XIX: Dm

276 32 1
                                    

XIX: Dm


I admit that I never felt jealous before. None of those city girls made me feel this way, no matter how fvckable they are, jealousy is not in my terminology. Pero ngayon, halos hindi ko alam kung ilang beses akong napapa-pikit ng mariin habang naka-tingin kay Li na may kausap na lalaki mula sa higher level.

Lahat kaming education students ay nasa social hall para mag practice sa college gala. Naatasan si Li na mag perform sa Gala kasama ang dalawang lalaki na ahead sa amin. Because of their task, hindi sila gaanong napapasama sa amin mag practice dahil meron lang silang designated area para pag praktisan. They will be performing as a live band for sure, and they are really focusing on their practice.

Nahahati ang oras namin sa studies at practice, pero mas higit roon ang pagkahati ng oras ni Li. Halos wala na siyang time para makasama sa akin o pati sa mga kaibigan niya, and now that she's joining our practice inside the hall, hindi ko maiwasan ang mairita sa kung paano ngumiti sa kanya ang lalaking makakasama niya sa pagbabanda.

“I think we should use electric guitar rather than acoustic guitar in performing. Mas ear-catching yun.” — usal nung lalaki habang ngiting-ngiti kay Li.

‘Dude, bakit kailangan may ngiti? May nakaka-ngiti ba?’

“Yeah. Siguro mamaya nalang natin pag-usapan pag mag practice na tayo.” — baton ni Li atsaka ngumiti rin.

I heard Li calling that guy as Karl. 3rd year college na siya at marunong rin mag gitara tulad niya. They are probably with the same passion, and it's bothering me.

“How about let's have a lunch together, tapos pag-usapan natin yung bagong plan?” — tanong nung Karl. Actually ay katabi lang nila ang isa pa nilang ka-myembro pero hindi iyon sumasali sa kanilang usapan.

Bigla akong nabahala sa pagyayaya ni Karl kay Li kaya naman ay mabilis kong kinuha ang cellphone ko at tinext siya.

‘Don't accept it.’ — that was the message I sent. Her phone beeped and I bet she had already read my message.

Marami ang estudyante sa hall ngayon at napaka-ingay. Sinadya kong maupo malapit kay Li at halatang hindi niya yun napansin.

Her forehead wrinkled as she roam her head as if she's trying to look for me.

“Hey ano? Lunch later?” — muling tanong ng lalaki nang hindi siya naka-sagot.

Mas lalong kumunot ang noo ko at muli siyang tinext. ‘Reject his offer, love. I'm jealous.’ — that was the message that I was about to send pero noong saktong pinindot ko ang send ay agad niyang sinagot ang offer nang lalaki.

“Yeah, sure.”

Halos magunaw ang mundo ko dahil sa isinagot niya. And when her phone beeped as an indication that she already received my message, muli niyang inilibot ang paningin niya sa hall na para bang hinahanap ako.

I didn't move. Hindi ko maiwasan ang mainis dahil sa pag payag niya. Pakiramdam ko ay bumagsak ang buo kong sistema. Nanghina ako bigla.

“Okay, sabay nalang tayo lumabas pagkatapos nitong practice?” — naka-ngiting ani ni Karl.

Uhm, isama natin si Ralph para tayong tatlo ang mag plano.” — sambit ni Li bago tumingin sa isa nilang ka-grupo.

Behind the Skies (Book 1 of Skies duology) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon