XI: D/F#

334 46 6
                                    

(Hey pips, every chapters are unedited so please expect errors from spellings and grammars. Y'all must also learn how to vote. ILY.)

XI: D/F 🎸

“Thank you for choosing me.” — mahinang usal ko mula sa linya ng tawag.

It's already 9 in the evening and Li and I are up again for another phone conversation.

“Are you freaking sure that nobody chose you? Wala talaga maski isa?” — gulat na tanong niya ng malaman niyang kaming dalawa lang ang magka-grupo.

“Wala eh. I was actually shy awhile ago. Buti dumating ka.” — I said sincerely.

Narinig ko ang pag buntong-hininga niya mula sa linya ng tawag at kasabay nun ay ang pagtugtog ng pamilyar na musika mula sa kanyang background. It's Chasing cars again.

Buti nga pinili mo ako eh. Kasi kung nagkataong hindi ako ang pinili mo, baka gagawin ko ang activity ng mag-isa.” — usal ko atsaka marahang tumawa, trying to act cool.

“Eh ikaw naman talaga ang pipiliin ko eh. Marami mang pumili sayo kanina o wala, I'll still choose you.” — pabulong na sagot niya atsaka sinabayan ang liriko ng kanta sa background.

Halos hindi ako naka-galaw dahil sa sinabi niyang iyon. Her words made my heart skip a beat. Ramdam ko ang kaba, ang tuwa, at ang takot. I can hear sincerity from her voice, and now.. God please.. don't tell me I'm falling for her?

“W-why?” — I asked unconsciously. I am dying to know the reason why she's going to choose me. If it's ever true that I like her already, does it mean she likes me too? Because if I will make her actions as my basis, masasabi kong OO ang sagot sa tanong ko.

“Because you're giving me enough reasons to choose you.” — simpleng sagot niya at kasabay nun ang tunog mula sa kanyang pag hikab.

I just damn hope she's aware how sweet she sounds right now. Wala na akong pakialam kung sinasabi niya lang ito para pagaanin ang loob ko because seriously, she boosted up my mood.

Ramdam ko ang pag guhit ng ngiti sa labi ko dahil sa tuwa. I knew to myself how my heart feels like melting because of her words.

“Gusto ko pa sanang kausapin ka eh, but I am already sleepy. Sorry.”she whispered using her sweetest tone. Her voice is becoming raspy and low but it's sweet.

Uhm. It's okay. Thanks for your time. Goodnight.” — baton ko.

I was waiting for her response pero siguro ay naka-tulog na siya kaya naman ay wala akong nagawa kundi ang ibaba ang linya ng tawag.

I was up the whole night thinking about my feelings. I am justifying my hypothesis if I already like her pero sa tingin ko ay makukuha ko lang ang sagot na iyon kapag makita ko na siya bukas.



Kinabukasan late na akong nagising kaya naman ay halos masagi ko na ang lahat ng gamit sa bahay dahil sa pagmamadali.

When I got to school, just like the usual, nag-usap kami ni Li na parang wala lang. She talked to me like as if hindi niya ako pina-kilig kagabi.. na para bang hindi ako napuyat kaka-isip ng sinabi niya kagabi.

I never open it up to her since parang wala lang naman sa kanya ang lahat. It seems that she's never bothered at all.

“Hi class. So do you remember the surprise activity that I told you yesterday? We're actually gonna do it outside the school.” — usal nung prof dahilan para mag-sigawan sa tuwa ang lahat.

Behind the Skies (Book 1 of Skies duology) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon