Chapter 56

46 6 0
                                    

ACT 56: Fourth Round (Part 7)

BATTLE ROYALE (Part 7)

BLAIR

Kung buhay si Maru, malaki ang posibilidad na buhay ang iba pa naming mga kaklase. Si Jem, maaaring buhay pa siya. At si Celaena, sabi ko sa sarili ko. Just the prospect of seeing them again, made me feel hopeful. Tama, I have reasons to live. Hindi ako susuko ngayong nasa gitna na ako ng laro. Oo, marami akong naranasan para marating ko ang puntong ito. And I'll use those experiences to my advantage.

Bumaling ako kay Maru na nakaupo sa tabi ko. Ngayon ko lang napasadahan ng tingin ang mukha niya. Mahaba na ang buhok niya, hindi na katulad noong huli ko siyang nakita. But his eyes remained the same. Kulay tsokolate ang kanyang mga mata sa ilalim ng sinag ng araw.

"How's the view?" bigla ay sabi niya.

Mabilis akong nag-iwas ng tingin. Tumikhim muna ako bago ako nagsalita. "How long was I asleep, Maru?" balik-tanong ko sa kanya.

Noon siya tumingin sa gawi ko. "Three days," matipid niyang sagot.

Tatlong araw akong walang malay? Hindi ako makapaniwala sa sinagot niya. Kung ganoon, sigurado akong marami nang nangyari na hindi ko nasaksihan. Ilan na lang kaming natitira dito sa laro? Ilan na ang namatay?

Mukhang nabasa niya ang mga tanong sa isip ko. "Pumutok ang kanyon ng 12 times. 12 na ang namatay sa loob lang ng tatlong araw," aniya na ibinalik ang tingin sa langit. "13 na lang tayong natitira dito. But you don't have to worry. Ligtas tayo rito."

Bakit ganoon kabilis ang pagkabawas sa bilang namin dito sa isla? I guess some of us are more competitive than I thought. Gusto nilang tapusin ng maaga ang laro.

"I-I thought you were dead, Maru. I'm sorry na iniwan ka namin ni Jem—"

He quickly cut me off. "You don't have to be sorry. Wala rin naman kayong magagawa kung tumigil kayo sa pagtakbo. But I didn't die, so there's nothing to worry about."

"Sa tingin mo, buhay pa ang iba nating mga kaklase?" I asked him.

Nagkibit-balikat lang siya. "Maybe. I mean, we found each other. Baka maaaring nandito rin sila sa loob ng game na 'to."

That's unlikely to happen. Kung nandito sila, I would've already seen them. Pero hindi ko rin naman nakita si Maru. At heto siya ngayon, buhay. Maaaring tama nga siya. May posibilidad na nandito rin sila sa isla.

*****

Hindi na muling pumutok ang kanyon sa araw na 'to. It was already night when we decided to climb up a tree to seek shelter. Ang sabi ni Maru, hindi kami makasisiguro na magiging ligtas pa kung mananatili kami sa baba. 13 na lang kaming natitira dito. Paunti na kami nang paunti. Isa lang ang ibig sabihin niyon; unti-unti na ring nagkakaalaman kung sino ang may malaking kagustuhang manatiling buhay sa dulo nitong laro.

Nang magtaas ako ng tingin, madilim na ang langit at tanging ang mga kislap lang ng bituin ang nagbibigay ilaw sa kagubatan. It's nice up in here. Pakiramdam ko, kahit panandalian lang, ligtas ako. Ligtas kami ni Maru dito.

Kanina, ang tanging kinain lang namin ay ang buko na napitas ni Maru sa tabing dagat. Iyon daw ang una niyang ginawa nang magising siya sa unang araw dito sa isla. And that alone was able to make him get through the day.

Kinwento niya rin sa 'kin na sinubukan niyang puntahan ang gitna ng gubat, umaasang makakakuha siya ng gamit sa box. But it quickly turned into a bloodbath. Ang tanging nakuha niya lang daw ay isang patalim na hinagis sa direksyon niya nang makita siya ng isa sa mga estudyante. He was able to outrun the guy who chased him.

And from then on, he decided to hide as long as he could by staying up in the trees day and night.

Nasa katabing sanga ng puno ko siya nakasandal. He brushed his hair up and looked at me.

"Ikaw, Blair? How did you manage to last this long in this game?" tanong niya.

Nagkibit-balikat lang ako. "It's a long story. Someone helped me. And that person betrayed me when she had the chance. And then you found me."

Hindi ko magawang ikwento sa kanya ang nangyari bago pa man ako mailigtas ni Margaery. Hindi pa ako handang ikwento kahit kanino ang alaalang iyon. I tried forgetting it as much as I can. Pero patuloy pa rin iyong bumabalik sa isip ko na tila ba nakaukit na iyon doon. Nagsimulang mag-init ang gilid ng mga mata ko.

Every time I think about it, I couldn't help but feel weak. Wala akong nagawa sa mga gumahasa sa 'kin. I bit the inside of my cheek to stop myself from crying. Pinalis ko ang alaalang iyon sa isip ko.

Nang muli akong bumaling kay Maru, mataman siyang nakatingin sa 'kin. Mayamaya pa ay maingat siyang tumalon sa sangang inuupuan ko. The tree shook a bit. Lumapit siya at umupo sa tabi ko.

"You're safe now, Blair. I promise you that," aniya, malungkot na nakangiti.

"Thank you," sabi ko. "Thank you for saving me, Maru."

Gusto kong maniwala sa sinabi niya. Na ligtas na ako. But I couldn't bring myself to believe him. Hindi ako ligtas hangga't nasa loob pa rin kami ng laro. Hinding-hindi kami magiging ligtas. That, I perfectly know.

Glory and Gore (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon