Chapter 41

72 17 5
                                    

ACT 41: First Round (PART 2)

BLAIR

Shouts, cries. Iyon lang ang tanging naririnig ko. Habang nakatayo ako sa gitna ng arena, hindi ko mapigilang hindi mahilo. Students were running every direction. Ang iba ay sinubukan nang kuhanin ang box sa ilalim ng mga bleacher.

After a few seconds, a clock started ticking somewhere. Nakita kong nanggagaling iyon sa screen ng telebisyon—14m 56s. May naramdaman akong bumangga sa 'kin. Hindi ko na nagawang tingnan kung sino iyon. I fell on the floor.

"Stop!"

"No, please!"

"Just fucking kill her!"

"Mata lang naman ang kailangan natin, 'di ba?"

"Give me your fucking eye!"

I felt the cold floor against my bruised cheek. Nanatili lang ako doon nang ilang segundo nang may lumapit sa puwesto ko. I realized it was Christy.

"Blair! What the hell are you doing?" asik niya.

Marahas niya akong hinila patayo. Hinawakan niya ang magkabila kong braso. "Get ahold of yourself!" muli niyang sigaw. "We are so fucked."

Inikot niya rin ang paningin sa arena. May ilang mga estudyante na nakaupo sa sahig at umiiyak, nakatakip ang mga kamay sa tainga. Ang iba naman ay nakapatong na sa mga katawan, may hawak na patalim. It only took us minutes to unleash the animal inside us—the killer inside all of us. Hindi ko magawang isipin kung paano nila naatim na pumatay ng tao.

Natutop ni Christy ang kanyang bibig habang nakatingin sa likod ko. Sinundan ko ang tingin niya. A guy was on top of a girl. He was holding what looked like a screwdriver. Sa nanginginig na mga kamay, walang habas niyang isinaksak iyon sa isang mata ng babae. Nang hugutin niya iyon, may mata na roon. Hindi ko magawang ialis ang paningin ko sa kanila. Blood started oozing from the girl's empty eye sockets. Nagawa niyang itulak ang lalaki paalis sa kanya. She was covering one of her eyes. Tumagos ang dugo roon. It trickled down her prison uniform. The girl managed to stand up.

"H-help me..." she cried.

Marahas akong hinila ni Christy sa braso ko. "W-what the fuck was that?" hindi makapaniwalang sabi niya. "Kailangan na nating makaalis dito!"

Pero saan? Saan kami puwedeng makatakas? The only way for us to escape was to go down the elevator again. But that seemed impossible. Walang akong nakitang buton sa labas ng elevator. Sa loob lang niyon merong buton.

Nagawi ang tingin ko sa elevator. May ilang mga lalaki na sinimulang hampasin iyon gamit ang upuan. But it was useless. Hindi natitibag ang elevator. It seemed like it was impenetrable. Hinila ako ni Christy sa silid na pinasukan namin kanina. She quickly locked the door behind us. May umiiyak na lalaki sa may corner ng silid.

"'Wag kayong lalapit!" sigaw niya.

Umiling ako sa kanya. "W-we won't hurt you," sabi ko.

Ibinaba niya ang hawak na baseball bat at muling umiyak. He was hysterical. I heard Christy pushing the table against the door, to prevent the others from entering. Kahit na nakasarado na ang pinto, naririnig pa rin namin ang sigawan mula sa labas. It was blood bath out there.

"What should we do next?" I asked Christy.

She bit her lower lip, thinking. "I-I..." she began but couldn't seem to find the right words. "I don't know. W-we should just stay here until the chaos subside."

Glory and Gore (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon