VI: Dsus2

441 44 7
                                    

VI: Dsus2




Halos buong magdamag akong hindi pinatulog ng katotohanang mag-uusap kami ni Li bukas. Alas dose na ng gabi pero yung nerbyos na nararamdaman ko simula kanina ay hindi parin nawawala.

Agad na dumapo ang aking paningin sa panyo ni Li na kasalukuyan kong pinapa-tuyo atsaka marahang napayuko.

Am I weird if I say that I feel so lucky for having this wound? Idk. Mabuti dumugo.’


Binuksan ko ang aking laptop at pina-tugtog ang kantang ‘Chasing cars’. Hanggang ngayon parang sariwa parin sa akin ang unang beses na nakita ko siyang mag gitara. So impressive, so cool.







Kahit puyat ay maaga parin akong nagising kinabukasan para mag handa. Dumating na ang uniform ko at ito ang unang beses na gagamitin ko ito.

Tiningnan ko ang aking sarili sa harap ng salamin atsaka napangiti. Pagkatapos ko namang mag ayos ay agad akong pumunta sa school dala ang panyo ni Li na kanina ko pa hinahawakan.


30 minutes advance akong pumasok kaya pagka-punta ko sa assigned classroom kung saan gaganapin ang unang period namin ay halos magulat ako ng makitang andoon na si Li. She's too early for her usual arrival.

Naka-upo siya sa dulo ng classroom habang naka-headset. It seems like she's currently playing something on her phone.

Halatang hindi niya napansin ang paglapit ko dahil tila ba tutok na tutok siya sa kanyang ginagawa. At nang sinilip ko ang nilalaro niya ay halos hindi ko naiwasan ang mapangiti. It was hill climb racing again.


Nasa ganoon akong estado ng bigla siyang tumingala sa akin. Pinagmasdan ko ang malalaki niyang mga mata bago marahang ngumiti.

“A-ang aga mo..” — mahinang usal ko.

Tumitig siya sa akin ng tatlong segundo bago muling ibalik ang paningin sa kanyang nilalaro. Para bang bigla akong nanlumo dahil 'ron. Hindi niya ako pinansin.

Handa na sana akong tumalikod para umalis ng bigla siyang mag salita.

“Wooops.. ay talo!” — mahinang usal niya gamit ang kanyang malalim na boses.

Pinagkatitigan ko siya habang siya naman ay itinuon na ang atensiyon sa akin.

“Ano yun?” — tanong niya gamit parin ang kanyang malalim na boses.

Hindi ko naiwasang mag taka dahil sa boses niya ngayon. Kakaiba. Hindi pangkaraniwan. Aminado akong hindi kasing cute ang boses niya tulad ng ibang babae. Masyado ito buo, malakas, at mabilis. Parang laging nakikipag-debate. Pero ang ngayon ay kakaiba, parang namamaos.. parang pang-lalaki.

“U-uhm.. m-mag uusap tayo d-diba?” — nauutal na tanong ko dahil sa hiya.

“Huh? Mag-uusap tayo?” — nagtatakang tanong niya dahilan para mapa-lunok ako.

“Uhm.. sabi mo kahapon?” — patanong kong baton.

Bahagya siyang napatingin sa taas na para bang nag-iisip hanggang sa maya-maya ay napa-tango ito bago muling tumingin sa akin.

“Ah oo.” — usal niya atsaka tumayo. “Tara, open field?” — pagyayaya niya atsaka nagtipa-una nang maglakad.


Bigla akong napangiti bago sumunod sa kanya.

Pagkarating namin sa open field ay agad siyang pumwesto sa ilalim ng puno na lagi nilang tinatambayan. Naiilang naman akong umupo isang metro mula sa kanya.


Behind the Skies (Book 1 of Skies duology) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon