IV: B minor

491 45 2
                                    

IV: B minor



"Hanep ng sagot ah? Hahaha."

Pasimple kong nilingon si Li at ang mga kaibigan nito ng matapos na ang aming klase.

Kasalukuyan siyang inaasar ng mga kaklase niya dahil sa isinagot niya kanina.

I just saw her shrug her shoulders and smile as if she's saying, 'Well.. ano pa nga ba.'

"Hahaha buti naka-sagot ka. Serves him right! Masyado siyang mapag-pahiya." - usal nung maliit niyang kaibigan na sa tingin ko ay Dahlia ang pangalan.

Narinig ko ang pag-agree ng iba sa sinabi nito.

"Yung mukha niya kanina parang di maka-paniwala eh hahaha." - usal naman nung isa pa nilang kaibigan na kikay kung kumilos. Sa tingin ko Jaycee ang pangalan nito base na rin sa tawag ng mga kaibigan niya.

Muling ngumiti si Li atsaka kinuha ang gitara niya.

"Tara, open field?" - yaya niya sa mga kasama.




Halos naging tahimik lang ako habang pinagmamasdan silang lumabas ng room. Pito silang magkakaibigan at siya ang nag-iisang naiiba ang timbang. Katamtaman ang tangkad pero higit na mas matangkad kaysa sa iba niyang mga kasama.

Inayos ko ang gamit ko at lumabas ng room dahil may ibang section na ang gagamit nito.

'Another 40 minutes break.. san naman kaya ako pupunta nito?'

I just sigh and walk away. I have no friends. Alam ko sa sarili kong maraming sumusubok na kaibiganin ako pero ako ang kusang umiiwas. I'm afraid that if I got to close with someone, baka malaman nila ang sekretong naka-kubli sa buhay ko.




Lumipas ang buong mag hapon ng walang masyadong ginawa bukod sa discussion.

We have a class at 6:00 pm today kaya naman ay kailangan kong matapos ang araw na ito sa school kahit pa man napaka-boring na.

Umupo ako sa isang bench na malapit sa open field at nag pahinga. By this time, section nalang namin ang nasa school kaya naman ay napaka-tahimik na ng buong campus.



I was in the middle of thinking when I heard a strum from a guitar. Para bang biglang automatikong napa-lingon ang ulo ko sa tapat ng puno kung saan ko nakita si Li kaninang umaga. And there, hindi nga ako nagkamali. It was her.. alone again.

Ang bench kung nasaan ako naka-upo ay nasa likurang bahagi niya kaya naman ay malaya akong napagmamasdan siyang mag gitara.

Tinitipa niya ang bawat chords na para bang sanay na sanay na siya rito. Ang ritmong inilalabas ng gitara ay napaka-sarap sa pandinig. Halatang bumabagay sa katahimikan ng paligid.


"If I lay here.. If I just lay here.. would you lie with me and just forget the world?"

Bigla akong napa-upo ng tuwid ng marinig ang biglaan niyang pagkanta. Ramdam ko ang kung anong kabang namuo sa aking dibdib habang pinapakinggan ang napaka-gandang ritmong lumalabas sa bibig niya habang tinitipa ang gitara.

'She has a beautiful voice. Wow.'

I was moved with great silence as she continued singing. Maya-maya pa ay tila pa nanghinayang ako ng marinig ang paghinto niya. Inangat ko ang paningin ko para tingnan siya at nakitang naglalakad na ito papunta sa malawak na court bitbit ang isang bola.

Behind the Skies (Book 1 of Skies duology) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon