Chapter 3

167 30 5
                                    

THREE

BLAIR

Ellis Island, February 15, 2024

NANG buksan ko ang mga mata ko, napagtanto kong nasa ilalim ako ng tubig. I could barely see the light above. Unti-unti nang nauubos ang hangin sa katawan ko. Maybe in just a few seconds... I would die here.

Water crept up the fabric of my clothes, engulfing my skin with intense coldness. Pero may boses na nagsalita sa isip ko, Get your sister and your mother out first, anak. Susunod ako sa inyo...

It almost felt like a promise. Sobrang pamilyar ng boses niya. And I realized that those were the last words my father had said to me before he was dragged down, trapped inside our car, deep in the dark water.

Nagpalinga-linga ako sa paligid. I was surrounded by darkness everywhere I looked. Yes, this was the same lake where my father had died. Pero paano ako nakarating dito? Sinubukan kong lumangoy pataas pero hindi ko magawa. It's as if my feet were tied in an invisible knot.

Dumako ang tingin ko sa ibaba. And there it was—our car—same as ever, maliban na lang sa mga visible na lumot na nakikita ko. Naramdaman ko ang pag-init sa gilid ng mga mata ko. But no single tear escaped.

I swam to shallower water, where the car was located, and I felt my feet touch the bottom of the lake. Hindi ko na namalayan ang kawalan ng oxygen sa katawan ko. Napunta ang atensyon ko sa kotseng ito. I felt my heartbeat getting faster with every second.

Pumunta ako sa binatana na natatabunan ng lumot kaya kinailangan ko pang punasan iyon gamit ang aking kamay. Natulos ako sa kinatatayuan ako. Natutop ko ang bibig ko nang makitang naroon si Papa. Wala siyang pinagbago. Just like the last six years. And then he smiled at me.

Muli kong naramdaman ang naramdaman ko noong nasa loob ako ng kotse, anim na taon na ang nakalilipas. I need to get him out of there, I said to myself.

Awtomatikong hinanap ng kamay ko ang lock ng kotse. Sinubukan ko iyong buksan pero para iyong bato. After a few minutes, I finally gave up. Nagtaas ako ng tingin at nakita kong umiling si Papa.

No... 'Pa, I'm sorry. I'm sorry! Gusto kong isigaw but no words escaped my lips. Tinitigan ko lang siya, unable to move.

Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong humingi ng tawad sa kanya. But I couldn't do that. Of course. He's gone... kasi iniwan ko siya roon. It's my fault. It's all my fault...

At naramdaman ko na lang na tinatangay ako papalayo sa kotse hanggang sa unti-unti na iyong nawala sa paningin ko, nilamon na ng kadiliman.

I tried to fight the force but I couldn't. And as I felt myself rise above the surface of the lake, I awoke to soft sheets, and the morning light trickled in through the blinds. It's the same dream again. I breathe in and out through my mouth na parang ilang oras talaga ako roon sa ilalim ng tubig.

Umupo ako sa kama, ang paa ko nakapatong sa polyester carpet. I blinked, closed my eyes, and blinked again until my vision finally adjusted. I stretched my arms above my head and yawned. Tiningnan ko ang alarm clock at nakitang may isang oras pa ako para maghanda bago pumasok sa Ellis University.

Hindi pa rin maalis sa isip ko ang paulit-ulit na panaginip na iyon. Na parang habang-buhay na iyong naka-marka sa isip ko. But a part of me was quite glad, kasi sa panaginip ko lang na iyon nakikita si Papa. I missed him, so much.

Glory and Gore (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon