Chapter 21

85 17 8
                                    

TWENTY-ONE

Blair

Everything was quiet for a moment. Tanging ang marahas na pagbuga ko ng hangin ang tanging maririnig. My chest was heaving. Tila ba tuluyan nang naubusan ng lakas ang buo kong katawan.

I could feel beads of sweat trickling down my cheeks—or maybe it was blood. I wasn't sure. Nararamdaman ko pa rin ang bato sa kamay ko na para bang bumaon iyon sa aking palad. Alam kong may kaunting sugat doon.

Gamit ang likod ng kamay ko, pinunasan ko ang pisngi ko. Bigla kong naalala si Jem. Inalis ko ang ulo ko sa balikat niya at dumako ang tingin ko sa kanyang tagiliran. Mahigpit niya iyong hawak. Napansin ko na may punit sa kanyang shirt.

Bahagyang nakakunot ang kanyang noo na parang nahihirapan siya pero pinilit niyang ngumiti.

Puno ng dugo ang puti niyang shirt. Sa mga nanginginig na kamay, kinuha ko ang kanyang kamay at ipinatong iyon sa aking balikat. Tinulungan ko siyang tumayo.

I turn to him. "I-I'm okay..." aniya na tila ba nabasa niya ang tanong sa isip ko. "L-Let's go."

Wala sa loob na tumango ako. Bago pa kami makapaglakad, sa huling pagkakataon, pinasadahan ko ng tingin ang paligid. There were bodies. Blood. Blood is everywhere.

I realized that both Jem and I could've died. But we managed to survive in spite of being intimidated by their numbers.

"Jem, thank you," bulong ko. He looked at me for a moment. His eyes were like the ocean, glinting like clean water under the sun.

Gusto ko siyang pasalamatan ng sobra dahil sa ginawa niya. If not for him, my body would have been one of the bodies lying on the ground.

"Sobrang thank you din, Blair," nahihirapan siyang magsalita. "I didn't know that you had those kind of skills. Ang cool mo tingnan kanina."

I rolled my eyes. Hindi ko napigilang mapangiti.

We started walking slowly. Iniingatan ko na siya na hindi matumba.

Mayamaya pa ay saglit kaming tumigil at pinahubad ko sa kanya ang shirt niya. Hinubad ko rin ang shirt ko. There were huge cuts on his back. I knew I had to at least stop the bleeding. Napansin kong namumutla na siya. He had lost a lot of blood. Kaya naman gamit ang shirts namin, itinali ko iyon sa katawan niya ng may katamtamang higpit, to the stop the bleeding.

We continued walking. I didn't know how many hours had passed. Kinailangan naming tumigil ng sandaling oras dahil natatakot ako na baka mawalan ng malay si Jem bago pa man kami makabalik sa warehouse.

Naaawa ako sa kanya. Paano niya nagagawang ngumiti pa rin sa kabila ng dami ng sugat na tinamo niya?

He told me that he got the map after the explosion. Luckily, wala iyong gaanong damage.

Pagkatapos nang ilang minutong pagpapahinga, naglakad kami ulit hanggang sa marating na namin ang pamilyar na gusali. Nakailang katok muna kami sa pinto bago iyon buksan. Si Evangelyn ang bumungad sa amin.

"What happened?" she asked, her eyes wide in horror. Instead of answering her question, I walked past her and helped Jem to the nearest sofa. Sumunod si Evangelyn. Nang tuluyan niyang makita ang sugat sa tagiliran ni Jem, napasinghap siya. "God, I have to call Maru."

At tumakbo siya palabas ng pinto.

"Jem?" lumapit ako sa sofa niya. I touched his forehead to check if his temperature was still close to normal.

Glory and Gore (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon