Chapter 6

142 25 12
                                    

SIX
Blair

Tumingin muna ako sa likuran ko bago ko tinahak ang daan na pinuntahan nila Evangelyn. Strangely, wala man lang akong nakikitang dumadaan ni isang sasakyan sa malawak na daang ito—maybe it's already past midnight?
Busy ang mga kaklase ko sa pagku-kuwentuhan at ang iba naman ay nasa loob na ng bus, warming themselves up. Malamang ay hindi nila nakayanan ang lamig. Isinara ko ang zipper ng jacket ko at bumuga ng hangin. Hindi ako sigurado kung saan sila pumunta. Pero bahala na.
Wala akong maaninag na kahit ano sa paligid. Nababalot ng hamog ang kagubatan na ito—puno ng mga matatayog na puno at may kakapalan na mga damo.
Saan naman kaya pumunta ang mga iyon? What was so interesting in this kind of forest? It's freaking scary. Hindi man lang ba nila inisip na hindi puwede pumunta roon lalo na't gabi na and it's not safe to meander in this kind of place. We're in the middle of nowhere for pete's sake!
Pinagkuskos ko ang palad ko para makaramdam ng kahit kaunting init man lang. Humihipan ako roon at pinaulit-ulit iyon. Nagbigay iyon nang kaunting init sa sistema ko.
Makalipas ang siguro ay sampung minuto, sinimulan ko nang tawagin ang pangalan ng mga babaeng nagdala sa akin dito.
"Evangelyn!" pero walang boses na sumagot. Nag-echo ang boses ko sa kagubatan na nakapagpalipad sa mangilan-ngilang mga ibon.
Sumandal muna ako sa puno at nagpahinga. Malayo-layo na rin ang narating ko—or so I thought. Sana lang ay makabalik din ako agad. I should've asked someone to come with me.
"Stacey!" sinubukan ko ulit. Gano'n pa rin. Echo lang ng boses ko ang bumabalik.
Tuyong-tuyo na ang lalamunan ko. Noon naman magsimulang umambon, hanggang sa lumakas na iyon nang lumakas. Kinailangan ko pang sumilong sa madahong puno para hindi ako mabasa. Luminga-linga ako sa paligid. Walang akong buhay na nakikita—
Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang may gumalaw sa hindi kalayuan. Nakarinig ako ng kaluskos ng tuyong dahon sa lupa kahit na nakabibingi ang tunog ng ulan. Unti-unti nang naglalaho ang hamog. Pero lamon pa rin ng dilim ang paligid. Dinukot ko ang flashlight na nasa pocket ng jacket ko at ini-on iyon. Itinutok ko iyon sa puwestong sa tingin ko ay pinanggalingan ng galaw kanina. Pinalipat-lipat ko ang direksyon ng flashlight na hawak ko. Still no sign of movement.
Huminga ako nang malalim. I could feel a cold finger running down my spine. Nagtaasan ang mga balahibo ko sa braso.
I waited for a few minutes before I willed myself to walk again since Evangelyn wouldn't come here with her minions by themselves. Tinahak ko ang mukhang maayos na daan nang tumila ang ulan. I started calling for their names again. Nasaan na ba sila?
Nang lumingon ako sa likuran ko, napatda ako sa kinatatayuan ko. Parang biglang napako ang mga paa ko sa lupa. Hindi ako makagalaw. Tila ba kusang bumitaw ang kamay ko sa hawak kong flashlight. Mayroong mga pigura sa hindi kalayuan mula sa puwesto ko. They were dressed in red cloaks, and a gust of wind took hold of it and flicked it in the air. Humahalo sa kadiliman ang kulay ng kanilang balabal. Hindi ko makita ang mukha nila—only their sharp eyes that made me feel as though they could see right through me. They were a group—maybe about six or seven. And I was sure they were headed in my direction.
Kung normal lang ang pag-iisip ko nang mga oras na iyon, mabilis na akong nakatakbo pero kabaligtaran ang ginawa ko. I stayed, uprooted to the spot. Nararamdaman ko ang mabilis na tibok ng puso ko. Parang unti-unti na ring nawawalan ng oxygen sa paligid at unti-unting bumabalik ang hamog.
Nagsimula nang mangilid ang mga luha ko. Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak. Dahil sa takot? I should run now. But I couldn't. Masyado nang tahimik ang paligid, indikasyon na malayo na ako sa bus. Kahit na sumigaw siguro ako ay walang makakarinig sa akin. Parang tinahi ang bibig ko at hindi ko iyon maibuka.
But when I finally opened my mouth, "T-tulong..." my voice came out barely a whisper to no one but the wind. "T-tulong! Tulong!"
I could still see their figures, moving swifly as if being taken by the wind itself. Umiiyak na ako. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. I knew it was hopeless but I should at least give it a try. "Please, anyone!" I screamed once again.
Napasinghap ako nang may maramdaman akong kamay sa balikat ko. Bumagsak ako sa lupa. At ang tanging nagawa ko ay takpan ko ang aking mga mata, as if that would help me.
"Blair! What's happening to you?" awtomatiko akong natigil sa pag-iyak. Boses iyon ng lalaki at pamilyar iyon—Maru.
"M-Maru?" pagkukumpirma ko at dahan-dahang ibinaba ang mga kamay ko. And there he was, basang-basa na parang naligo sa tubig.
"Yeah, it's me—Maru, 'yong kinaiinisa—" bago pa man niya matapos ang sentence niya ay mabilis akong tumayo at niyakap siya. Hindi ko alam kung bakit ko iyon ginawa. Maybe you're just so scared, sabi ng isang bahagi ng utak ko.
"T-thank you..." I started crying again. I'd never been this glad of his presence until now. Naramdaman ko rin ang pagkagulat niya.
Nabalot muli ng katahimikan ang paligid, tanging ang tunog ng mahinang ulan ang maririnig. At nang parang magising ako ay agad kong inalis ang katawan ko sa katawan niya na para akong napaso. He chuckled and scratched the back of his head.
"Why are you thanking me, Miss President?" nanunuksong sabi niya.
Napalitan ng inis ang tuwang kani-kanina lang ay nararamdaman ko. "Have you seen—nevermind," saad ko. "Bakit ka nga pala nandito?" pinunasan ko ang basa ko ng pisngi.
Sumandal siya sa puno at tumingin sa itaas. "Saving the princesses," nang hindi ako sumagot, mahina siyang tumawa. "Napansin kasi ni Sir Denver na ang tagal mong bumalik. I guess he's worried. Kaya naman ako ang nilapitan niya. He asked me to find you and the others. And here you are, so mission almost accomplished." May mayabang na ngisi ang nakapaskil sa mukha niya.
I rolled my eyes at him. "I was looking for your girlfriend and her minio—" nang ma-realize kong nasa harap ko pala ang boyfriend ng babaeng tinutukoy ko, mabilis ko iyong dinagdagan. "...kaibigan niya."
Tumango-tango siya. "Kaya pala. Saan ba sila pumunta?" tanong niya.
"Kaya nga ako nandito, 'di ba?" sarkastikong sagot ko at nagsimula nang maglakad. But when I realized that I was heading where I'd just seen the group of men in cloak, I quickly changed my direction.
"Oh, bakit?" tumawa uli siya at umiling-iling.
"N-napuntahan ko na kasi 'yong banda d-doon..." nauutal na excuse ko. He quickly followed me. "Sasamahan mo ba talaga ako?"
Tumango siya. "That's what Sir asked me to do."
"O-okay," bulong ko. To save your girlfriend? I wanted to add.
A part of me was relieved that I now had a company with me and another part was still scared if those creatures would happen to show up again. Gusto ko na iyong alisin sa isip ko pero hindi ko magawa. Their figures were stuck in my mind. What are they?
Lumingon ako kay Maru, ang lalaking napag-utusan ni Sir Denver sa lahat ba naman ng mga kaklase namin. When he turned to me, I hastily averted my eyes.
"Bakit parang nakakita ka ng multo kanina?" Maru asked.
Muli akong humarap ako sa kanya. "Kasi nakaramdam ako ng demonyong espiritu na humawak sa balikat ko. Akala ko nga si Satanas, eh," saad ko at tumalikod na uli para maglakad.
Tumawa siya. "Demonyo talaga? Satanas? Sa guwapo kong 'to?" mayabang na tugon niya.
Hindi ko alam kung ilang beses kong maiikot itong mga mata ko dahil sa mga pinagsasabi niya. Binabawi ko na ang sinabi ko kanina. The whole part of me was completely annoyed that he showed up here.
Then the images of men in cloak flashed before me again. I suddenly felt anxious, scared even. Sino ang mga iyon? Or was it just a figment of my own imagination? Umiling ako. I don't know which is which. Pero alam ko ang nakita ko and I knew they were real. I was just hoping all of it was not real.

