Chapter 24

66 16 4
                                    

TWENTY-FOUR: Hell Is Other People

Blair

We stared at each other for a few seconds. I was quite relieved to hear my classmates nervously laughing. Hindi nila kami napansin. Tinitigan ko ang halos kulay itim niyang mga mata. Masyado siyang matangkad kaya kinailangan ko pang itaas nang bahagya ang ulo ko.

I saw a sliver of emotion passed through his eyes—anger. Ilang segundo lang iyon nagtagal bago nawala. For a moment, ang akala ko ay magtititigan kami roon ng ilang oras pero siya ang unang nag-iwas ng tingin at nilagpasan ako. Parang may sumuntok sa puso ko nang mga oras na iyon. I was about to turn my head to see where he's going but thought better of it.

Was he angry about what I said to Evangelyn? I quietly asked myself.

I quickly walked back upstairs, taking two steps at a time. Nang makahiga na ako, hindi agad ako nakatulog. Hindi maalis sa isipan ko iyong paraan ng pagkakatitig niya—it was almost readable, expressionless yet full of emotions. It doesn't make sense, I know.

Naalala ko iyong nakita ko sa mga mata niya.

Sinubukan ko iyong alisin sa isipan ko. I tried to focus on the revenge na ginawa ko kay Evangelyn. She deserved it.

Hindi ko napigilan ang isip ko na bumalik sa posibilidad na baka buhay pa si Celaena.

Hope hurts, I reminded myself. Sana makuha niya ang iniwan ko sa kanya roon.

Mayamaya pa, tuluyan na akong dinalaw ng antok.

***

Binigyan ako ni Danny ng mouthwash, shampoo, sabon at tuwalya. Siya kasi ang nakatoka sa mga supplies. Unti-unti na ngang nauubos ang mga supply dahil sa masyado kaming maraming gumagamit at nangangailangan ng mga iyon.

Pagkatapos kong patuyuin ang buhok ko gamit ang tuwalya, lumabas na ako ng kuwarto. Bumaba na rin ako agad at lumabas ng building. Naghihintay na roon si Maru, isang bag ang nakasukbit sa balikat niya. Bahagya siyang lumingon sa gawi ko pero mabilis ding nagbalik ng tingin sa harap niya.

"Let's go," aniya. "Nandiyan ang bag mo."

Nagsimula na siyang maglakad. Kinuha ko ang bag na nakalagay sa table at isinukbit iyon sa balikat ko. Sinubukan kong ipantay ang lakad ko sa lakad niya pero masyadong malalaki ang mga hakbang niya. May mangilan-ngilan kaming mga kaklase sa labas. Nang tumingin sila sa gawi ko, nagbaba lang ako ng tingin. I knew what they were thinking.

Kung bakit ba kasi ito pa ang napili kong rason para iwasan si Jem.

The sun shone brightly. Marahang dumadampi ang init ng sikat ng araw sa balat ko. May mangilan-ngilan na ring huni ng mga ibon sa paligid. Pumasok na kami sa gubat. It felt like we just entered a new world. Bumabalik ang lahat ng alaala sa isipan ko. Pero mabilis ko iyong pinalis.

Nang hindi ko na matiis ang katahimikan, ako na ang nagsalita. "Maru," I waited for him to turn his head but he didn't so I continued speaking, "Saan tayo pupunta?" No answer. "Maru?" Still no answer. Inayos niya lang ang bag na nakasukbit sa balikat niya.

Hindi ko na sinubukang magsalita uli. Maybe he didn't feel like talking right now. Tahimik ko na lang siyang sinundan. Paminsan-minsan, ginagaya niya ang huni ng mga ibon sa pagsipol niya.

Tuyo ang lupang nilalakaran namin. It still hadn't rained.

Lumipas ang pakiramdam ko ay halos isang oras na, hindi pa rin nagsasalita si Maru. Walang nag-initiate ulit ni isa sa amin na gumawa man lang ng mapag-uusapan. Kahit na parang napahiya na ako kanina dahil hindi siya sumagot, ako uli ang nagsalita.

Glory and Gore (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon