Chapter 31

83 17 2
                                    

THIRTY-ONE: Memory Lane

Blair

Ellis Island, August 09, 2023, First Day at Ellis University

Mabilis akong nagtungo sa silid namin. Tahimik na ang pasilyo. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Our teacher, Ms Marquez, didn't give the slightest hint that I entered her class. She merely gave me a look at my direction when I sat beside Celaena. Pero mukhang mali ako.

Tumikhim siya. "Perhaps, Ms Wadson here wants to answer my question?" awtomatikong bumaling ang lahat ng atensyon ng mga kaklase ko sa akin. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko but I quickly composed myself. "Ms Wadson?" tawag uli ni Ms Marquez sa pangalan ko.

I stood up. Magsasalita na sana ako nang bumukas nang marahas ang pinto. Nakaakbay si Maru kay Evangelyn at mukhang nagtatawanan sila. Siniko ni Evangelyn ang kanyang boyfriend nang hindi pa ito tumigil sa pagtawa. Lahat ng kaba ko ay biglang nawala. Gusto kong humagalpak ng tawa dahil sa reaksyon ng mukha ni Maru. Siguro ay hindi nila alam na si Ms Marquez ang first subject namin. Typical king and queen, sarkastikong pahayag ng utak ko.

Hinila ako ni Celaena paupo. Kahit siya ay nakatakip ang isang kamay sa bibig, pinipigil ang pagtawa. But she wasn't that successful kasi lumingon muli sa direksyon namin si Ms Marquez. "I will not tolerate such students like these! Hindi niyo binibigyan ng halaga itong subject ko! How dare you to enter my class this late? Detention after class, Ms Lajara, Ms Wadson, Ms Edwards—" naputol ang sasabihin pa sana niya nang muling bumukas ang pinto ng room. Iniluwa niyon sina John Emmanuel at isang lalaki na hindi pamilyar sa akin. Marahas na bumuga ng hangin si Ms Marquez at saglit na pumikit. "Mr Alegria, Mr Caliente and, you are?" tanong niya sa lalaking kasama ni Jem, her voice trembling with anger.

"A-ah, Kaleon Yang po," ngumiti pa siya. "Transferee student."

"Happy first day, Mr Yang. But unfortunately, I never give a free pass to new students. So you will also join the detention later," said Ms Marquez. "Welcome to the club. And please take your seats."

Mga tunog ng upuan ang pumuno sa klase as they all find their seats. Ms Marquez turned to my direction, her hands still shaking. "I am disappointed with what you did on your first day, Ms Wadson. Ikaw pa naman ang inaasahan ko dito sa klase," gusto kong lumubog sa upuan ko at lamunin na ng sahig nang mga oras na iyon. Lahat ng tawa na pinipigil ko kanina ay biglang naglaho. Hiya—iyon ang pumalit. I couldn't look up at her face, sapat na ang mga salitang sinabi niya. "No discussions. Do you homework and review. That is all for today. Siguraduhin mong anim kayong makikita ko sa aking office, Ms Wadson. I'll see you in a few minutes."

Tumango ako, nasa sahig pa rin ang tingin. Then I heard the clinking of her heels, fading out of the room. I felt like crying. Naramdaman ko ang braso ni Celaena na pumulupot sa balikat ko. "I'm sorry, Blair," she whispered.

"It's okay," pinilit kong ngumiti.

After the door closed, nagsimula nang mag-usap ang mga kaklase ko. Naalala ko ang sinabi ko sa sarili ko bago bumaba ng bahay, Today will be different. Maybe this was what I meant? But this was so much for my first day.

***

Hindi ko na kinailangan pang tawagin isa-isa iyong mga tinawag na pangalan ni Ms Marquez dahil nang tumayo ako at lumabas ng room kasama si Celaena, nasa likod ko na sina Evangelyn, Maru, John Emmanuel at Kaleon. No one spoke as we walked toward the elevator. Nasa sunod na building pa ang office ni Ms Marquez, at sa tingin ko wala namang gustong gumamit ng hagdan, kaya dumeretso ako sa elevator, Kaleon bringing up the rear.

Glory and Gore (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon