TWENTY-SIX: Growing Pains
Blair
Napagdesisyunan nila Maru na gumawa ng maayos na libing para kay Eyrene. She deserved that, at least, he said.
Gabi na ng sabay-sabay kaming lumabas ng warehouse na may hawak na kandila. Gumawa ang mga lalaki ng isang malaking lantern gamit ang mga papel na nakuha nila.
Si Evangelyn ang pumunta sa harap para sindihan iyon. She wrote something on it and when she turned around, her cheeks were already wet.
"Hindi niya naman kailangang mamatay..." humihikbing sabi niya.
Mabilis na lumapit sa kanya si Maru para ipaloob siya sa isang yakap. Parang may sumuntok sa dibdib ko. I quickly averted my eyes and focused on the light. It illuminated the darkness surrounding us, giving everything it touched dim lighting.
"Who would even do that?" sabi ni Kaleon na nasa tabi ko.
Lumingon ako sa kanya at nagkibit-balikat. "Probably someone who hates her," wala sa loob na tugon ko.
Tila nagulat siya sa isinagot ko. "Pero hindi pa rin sapat ang dahilan na iyon para pumatay ng isang tao," aniya. "You were there, right?"
Naalala ko ang mga nangyari nang nakaraang gabi. Everything seemed to shape in focus now—everything, sharp. The figure... masyado iyong balingkinitan para maging katawan ng isang lalaki. Sigurado akong babae iyon.
Wala pa akong pinagsasabihan ng tungkol doon. And I knew I had to tell someone about it. It was a piece of puzzle we were trying to solve. Tama, kailangan kong sabihin ito kay Maru. I knew he would believe me. I hope so.
"O-oo," nagbaba ako ng tingin.
Mukhang napansin niya ang pagkailang ko sa topic dahil iniba niya ang usapan. "So, how are you, Blair?"
Napangiti ako. No one had ever asked me that until now. "Maliban sa umaasa pa rin akong may tutulong sa atin dito, masasabi kong okay pa ako," sagot ko. "How about you?"
He smiled. "I'm hoping, too, you know," halos bulong na sabi niya.
I turned to look at him. Kaleon was wearing his glasses and behind those, I could see clearly that he's scared—we all are. Ginupit na niya ang mahaba niyang buhok na bumagay naman sa kanya. He seemed to be getting thinner as the days passed by. At alam kong ako rin. Nararamdaman ko na ang pangangayayat ng katawan ko, hindi ko lang makita dahil walang salamin dito.
"We are all gathered here to mourn our classmate's death, Eyrene Calica," Maru was saying. Sinabi niya na pupunta kami sa harap at ilalapag ang mga kandilang hawak namin saka magsusulat sa lantern. When it was my turn, I wrote, Hahanapin ko ang pumatay sa 'yo. Be at peace. Hindi na ako nagtagal pa sa labas at nauna na akong pumasok sa warehouse.
I found Margaret sitting on the couch, her shoulders shaking. Mukha siyang umiiyak. Lumapit ako sa kanyang puwesto.
"Margaret?" pagtawag ko sa pansin niya.
She didn't look up when she spoke. "O-okay lang ako. Go out there and mourn h-her death..." marahas niyang pinunasan ang basa niyang pisngi at tumayo. She walked away.
"I was not going to ask you that," I said to her. Narinig ko ang pagtigil ng hakbang niya. "Itatanong ko sana kung bakit ka umiiyak."
Seconds passed. Naghintay lang ako roon ng isasagot niya. She's not friends with Eyrene, I knew that. Kasi parehas silang may kanya-kanyang grupo... back then. I was not even shocked to see her and Evangelyn getting along just fine. Pero ang mga sumunod niyang sinabi ang nagpatigas ng kalamnan ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/214332182-288-k201250.jpg)
BINABASA MO ANG
Glory and Gore (Completed)
Mistério / SuspenseIN THE GAME OF DEATH, THERE ARE ONLY TWO OPTIONS: YOU EITHER KILL OR GET KILLED. In Year 2029, the Earth's population increased ceaselessly. That was when the creators of humankind came down to Earth to wipe out the entire human race to start anew...