ACT 45: She's Come Undone
BLAIR
91 STUDENTS REMAINING...
Each of us were taken by two hooded figures. Nilagyan nila kami ng blindfold sa mata para siguro hindi makita kung saan kami dadalhin. Binilang ko ang lumipas na mga minuto. Nag-iba ang temperatura ng nilalakaran namin. It suddenly became freezing on this part. Napaisip ako kung dadalhin na ba kami sa ikatlong round. Hapong-hapo na ang katawan ko. I was exhausted both mentally and physically.
Kaunting takot lang ang naramdaman ko. At this point of the game, I'm too numb to even feel an emotion. Parang sirang video na nagpe-play sa utak ko ang nangyari sa panaginip ko—the second round. Their blood on my hands. I could still feel it. It left a mark in me. Isang marka na hindi ko na matatanggal. Kahit na patuloy kong sinasabi sa sarili ko na isa lang 'yong panaginip, the fact na ginawa ko iyon, na pinili kong gawin 'yon sa kanila, it makes me feel like I'm the worst being on this planet. You chose to do it to survive, sabi ng isang bahagi ng isip ko.
Naramdaman ko na lang na marahas akong ibinagsak ng nilalang sa sahig. I quickly removed my blindfolds. Nakita ko na lang si Xavier na sunod na inilagay sa silid na kinaroroonan ko. Ngayon ko lang napasadahan ng tingin ang mukha niya. Kulot ang kanyang buhok, ang balat niya ay kayumanggi at kulay green ang mga mata niya.
"Ayos ka lang?" he asked me, removing his blindfold.
I gave him a small nod and looked around us. The room was well-lit, walls were painted white, there were two beds on the far corner with a small table beside it and a camera on each corner of the ceiling. They're watching us, I told myself.
Narinig ko na lang ang malakas na pagbagsak ng pinto sa likod namin. Napakislot ako sa tunog niyon. I stood up, still scanning the place. Ito na ba ang third round? I asked myself.
"Maybe they want us to rest," bigla ay sabi ni Xavier, na parang nabasa ang nasa isip ko. "Nakakatawang isipin na gusto nila tayong magpahinga sa kabila ng paglalagay nila sa atin dito para magpatayan."
I heard him chuckle softly. Bumaling ako sa kanya at itinuro ang camera. Mukhang naintindihan naman niya ang sinasabi ko at bahagya lang siyang tumango bilang pagsagot.
May mga malinis na damit na nakapatong sa maliit na mesa sa pagitan ng dalawang kama. Nang lumapit ako roon, I realized they were school uniforms. May pang-babae at pang-lalaking damit. Checked skirt, white blouse and a black blazer. May nakatapatong na isang pares ng sapatos at medyas doon.
Mukhang naintindihan naman ni Xavier nang tingnan ko siya dahil tumalikod siya. "Go ahead, I won't look," sabi niya.
Tinanggal ko ang prison uniform sa katawan ko. It was almost soaked in blood, I realized. Mabilis kong isinuot ang uniporme. "I'm done," saad ko sa kanya. Si Xavier naman ang sunod na nagbihis.
When he's done, he walked past me and threw his body on the bed. Umungol siya ng malakas. "Ugh, that was fucking exhausting," aniya.
Huminga ako nang malalim, mataman pa ring tinitingnan ang silid kung may kakaiba.
"Ang daming hindi nakalampas sa second round. Ano sa tingin mo ang nakita nila sa panaginip nila?" mayamaya ay tanong ni Xavier. Siya rin ang sumagot sa tanong niya. "I think they also saw their nightmares. 'Yon ang nakita ko nang ipikit ko ang mata ko. I thought that I wouldn't get out of my dream alive. But I managed. It's kinda sad to think na maraming namatay. From 168 down to 91. Pero sa isang banda, mas maganda ring nabawasan na tayo, 'di ba?"
Noon ako napalingon sa kanya. "Masaya ka na maraming namatay?"
"Hmm, oo, medyo. That only means na konti na lang ang kakalabanin natin para makalabas dito. Don't you agree?"
BINABASA MO ANG
Glory and Gore (Completed)
Mystery / ThrillerIN THE GAME OF DEATH, THERE ARE ONLY TWO OPTIONS: YOU EITHER KILL OR GET KILLED. In Year 2029, the Earth's population increased ceaselessly. That was when the creators of humankind came down to Earth to wipe out the entire human race to start anew...