XXIV: Asus2

236 34 2
                                    

XXIV: Asus2



Halos maraming result ang tumambad sa google dahil sa aking ni-research. From Samar, I need to travel for four hours to Leyte since it is the nearest airport as stated to what I've researched.

Hindi na ako agad nagpatumpik-tumpik pa at agarang nag book ng flight through online. I know that my actions are too desperate but heck! Iisipin ko paba iyon?


The next day, nag tanong ako sa mga kaklase ko kung saan pwedeng maka-sakay ng van patungong Leyte. I booked a 6:00 pm night flight 2 days from now para magkaroon pa ako ng time makapag-ayos ng mga dapat dalhin, and when I finally got my ticket, halos namuo ang matinding excitement sa loob ko.

I patiently waited for 2 days hanggang sa dumating na ang araw ng pag-alis ko. I travelled 6 hours early from my flight. Ang apat na oras roon ay napukol sa pag byahe mula Samar hanggang Leyte.


When I finally arrived to the main city of Leyte, masasabi kong ang siyudad rito ay mas maunlad kaysa sa main city ng Samar. Buildings and establishments are in every corners of the streets. Malls, hotels, bigger universities, jeepneys, cars, traffic enforcers, city lights and everything. Maikukumpara na ito sa Manila, maliban lang sa kanilang salita. Kung sa Samar ay waraynon ang wika, dito naman ay bisaya kaya halos mabaliw na ako kaka-intindi sa aking paligid.

Agad akong nagpa-deritso sa airport dala ang kaonting kaba dahil sa katotohanang magbabyahe ako sa isang hindi pamilyar na lugar ng mag-isa. From Leyte to Manila, the approximate travel time only lasts for 40 to 60 minutes. Higit na mas mabilis kumpara sa 24 hours land travel. Less hassle.

I am 2 hours early for my flight so I decided to wait at the waiting area. Para hindi ma-bored ay naisipan kong gumawa ng instagram account. I don't actually have any social media accounts but since Li has an IG, now I'm making my self one for a better stalking access.

Halos pahirapan pa akong hanapin kung ano ang username ni Li sa instagram dahil hindi ang kanyang tunay na pangalan ang kanyang ginamit sa kanyang full name. Mula sa mga kaibigan niya ay tiningnan ko kung sino ang mga pina-follow nila, and there, luckily, I finally found the username of Li. It is @mojojojo and what's in her full name is DiAkoSiJoy. Her bio is a quotation saying, "I want you to know from the bottom of my heart that I don't care."

Hindi ko maiwasan ang mapa-ngiti habang ini-stalk ang account niya. Hindi ko siya finallow pero dahil naka-public ang account niya ay mabilis kong nakita ang mga posts niya at ang mga naka-highlight sa kanyang IG stories. Meron siyang mga post na nag-gigitara, litrato kasama ang mga kaibigan niya, ang aso niya, at kung ano pa. There are even older photos. I can say that she is really active on IG.

Agad kong sinilip ang mga pina-follow niya at nakitang karamihan dito ay mga artista o di naman kaya ay mga hindi ko kilalang personalidad. As upon swiping my phone, bigla akong natigil ng makita ang isang username ng isang pamilyar na pangalan, and when I clicked it, the full name says Gabriel Jandreiy Santos.

I gritted my teeth as I take a glance at his display photo. I don't know why but I feel insecure all of a sudden.

Sinilip ko ang recent uploaded photos niya at nakita ang grupo ng mga taong andoon. There are 10 photos at sa bawat litrato ay walo silang lulan. It is like a photo in a condo unit. Halatang ito ang condo niya. Sa mga litrato ay halatang nagkaka-siyahan sila. There are candid photos with beers and chips. Sleeping photos, and even a photo of a guy dancing while the others are cheering at him. Ito panigurado ang mga pinsan ni Li.

Matagal kong tinitigan ang litrato ng mga taong andoon na para bang mini-memorya ang bawat detalyeng at mga itsura nito. I stalked Gabriel more at wala namang ibang nakita kundi ang mga litrato niya. Hindi siya pala-upload kaya wala ring masyadong especial.

Behind the Skies (Book 1 of Skies duology) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon