EIGHT
BlairEverything will fall apart. I know that. I just do.
Nagising ako nang makaramdam ako ng pagyugyug sa balikat ko. Masyadong masakit ang mga mata ko para magmulat pero sinubukan ko. Si Celaena ang bumungad sa akin. When I looked past her, nasa itaas niya ang sahig ng bus. Nakabaligtad ang bus... I realized.
Namumugto ang mga mata niya. Pero nang makita niyang magmulat ako, marahas siyang napabuga ng hangin. "B-Blair... w-we have to get out of here. Right now!" may himig ng pagmamadali at pag-aalala ang tono niya. May matinding takot ang nakapinta sa kanyang mukha.
I blinked several times before my vision finally adjusted. Nahihirapan din akong huminga. Ang daming masakit sa katawan ko. I could feel the frigid air in the atmosphere engulfing every inch of my skin. Due to the strong coldness, it blocked my nostrils, keeping me from breathing evenly.
"C-Celaena... what happened..." I managed to say, my voice guttural. Nanginginig akong humugot ng hangin.
Hinigpitan niya ang paghawak sa magkabila kong balikat. "B-bumagsak ang bus natin s-sa bangin. But we don't have time for that. Kailangan na muna nating makaalis dito," she was panicking, that I was sure.
Tinulungan niya akong makatayo. Nagawa kong makaupo mula sa mabubog na sahig. My back... it hurts like hell. Napapikit ako nang mariin. Ipinatong ko ang likod ko sa malamig na bakal.
"Celaena, ang s-sakit..." muli akong humugot ng hangin. My voice came out raspy. Hindi ko napigilan ang paglandas ng mainit na luha pababa sa pisngi ko, warm against my cold skin. Pakiramdam ko ang buo kong katawan ay naging isang bloke ng yelo.
"P-Please don't cry, Blair! We have to get out of here!" ulit niya. Nagawa kong tumango. "C-can you walk?" nanginginig ang boses niya. When she moved, I heard the shards of broken glass against her shoes.
"I-I can try..." I let out a groan.
"Wait here," aniya at tumayo. She crawled her way to the seat right in front of us.
Tumingin ako sa kaliwang banda. There were shards of broken glass everywhere. At nakita ko sa Janice, ang pinakatahimik sa classroom namin. Blood was trickling down from her head. I barely even remembered her face, it was almost covered in her own blood. Nakadapa siya at walang malay. Nakapatong sa kanya si Christie, ang babaeng palagi niyang kasa-kasama. Mas marami ang dugo niya sa mukha. Mayroong nakapaloob sa kanyang pisngi na malaking piraso ng nabasag na salamin. I had to avert my eyes from the scene. A shiver ran down my spine.
The inside reeked of gas and smoke. Ngayon, alam ko na kung bakit kailangan na naming umalis dito—this bus would explode any minute now.
Tumingin ako sa puwesto kung saan nakita ko si Sir Denver—
Muntik na akong sumigaw pero pinigilan ko ang sarili ko. Inilagay ko ang kamay ko sa bibig ko, to stifle a gasp. Wala na ang kanang braso niya. Blood oozed from his arm. Hindi ko nga alam kung sugat pa rin ang tawag doon. I sobbed, I couldn't help it—no, scratch that, I couldn't do anything right now but cry.
Napasinghap ako nang maramdaman ko na may kamay na humigit sa braso ko. "We have to go. Now." May awtoridad ang boses ni Celaena nang bumalik siya. Ngayon ko lang napansin na may kaunting dugo sa mukha niya. But it was already dry. Hinubad niya ang puffer jacket niya at inilagay iyon sa windowsill kung saan may mangilan-ngilan pa ring piraso ng salamin.
We crawedl our way out of the bus through the window. Pero bago ako tuluyang makalabas, lumingon ako sa likuran ko. Alam kong dapat ko silang tulungan because I know them even if we'd only talked sometimes and because I am their class president. It was my duty. But I also know that we have to prioritize ourselves. Maybe... maybe we could come back for them.
Lumabas na ako sa bintana ng bus at tumayo. There was enough light for me to see our surrounding—trees, we were surrounded by them. Its monstrosity loomed over us. Inalalayan ako ni Celaena habang naglalakad kami palayo—palayo sa mga kaklase namin just to save ourselves. Ininda ko ang sakit sa bandang binti ko.
I stopped walking and grabbed her hand. "W-wait, Celaena. We should help them..." I bit the inside of my cheek to stop myself from screaming in pain. Alam kong baka mas malala pa ang iniinda ni Celaena sa akin dahil may baby siya sa tiyan.
"B-but... baka biglang sumabog... and I saw some of us get out without even helping the others..." umiling-iling pa siya at hinawakan ang kanyang sentido. "Kahit ngayon lang, Blair. We have to think of ourselves first."
Dala ng mababang temperatura, lumalabas ang kulay puting usok sa bawat buka ng bibig niya.
I hesitated for a second. "Celaena... we have to go back. May oras pa tayo para mailabas sila sa bus. We can't just leave them. I can go back by myself. Just stay here," nakikiusap na sabi ko.
Saglit siyang nag-isip bago sumagot. Marahas siyang humugot ng hininga at tumango sa akin. I was about to go back to the bus when she took my hand.
"Wait for me. Tutulungan kita," tinanggal niya ang sapatos niya at ipinukpok ang takong sa malaking bato. "I need to get this off first."
"But your baby, Celaena," nag-aalalang sabi ko.
Bahagya siyang umiling. "We're fine, don't worry," nakangiting saad niya.
Nakailang hampas pa siya bago iyon tuluyang matanggal. Mabilis niya iyong isinuot at sabay kami dumako pabalik sa loob ng bus.
"H-help..." I heard someone say. Si Celaena ang bahagyang yumuko, tinitingnan kung sino iyon.
Lumingon siya sa 'kin. "Janice," I let out a sigh of relief. Bumalik uli ang tingin niya sa loob ng bus. "We're going to get you out of here—" mabilis kong kinuha ang kamay niya. Mahigpit ko iyong hinawakan, pinapatigil siya sa pagsasalita.
From our spot, I could see their familiar figures walking towards our direction—their cloaks were the shade of deep red. Ngayon ko nakita na nakatago ang kanilang mga mukha sa likod ng maskara—it was a cat-like mask. Their heads were only looking at one place—at us.
"Wha—" but before she could even utter another word, while grabbing her arm, I pulled her to the other side of the bus. Lumingon siya sa akin. Pinilit ko siyang yumuko at sa nanginginig na kamay ko, inilagay ko ang daliri ko sa labi ko. "Shhh."
Bahagya siyang tumayo, sinubukang tingnan ang mga hindi kilalang nilalang. Nang bumalik siya, nanlalaki ang kanyang mga mata. "S-sila ba 'yong tinutukoy mo?" her voice was trembling.
Tumango ako.
"Kailangan nating magtago," nagawa niyang sabihin. Her face was pale and so were her lips. Tumingin siya sa likod namin. "There."
Tumakbo kami palayo sa puwesto ng bus at nagtago sa likod ng malaking puno. Habol-habol namin ang aming hininga nang makaupo kami sa malalaking ugat ng puno. Malapad ang puno kaya sigurado akong hindi nila kami makikita rito—or so I hoped.
"Sila 'yong mga nakita ko..." I started to say but before I could continue, horrifying images of them flashed in my head—their scary masks. Hindi ko alam kung bakit ganito ang takot ko sa kanila. But there was something in them that gives me the chills—maybe it was death.
Napalunok si Celaena. Saglit siyang sumilip sa likod ng punong pinagtataguan namin at saka bumaling sa akin. Bumuga siya ng hangin. I didn't know exactly if we were both trembling because of the cold... or because of fear.
"P-paano..." hinawakan ko ang magkabila niyang balikat. Mabilis na naglandas ang mga luha pababa sa kanyang pisngi. Hindi siya makapagsalita.
I said the first thing that came in my mind. "It's going to be okay. They're going to be okay." Ang tinutukoy ko ay sina Janice na nasa loob pa ng bus.
I could feel my own heart hammering inside my chest. Kasabay ng pagpintig ng puso ko ang malakas na pagpintig din sa tainga ko. Kahit na nahihirapan akong huminga, pinagmukha kong matapang ang sarili ko.
"N-no..." umiling-iling siya. "No, it's n-not... baka p-patayin nila tayo..." she started sobbing. "Why would they even be here? To take a trip?"
"Get a hold of yourself, Celaena!" I whispered angrily through gritted teeth. "Huminahon ka. Kailangan lang nating manatili rito, then we're going to get Janice and the other ones out of that bus... alive."
Sumandal siya sa katawan ng puno at tinakpan ang mukha gamit ang mga palad niya. "O-okay... fuck, fuck fuck," she cursed. Her chest was heaving, indication that she's trying to steady her breath.
Umupo ako sa maputik na lupa at pinalibot ang paningin sa paligid ko. Matatayog na puno ang nakapalibot sa amin. At walang sikat ng araw. I knew that the sun was about to rise. I just didn't exactly know when. Pareho naming kailangan ng init. I could feel the chill creeping through my veins. Our surrounding smelled like wet grass and earth.
Tila bumalik ako sa sarili ko nang marinig ko ang ilang mga yabag, rubber boots against the wet earth. And it was getting near our spot. Tumingin ako kay Celaena na nanlalaki ang mata at nakatakip ang palad niya sa bibig niya. Mabilis akong lumapit sa kanya. Isiniksik namin ang aming mga sarili sa katawan ng puno. Nararamdaman ko ang magaspang na balat ng puno kahit na suot ko ang jacket ko.
In the intense silence, I heard Janice screamed. The scream tore through me like a great shard of glass. I felt my eyes widened and pulse quickened, my heart thudding like a rock rattling in box. Muling sumigaw si Janice—desperate, terrified.
Naramdaman kong unti-unting nawawalan ng kulay ang aking mukha. Tila ba may tumubong mga ugat sa paa ko at hindi ko magawang gumalaw. I wanted to go to her—I wanted to save them. But how?
Nahigit ko ang hininga ko nang halos sa likod namin tumigil ang mga yabag at kasabay niyon ang naputol na pagsigaw ni Janice.
"Help—"
I felt a single tear trickled down my damp cheek. She's gone, was all I could say to myself.
There was no sign of breathing coming from the creatures just meters away from us. Pero alam kong naroon sila. I felt Celaena's hand found mine. Mahigpit ko iyong hinawakan.
Nasa likod natin sila, I mouthed, picking up the large rock beside me. Just in case.
Tango lang ang naisagot niya. From that moment, I was sure of one thing. They were out here to kill us.
BINABASA MO ANG
Glory and Gore (Completed)
Mystery / ThrillerIN THE GAME OF DEATH, THERE ARE ONLY TWO OPTIONS: YOU EITHER KILL OR GET KILLED. In Year 2029, the Earth's population increased ceaselessly. That was when the creators of humankind came down to Earth to wipe out the entire human race to start anew...