XXXVIII: Gm6

207 22 2
                                    

XXXVIII: Gm6


Mabilis pa sa rumaragasang sasakyan ang naging takbo ko papalabas ng aming bahay. I ran hastily in a very fast pace as fear crept my sanity. Halos tawagin ko na ang lahat ng mga santo sa pagdarasal na sana sa mga oras na ito ay walang ibang makakita sa kanya.

The moment I opened the gate, my whole world almost stops as I saw how sweet her smile is. Malayo man ang distansiya namin sa isa't-isa ay kitang-kita ko ang tuwa sa sistema niya dahil sa muli naming pagkikita.

Sa mga oras na ito ay hindi ko alam ang dapat na gawin. Yayakapin ko ba siya? Papaalisin? Hindi ko alam.

Sa huli ay nilakad ko ang distansiya naming dalawa ng puno ng agresyon.

“Hi love, I'm bac--”

Hindi na natapos ang sasabihin niya ng mabilis pero maingat ko siyang hinila palayo sa aming bahay. Dahil sa mga puno ay naging madilim at nakakatakot ang buong paligid, idagdag pa ang matinding katahimikan na siyang namumutawi sa amin ngayon.

Ramdam ko ang pagkagulat niya dahil sa ginawa ko ngunit ng masiguradong wala nang ibang makakakita ay mabilis ko siyang niyakap ng mahigpit. That was the kind of hug that is full of longing, fear, and love.

“I miss you love..” — I mumbled because that's what I really feel. Namimiss ko na siya.

Bigla kong naramdaman ang pag baton niya ng yakap sa akin bago ako marahang ilayo.

“I miss you too.” — naka-ngiting sagot niya atsaka marahang hinaplos ang mukha ko.

Kasalukuyan siyang nakasuot ng pantalon at itim na t-shirt. Ang kanyang buhok ay medyo magulo at mababakas sa kanyang mukha ang pagod.

Miss na miss na miss na kita.. Gusto kong isambit iyon. pero.. “Anong ginagawa mo dito?” — tanong ko.

Ang aking pagkakatanong ay marahan at maingat. I don't want to sound rude or to somewhat offend her.

“Para bisitahin ka.” — natatawang sagot niya na para bang isang malaking katangahan ang itinanong ko. Kakarating ko lang kanina eh, naisipan kong puntahan ka.” — aniya atsaka ipinulupot ang kamay sa aking braso. “Tara, let's date.”

Mabilis ko siyang pinigilan ng hilain niya ako pabalik sa aming bahay kung saan iyon ang daan para makapunta sa sentro ng probinsiya.

Ramdam kong nagulat siya dahil sa inakto ko pero hindi ko na iyon pinansin.

“D-date? At this time?” — tanong ko atsaka tumingin sa aking relos.

Ang kabang nararamdaman ko ay mas lalong lumala. Para bang gusto kong pabalikin siya bigla sa Maynila dahil sa katotohanang ilang dipa lang ang layo namin sa impyerno.

“Bakit? Maaga pa naman ah. It's just 5:23.” — she answered, feeling confused.

Uhm.. Medyo busy kasi ako eh.. may iniutos si papa.” — pagdadahilan ko.

“Edi tutulungan nalang kita.” — baton niya.

“N-no!” — halos pati ako ay nagulat dahil sa agresibong sagot ko na iyon. “I mean..” — pambawi ko, nangangapa ng sasabihin. Medyo pagod kasi ako Li eh. Pwedeng bukas nalang?” — sa huli ay iyon ang sinabi kong rason, umaasang maiintindihan niya.

Behind the Skies (Book 1 of Skies duology) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon