Epilogue (The last string)

288 13 2
                                    

Maybe that's all we'll ever be— an incomplete sentence, a half-written story. Finished, without an ending. 🍃🍂 (ctto)





C y r u s   P i e t r o .





I sighed at how everything behind the skies baffle me. Marami ang mga katanungang namumuo sa aking isipan na tanging mga dalubhasa lamang ang makakasagot. Tulad ng, gaano nga ba kalaki ang buwan? Bakit madilim ang kalawakan? Bakit kumikinang ang bituin? Bakit asul ang langit? o di kaya nama'y, bakit niya ako iniwan? Bakit umiikot ang mundo? Bakit dilaw ang araw? Bakit mayroong umaga at gabi? at higit sa lahat, bakit niya ako sinukuan?





How long has he been sleeping?”

Nakapikit man ay naging malinaw sa akin ang tinig na iyon. My mind is already awake but I can't open my eyes. Ang talukap ng aking mga mata ay kay bigat, tila ba humihingi pa ng oras para makapagpahinga.

“Two months” — a voice from a guy answered. “He's been in coma for 2 months now. Sabi ng doctor ay milagrong lumalaban pa siya, gayong napakarami ng balang tumama sa kanya. Di ko masyadong naintindihan ang eksplenasyon ng doctor pero ang alam ko'y maraming factors dahil sa sitwasyong naganap ang nakapag-damage ng brain niya. Chemical imbalances and lack of oxygen caused him to sleep for two months straight.”

Nakapikit man ay batid kong marami ang boses sa paligid. They are talking using their lowest possible tone, but everything is sounding clear to me.

“What are we doing here anyway? Pinapatay ako ng konsensiya.”

“Bakit ka naman makokonsensiya? Ikaw ba ang may gawa niyan sa kanya?”

“Well, maybe not me, but I know that in the moment he wakes up, everything will be more painful for him. Hindi ko kayang makita 'yon kuya Mccoy.”

“I agree. Paano natin ipapaliwanag ang lahat?”

Ano ba kasing ipagpapaliwanag niyo? Wala kayong dapat ipaliwanag.”

“Mayroon kuya! Paano natin ipapaliwanag na wala na si Ligaya?”

As the last voice spoke, sobs from an unfamiliar voices permeated the whole place.





Ligaya.

Naikunot ko ang aking noo ng maramdaman ang pag-ikot ng paligid kahit pa man nakapikit. The word Ligaya keeps on churning into my mind repeatedly.

It confused me for a short period of time, but then I realized that the Ligaya they are talking about is my own happiness.. my wife.

Hirap man ay pinilit kong dumilat. Sa una'y ilang beses pa akong napapikit dahil sa pagkahilo, pero sa huli'y nagawa kong isaayos ang pagkakadilat ko at pagmasdan ang mga taong ngayon ay abala sa paguusap-usap, it seems like they haven't noticed my wake.

It took me minutes before realizing who they are —Li's cousin.

“Hindi mo kailangang ipaliwanag sa kanya ang pagkawala si Li, Ella! He is not our obligation!” — I immediately saw the annoyed face of Mccoy while looking at Ella and Daine who are now currently sobbing.

Masasaktan siya!” — impit na sigaw ni Daine.

“Bakit, sa tingin mo ba may magagawa pa siya?” — sarkastikong tanong ni Mccoy.

Matinding katahimikan ang bumahid sa lahat bago muling magsalita si Mccoy. Now, his words are careful.

“He is not good for Li.. he's never been good for Li..” — wika niya, umiiling-iling. “Look what happened to Li. He ruined Li's life. He turned Li into someone we couldn't imagine she'll ever be.. kung ano man ang mga nangyayari ngayon, mas mainam na ito kaysa noon.”

Behind the Skies (Book 1 of Skies duology) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon