Chapter 37

74 16 4
                                    

THIRTY-SEVEN

Kaleon

Blair and the other had been gone for quite a long time now. Ang mga rasyon ng pagkain namin ay paunti nan ang paunti. Natatakot ako na baka umabot kami sa puntong wala na kaming makain. I was expecting this. Kakailanganin din naming lisanin itong warehouse kung gusto naming maka-survive. We would get to that point soon.

Nasa rooftop ako nang marinig ko ang kakaibang tunog na nanggaling sa loob ng kagubatan. Masyadong matataas ang mga puno kaya hindi ko matanaw kung saan nanggagaling ang tunog na iyon. Para iyong nanggaling sa isang eroplano, pero hindi ako sigurado.

Napalingon ako nang may marinig akong kaluskos sa likod ko. Si Maui iyon. Kulot ang buhok niya at kayumanggi ang kanyang balat. Nakapinta ang takot sa mukha niya nang lumapit siya sa akin.

"Did you hear that strange noise?" Maui asked, his eyes scanning the forest beyond us. It seemed endless, though. "Gumegewang ang mga puno. Dapat ba tayong mabahala?"

Napakunot ang noo ko at ibinalik ang tingin sa kagubatan. Tama siya, gumegewang nga ang mga puno hindi kalayuan sa warehouse. What's making the trees sway like that?

"Sa tingin ko ay hangin lang 'yon," sabi ko na lang.

I didn't want to cause any panic. Mayamaya pa ay isa-isa nang nagsipagtaasan ang mga kaklase ko. Puno sila ng kuryosidad na malaman kung ano ang gumagawa ng napakalakas na ihip ng hangin.

"Should we head out there?" ani Margaret.

Nagkibit-balikat ako sa pahayag niyang iyon. Delikado ang pumunta sa gubat gayong palubog na ang araw. We're not sure what was out there.

"No, I don't think we should. It's too dangerous," sabi ko.

Humarap sa akin si Margaret, halatang hindi kuntento sa sagot ko. "May mga patalim tayo, Kal. We can defend ourselves," pagpilit niya.

"What if sila Maru iyon? What if they need our help?" pagsingit ni Maui.

I weighed out some things before agreeing with them. Sabay-sabay kaming bumaba sa warehouse at tuluyan nang lumabas. Tumigil na ang malakas na ihip ng hangin. Tahimik na rin ang paligid. It was eerily quiet. Inayos ko ang salamin ko sa mata at pinasadahan ng tingin ang kagubatan.

Out of the blue, they started appearing one by one. Ang akala ko noong una ay mga puno lang sila pero nang medyo malapit na ang kanilang pigura, I realized they were the men in red cloaks. Strangely, they were holding silver guns. Nagmartsa sila papalapit sa amin.

Si Margaret ang malakas na sumigaw na nakapagbalik sa huwisyo namin.

"Get inside!" I screamed at them. Kinailangan ko pang itulak ang iba sa kanila na nanigas na sa kinatatayuan. Before I entered the warehouse, I glance at them. Sigurado akong nandito sila para patayin kami. Under the setting sun, their cat-like masks shone almost silver in shade just like the guns they were holding.

Mabilis kong isinara ang pinto. My classmates were all staring at me, scared, unsure of what to do. Pero hawak na nila ang kani-kanilang mga patalim. Napunta ang tingin ko kay Krys na binuksan ang back door. Bumagsak siya sa sahig at patuloy na umatras nang makita ang isang pamilyar na pigura na nakatayo roon. The man in red cloak entered and I thought he was alone, sunod sunod na pumasok ang kasamahan niya mula sa backdoor.

Napagtanto ko na wala kaming laban kahit na may mga patalim kaming hawak. Wala iyon sa mga baril na hawak nila.

They formed a tight line in front of us.

Ang sunod naming narinig ay tila laser na tunog—matinis ang tunog niyon at tumagal ng wala pa sa isang segundo. Nakahandusay ang katawan ni Krys sa sahig. I knew he was dead.

Shit, shit, shit. We have to do something.

Napansin ko rin ang mga pin na nakatatak sa dibdib ng roba nila. It was the same pin Blair gave me. It was an eye that was encircled by a silver ring. Leader yata nila ang lumakad papalapit sa amin. We were all standing on the corner of the room.

"Don't fight and just surrender already," matigas ang tono nito. "Para wala nang masaktan."

"Fuck no!" sigaw ng mga kaklase ko.

They ran towards the army of men in red cloaks but they met lazer bullets as well. All of them dropped dead on the floor, lifeless. Kaming dalawa na lang ni Margaret ang nakatayo sa corner. Tinulak ko siya sa likod ko, na para bang makakaya ko siyang protektahan. She was crying.

Sa nanginginig na kamay, hinawakan ko ang patalim sa harap ko. Halakhak lang ang isinagot ng lalaking nasa harap ko. My knees were trembling in fear.

"'Wag kang lalapit," banta ko.

Naramdaman ko ang paghawak ni Margaret sa balikat ko. "Kal, let's just surrender," she whispered to me.

Bumalik ang tingin ko sa lalaking nasa harap ko. He was giving me a quick scan. Before I could speak, I felt a needle pierced through my chest. And then another one. Napabuga ako nang hangin. The world around me started spinning. Napaluhod ako sa sahig at marahas na tinanggal ang tumusok sa dibdib ko. Dalawang injection iyon. Tinapon ko iyon sa sahig. Na-realize kong nanggaling ang injection sa hawak na baril ng lalaki. I tried standing up but I couldn't. Something was stopping my system. Nanatili lang akong nakaluhod. And then my chest started constricting. Hindi ko namalayang tuluyan na pala akong bumagsak.

The last thing I saw was Margaret sat beside me, crying and the cat-like mask staring down at me. At nilamon na ng dilim ang paningin ko.

Glory and Gore (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon