XIV: E minor

304 34 0
                                    

Every chapters are unedited.



XIV: E minor




The next thing I knew, papa is gone. At tulad ng sinabi niya, I am the one who is assigned in giving out the drugs to his contributors.

I sighed when I locked our basement. Under it are the drugs, guns, and any explosive materials. Lahat ng mga maka-bagong baril ay halos andoon. No wonder our basement is hidden in a secret door.



School days suck, but now, I am really eager to go to school and look for Li. Napaka-lakas ng ulan kaya naman ay naging pahirapan para sa akin ang maka-pasok sa school. It has been 2 days after my birthday at halos hindi ako pinapa-tulog ng pangamba dahil sa sinabi ni papa, at guilt dahil sa mga nasabi ko kay Li.

I don't know how long papa will be gone, pero base sa problema niya ay alam kong matatagalan pa siya. I just wish makalimutan niya ang lahat pag balik niya. 'Cause I know that he gets what he wants, at wala akong magagawa para doon.


Nang tuluyan na akong maka-pasok sa school ay agad akong pumasok sa room. I was a bit late pero mabuti ay wala pa ang aming prof. Medyo nag taka pa ako ng makita ang kakaibang sitting arrangement namin ngayon. Ang lahat ng upuan ay naka-lagay lang sa gilid na kumukorteng parisukat dahilan para tumambad ang malaking espasyo sa harap.

I just sat quietly at the corner just like what I usually do. Iginala ko ang paningin ko sa aking mga kaklase na ngayon ay may kanya-kanyang mga topic hanggang sa kusang dumako ang paningin ko kay Li.

Halos manlambot ang mga mata ko ng makita ko siya. Ramdam ko ang guilt na nag-uumapaw sa sistema ko. I just stare at her the whole damn time and noticed something. Civilian ang suot namin ngayon and she's currently wearing her usual baggy clothes but her actions are totally contradicting it. Ramdam ko ang kakaiba sa ikinikilos niya ngayon. It's like she's totally careful of everything she holds. She looks fragile. Mahinhin. Matamlay. Walang buhay. She's not even wearing a liptint and that causes her to look sick.


Lumipas ang ilang minuto at dumating ang aming propesor na babae. She checked the attendance of each students kaya naman naging alerto ako sa pakikinig dahil na rin sa malakas na pag ulan.

Jocosol, Ligaya G.?” — pagtatawag ni prof sa pangalan ni Li.

Agad akong napa-tingin sa kanya ng hindi siya sumagot.

Ligaya Jocosol?” — pag-uulit ng prof na ngayon ay naka-tayo na habang lumilinga-linga.

Siniko si Li ng kaibigan niya dahilan para agad itong mapa-tingin sa harap.

“Present, miss.” — sagot niya atsaka muling yumuko.

Nakita kong lumapit sa kanya ang aming prof ng may nag-aalalang tingin. Everybody is looking at them, bukod kasi sa ulan ay ang propesor lang ang tanging nagsasalita.

“Are you sick, Li?” — tanong ni prof atsaka mabilis na hinawakan ang noo nito.

“No miss..” — mabilis na sagot ni Li na bahagya pang iniwas ang kanyang ulo.

“Yeah, your temperature is normal. Wala kang sakit, pero bakit ang tamlay mo? May masakit ba sa iyo?” — muling tanong ni prof, nag-aalala.

Nakita ko ang pag buntong hininga ni Li at handa na sanang sumagot pero naunahan siya ng isa niyang kaibigan.

Naku miss, wala yang sakit. Malungkot lang yan kaya ganyan.” — pang-uuna ng kaibigan niyang may kulot na buhok.

Behind the Skies (Book 1 of Skies duology) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon