Chapter 42

79 17 6
                                    

ACT 42: Round Two (Part 1)

While You Were Sleeping

BLAIR

"Evangelyn..." I whispered.

"Huh?" Xavier turned to me. "May sinabi ka?"

Napunta ang tingin ko sa kanya. "N-no. It's nothing," umiiling na saad ko.

Bumalik ang tingin ko sa unahan namin pero wala na roon si Evangelyn. Wala na ang pamilyar niyang mukha sa pila ng mga estudyanteng nasa unahan. Napakunot ang noo ko. Sigurado akong si Evangelyn ang nakita ko. Hindi ako nagkakamali.

Si Xavier na ang sunod na papasok. He held the eye in front of the scanner. May malaking bilog na butas sa ilalim ng scanner. A robotic hand emerged from the hole and took the eye from Xavier's hand. Napakislot siya pero tumuloy na sa pagpasok.

"I'll wait here," ani Xavier.

Tumango lang ako sa kanya. Sa nanginginig na kamay, iniharap ko ang matang hawak ko sa scanner. It beeped and the same robotic hand took it from me. At tuluyan na akong pumasok. Nakakasilaw ang liwanag sa loob. Kinailangan kong kuskusin ang mga mata ko para mag-adjust ang paningin ko sa liwanag. When my vision finally adjusted, I realized we were in a long hallway. White walls, white ceiling and white tiled floors. I felt dirty standing here. Naghihintay si Xavier na nakasandal sa pader.

"Let's go," tanging sinabi niya at naglakad na kami.

I couldn't see anything ahead of us. Ang tanging nakikita ko lang ay ang parehong pasilyo. Gaano ba ito kahaba? Naitanong ko sa sarili ko.

Pinunas ko ang madugo kong palad sa damit na suot ko. But it didn't remove the already dried stains of blood. Nanatili iyon roon na parang nakamarka na sa palad ko. It was like a reminder of who I was minutes ago.

"What do you think will be the next round?" kaswal na tanong ni Xavier sa 'kin.

Napabuga ako ng hangin. "I have no idea," tugon ko.

Hindi ko magawang isipin na minuto lang ang lumipas nang matapos ang unang round. Mabilis kaming nabawasan sa loob lang ng kinse minutos. Namatay sa Christy. I could still remember her eyes staring lifelessly at me. Hindi ko maatim na parang hindi man lang nagsisi si Xavier sa ginawa niyang pagdukot sa mga mata ng patay na katawan. I wanted to ask him if he was the one who killed the guy. Pero pinigilan ko ang sarili ko.

Umalingawngaw sa isip ko ang sinabi ng babae kanina sa speakers. Only one of you will survive. Xavier did it for himself. I just happened to be there with him kaya niya ako hinayaang makaabot sa sumunod na round. I shouldn't trust anybody right now. I don't know any of them. At nakita ko na kung ano ang kaya nilang gawin. They were capable of killing people as easily as if they were merely killing insects.

Ipinilig ko ang ulo ko. I need to focus on this round. Nalampasan ko na ang unang round nang dahil kay Xavier. But I shouldn't depend on him. I shouldn't depend on anyone. I only have myself. The first round was a wake up call for me. I looked up at the cameras on the ceilings as we passed them.

"You see the cameras everywhere? They are watching you. We are watching all of you." Naalala kong sabi ng babae. Nanonood sila. Pero sinong sila ang tinutukoy niya?

They want a show? I'll give them a fucking show.

May hiyawan akong narinig sa likod ko. Boses iyon ng mga lalaki. Narinig ko ang mga yabag nila papalapit sa akin. Naramdaman ko na lang ang mainit na hininga ng isa sa kanila nang bumulong ito sa tainga ko. "Wanna fuck, sweetheart?" he chuckled. "You look hot with those blood stains on your skin."

Glory and Gore (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon