XVI: G#m

318 37 2
                                    

XVI: G#m



2 days have passed at nag simula na muli ang pasukan. Halos excited akong pumasok sa hindi maipaliwanag na dahilan. It's been 2 days since I've seen Li, at ngayon, sisimulan ko na ang aking pag porma sa kanya.

I took a last glance at my vanity mirror before giving out a sweet smile. Ito ata ang unang beses na nakita ko ang sarili kong nag ayos ng ganito. It feels odd and different, pero sa likod nito ay ang tuwa na akin 'ring naramdaman sa unang pagkakataon.

Mabilis kong kinuha ang aking bag matapos ay lumarga na. Sinadya kong mag baon ng tig dalawang iced coffee at gatorade para sa kanya. These are her favorites, bukod sa galaxy ay ito lang ang alam kong paborito niya.

Pagkarating ko sa school ay siya agad ang unang hinanap ng mga mata ko. Just like the usual, tumatambay nanaman siya sa ilalim ng puno dala ang kanyang gitara. Mabilis akong lumapit sa kanya at tinabihan siya. Halatang hindi naman siya nagulat sa presensiya na para bang inaasahan na niya ito.

“Good morning, love.” — mahinang bati ko dahilan para bigla siyang mapa-lingon sa akin ng may nangungunot na noo.

“What the fvck?” — usal niya habang titig na titig sa akin.

Hindi ko naiwasan ang mapa-ngiti. Halata kasi sa mukha niya na naki-cringe siya sa sinabi ko.

I just shrug both of my shoulders before giving her the bottled iced coffee. Nag-aalangan pa siyang tinggap iyon kaya bahagya akong napa-nguso.

“Go love, drink it.” — naka-ngiting sambit ko patungkol sa iced coffee.

“What the fvck, Cyrus?” — wika niya habang kunot na kunot parin ang noo.

I laugh. Is it too sweet for her? Is she feeling excitedly romantic right now?

Well, last-last night, I googled about how could I easily captured a girl's heart. Naka-sulat doon na bukod sa pagbibigay ng gusto niya ay dapat may tawag ka sa kanyang kayo lang ang nakaka-alam, because it is stated there that with that, she will feel special.

So I decided to use love as my endearment towards her.

Bakit, love?” — tanong ko ng makita ang lalim ng titig niya.

“A-anong... what the fvck, please stop it. Nakaka-kilabot.” — daing niya atsaka hinaplos ang braso niya na para bang kinikilabutan ito.

Mabilis siyang umiwas ng tingin at uminom sa binigay kong iced coffee, hindi ko naman naiwasan ang mapa-ngiti habang tinititigan siya.

Meron rin akong gatorade dito love, baka gusto mo.” — pang-aalok ko.

Muli ay tumingin siya sa akin ng masama atsaka umiling.

Itigil mo nga yan. Ang cringe.” — naka-ngiwing sambit niya bago mag tipa sa gitara.

I pouted. Mabilis naman siyang lumingon sa akin at mas lalong napa-ngiwi.

Nililigawan na kita diba? Parte ng panliligaw ko ang tawagin kang love kaya wala kang magagawa hehe.” — I mumbled while giving out the sweetest smile na prinactice ko pa sa salamin kanina.

“Tsk, edi binabasted na kita. Yun lang pala eh.” — aniya na agad kong ikina-busangot.

“G-grabe ka naman.. edi hindi kita tatawagin ng love pag may ibang tao.. hehe. It will be my secret nickname for you.” — usal ko sabay kindat.

Behind the Skies (Book 1 of Skies duology) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon