa kamay ko at buong puwersang hinampas iyon sa ulo ng lalaking nakapatong kay Maru. I kicked him to the ground.
This time he fell, clutching his head and whimpering in pain. I quickly picked up the blade he dropped and pointed its end on his neck.
"You'll rape me, huh?" anas ko.
Muli ko siyang hinampas ng bato. He screamed in pain, still clutching his bloody head.
"Not so strong now, big guy? Remember my name," sabi ko. "I'm Blair. And tell the others I let you live."
Pinulot ko ang malaking bato at ibinagsak iyon ng ilang beses sa isa niyang paa. I heard his bones crunched against the rock. Muli siyang humiyaw sa sakit.
"Ano'ng pangalan ko?" I asked him.
"B-Blair," nanginginig ang boses na sagot niya.
Muli kong ibinagsak ang bato sa paa niya hanggang sa malasog-lasog na iyon. I didn't care. Naramdaman ko ang dugo at ilang laman na tumalsik sa mukha ko. Pinahid ko iyon at saka tumayo.
"Blair," tawag sa 'kin ni Maru. "Are you alright?"
Pumaloob ako sa yakap niya. I nodded my head as an answer.
"Ikaw, okay ka lang ba?" I asked him.
Tumango siya at ipinatong ang baba sa ulo ko. "I'm fine. Let's get out of here."
BINABASA MO ANG
Glory and Gore (Completed)
Mystery / ThrillerIN THE GAME OF DEATH, THERE ARE ONLY TWO OPTIONS: YOU EITHER KILL OR GET KILLED. In Year 2029, the Earth's population increased ceaselessly. That was when the creators of humankind came down to Earth to wipe out the entire human race to start anew...