***
Sinubukang muling sumigaw ni Maru sa paos niyang boses. Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming nandito sa gitna ng gubat. Baka nga halos isang oras na. There were still no signs of them. Ang sinabi ni Maru sa akin ay hindi siya uuwi habang hindi niya nahahanap si Evangelyn—the prince saving his soon-to-be queen. He said that if I wanted to go back, I could just leave him here. But no way in hell would I do that. Hindi ako babalik ng mag-isa.
Gasgas na rin ang lalamunan ko kakasigaw kanina pa. At masakit na rin ang mga paa ko. Umupo ako sa malaking ugat ng puno kung saan ko hinubad ang sapatos ko at hinilot-hilot ang paa ko.
Mayamaya pa ay umupo sa tabi ko si Maru, hinihingal. "Where the fuck did they go? I mean, how far could they have gone?" pumulot siya ng bato at inihagis iyon nang may puwersa. Tumama iyon sa kumpol ng mga halaman.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. "Baka naman nakauwi na sila, hindi lang natin—" natigil ako sa pagsasalita nang may sumigaw. Hindi iyon gaano kalakas pero narinig namin. From where we were seated, I could tell that it was kind of far.
Agad na tumayo si Maru at tumakbo, sa direksyon kung saan nanggaling ang sigaw. Mabilis kong isinuot ang sapatos ko at sumunod sa kanya. I almost lost him pero nahanap ko rin siya agad.
Mabilis na pinasadahan ng tingin ni Maru ang paligid. "Where are you?" sigaw niya, naghihintay ng sagot.
Tumakbo kami nang tumakbo hanggang mula sa kung saan, may sumigaw muli. "I'm here! Oh, my God!" malapit sa puwesto namin ang boses. "I'm here!" muli niyang sigaw, may bahid ng pagkapaos ang boses niya. It almost sounded like something was preventing her throat from forming words.
He scanned the place once more. "There," he pointed at a direction. Pumunta kami roon at nadatnan namin si Bridget na nakasandal sa puno ang likod at nakaupo sa lupa. Madumi na ang suot niyang jacket at wala siyang heels na suot niya kanina. Ang buhok niya ay basang basa.
"Oh, my God." I whispered and quickly went to her spot. "What happened to you?"
Una kong napansin ang parang tuklaw ng ahas sa kanyang leeg. Pero ang nakapagtataka ay isang tuldok lang iyon. May ilang kulay lila na ugat na nagmumula roon. Umabot iyon hanggang sa panga niya na nagsisimula na ring sakupin hanggang sa pisngi niya.
"I can't breathe..." she gasped, putting her hands on her throat.
Tinulungan ako ni Maru na itayo siya.
"Where's Evangelyn?" tanong ni Maru.
Parang pababa nang pababa ang temperatura. Sobrang lamig na ng paligid. Her lips were quivering and painted pale white.
He turned to me. "Blair, put her in my back." Utos niya at umupo siya sa harap ni Bridget. I put my numb hands around her shoulders and gently eased her onto his back. The coldness of her skin was almost equally the same as mine.
I clenched my hands into a fist, trying to keep them from freezing. Tumayo si Maru, nasa likod niya nakapasan si Bridget. Napansin ko ang clutch bag niya na nakakalat ang mga gamit sa basang lupa. Mabilis ko iyong pinulot nang mapansin ko ang likido na kumapit sa kamay ko. Malagkit iyon. I was about to smell what it was when I heard a deafening sound. Wala akong marinig na kahit ano, tanging ang nakabibinging tunog lang na iyon. Bigla akong nakaramdam ng pagkahilo. Umikot ang paligid.
Napahawak ako sa sentido ko at sinubukang hilutin iyon. "B-bilisan natin..." naninikip ang dibdib ko. It was like the oxygen in this place was slowly leaving the atmosphere. "M-Maru..." sinubukan kong huminga nang malalim pero hindi ko magawa. Parang may nakabara sa ilong ko.
I could make out his figure. "Blair! What's happening to you?" I could barely hear what he was saying—no, he's screaming. Hindi na ako makakita nang malinaw. Napasandal ako sa isang puno at pumikit. "Blair!" naramdaman ko ang pagyugyog niya sa balikat ko.
Sinubukan kong tumayo gamit ang natitira kong lakas. "I-I'm..." bumagsak ako. Tumama ang pisngi ko sa lupa. The earth was cold and damp against my cheek. "...fine."
When I closed my eyes, the darkness slowly swallowed my vision whole.

Glory and Gore (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon