XLVII: Esus

211 17 2
                                    

XLVII: Esus




Nanatili akong nakaupo sa lupa habang dinudungaw ang dinaanan nina Li. Hindi ko na sila makita ngunit hindi ko maiwasan ang mangamba ng biglang suubin ng mga tauhan ang centro ng barangay para mahanap sila. Ang kanilang mga itsura ay pawang mga normal lamang, pero sa loob ng kanilang salawal ay nakatago ang baril na maaaring makasawi sa kahit sino man.

Wala pa mang ilang minuto ay namataan ko ang mabilis na pagdating ng isang itim na sasakyan. I shivered as papa showed himself. Confusion is evident on his face as he stares at me.

Anong nangyayari dito?” — iyon agad ang una niyang tanong, nakatingin sa kanyang mga tauhan.

“B-boss, tinulungan niya pong makalaya ang bihag.” — nauutal na pagsusumbong ng isa.

The demon immediately clenched his fist as he looks sternly at me. Bakas sa kanya ang inis at pagkairita kaya naman ay hindi na ako nagtaka ng sa isang iglap ay nagawa niya akong sipain sa tiyan.

Mabilis siyang pumasok sa loob ng bahay samantalang sinenyasan naman niya ang mga tauhan na dalhin ako papasok.


Pagkapasok ay bigla akong napaluhod sa matigas na tiles habang ang demonyo naman ay dumeretso sa taas para silipin ang kumusyong nangyari roon.

Nanatili akong tahimik at hindi umiimik. Wala akong ibang maramdaman kundi ang takot, hindi para sa sarili ko kundi para kina Li. I am praying at the back of my head to keep them safe. Kanina man ay halos mabaliw na ako sa ginawa ni Manuel sa kanya.. kailangan nilang lumayo at tumakas dahil sa susunod na pagkakahuli nila ay hindi na magdadalawang isip ang mga demonyo na ipa-tikim sa kanila ang impyerno.


Napaka-tigas talaga ng ulo mo, Pietro!” — the demon's voice roared. Bahagya akong napatingala sa second floor at nakita ang galit niyang mga mata na nakayuko sa akin.

Dahan-dahan siyang bumaba sa hagdan dala ang kanyang matigas na tindig. Ang kanyang awra ay nagsusumigaw ng kapangyarihan na kahit sino ay kakatakutan.

Wala akong ibang nagawa kundi ang intayin ang kanyang pagdating. I fixed my posture as if I'm getting ready for his imminent attack. At tulad nga ng inaasahan ko, isang matigas na bagay agad ang humampas sa aking kaliwang mata. It was his gun.

I felt how my eyes became blurry because of what he did, but I didn't show any emotion. I fixed my posture again as if I'm telling him that I am accepting all of his attacks. Ako nalang.. wag lang si Li.

Tahimik kong tinanggap ang mga pag atake ng demonyo hanggang sa magsawa siya. Hindi ako nag bigay ng kahit anong salita, maski ang pagdaing ay hindi ko ginawa.

“Ilan ang humahabol sa bihag?” — malagim niyang tanong sa kanyang mga tauhan na halatang natatakot rin.

“S-sampu boss.” — sagot ng isa.

Biglang tumawa ang demonyo at umiling, saka ito lumapit sa sofa at sumimsim ng alak.

Paanong nangyaring natakasan kayo?! Mga hangal!” — biglang sigaw ng demonyo sabay hagis ng kanyang babasaging baso. Kuwarenta katao ang lahat ng nasa bahay na ito ngunit natakasan parin kayo!”


Wala ni isa ang agad na nakasagot, halatang ang bawat isa ay nagpapakiramdaman. Mahahalata mong takot ang mga ito sa pagsasalita.

Narinig ko ang pagkasa ng demonyo sa kanyang baril na halatang nakaramdam ng pagkainip sa pag-iintay ng sagot.

Behind the Skies (Book 1 of Skies duology) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon