I: Cadd9

1.9K 68 18
                                    

I: Cadd9



C y r u s P i e t r o



Pagka-pasok ko palang sa gate ay hindi ko na naiwasang ikunot ang aking noo sa kung gaano kasama ang tingin sa akin nung guard na halatang binabantayan talaga ang pag dating ko. His stares are quite distracting me.

"Asan ang uniform mo?" - tanong niya habang kunot-noo ring naka-tingin sa akin.

Kapansin-pansin ang kakaibang tono niya sa pagsasalita ng tagalog. It's as if he's trying hard to communicate using the said dialect.

"New student po ako dito." - kalmadong baton ko.

"New student? Hmm. Sige pasok kana." - usal niya atsaka muling pumanhik paupo sa upuan malapit sa gate.

Ito ang unang beses ko sa paaralang ito at hindi ko maiwasan ang kabahan.

2nd year college na ako at second semester na nung pumasok kaya naman isa ako sa mga estudyante na kung tawagin ay Octoberian.

Noong first sem ay sa ibang paaralan ako nag-aral, pero dahil nagkaroon ng problema sa bahay ay kinailangan naming pumunta sa probinsiya para doon ipagpatuloy ang aking pag-aaral.

I enrolled at a private and Catholic school kung saan ang principal ay isang madre.

Napahinga ako ng malalim bago nag simulang maglakad papasok. Hindi ito ang unang beses ko dito dahil minsan na rin akong nakatuntong sa paaralang 'to nung minsang mag take ako ng entrance exam nung sem break.

"Damn. Why am I nervous?" - I asked myself.

'Bakit nga ba ako kinakabahan?'

Samu't-saring mga estudyante mula elementary, highschool, at college ang nag kalat sa paligid dahil sa muling pagbabalik ng pasukan. Halos wala ako ni isang kakilala. Medyo nakaka-hilo rin ang ibang lenggwahe na ginagamit nila para magusap-usap.

I don't know how to speak their dialect. Isa iyon marahil sa rason kung bakit ako kinakabahan. Pero sabi naman nung guidance counselor na minsan kong naka-usap ay wala akong dapat ipag-alala lalo na't tuwing klase ay tagalog at english lang ang lenggwahe na pwedeng gamitin base sa rules and regulations na naka-sulat sa student's manual nila.


Muli akong nag patuloy sa paglalakad at iniwasan ang hallway kung saan maraming estudyante ang nagtatawanan kasama ang kanilang kanya-kanyang mga kaibigan. 8:30 palang ng umaga at 9:00 pa ang klase ko sa room 3 na ngayon ay hahanapin ko pa kung saan.

Iginala ko ang paningin ko at hindi ko naiwasan ang mamangha sa kung gaano kaganda ang buong paaralan. Simplicity imbued the whole space of the school.

Meron siyang elementary building, highschool building, at college building na one storey lamang. Ang bawat buildings kasama na ang canteen ay naka-pormang rectangle kung saan nasa gitna ang malawak na quadrangle pati na rin ang open field na maraming puno ang naka-paligid. Sa open field ay may malaking espasyo para makapaglaro ng volleyball, badminton, at iba pang sports.

Nature ang tema ng school kung saan halos bawat lingon ay mga halaman at puno ang makikita. The scenery is very refreshing.



"Good morning!"

Agad akong napa-lingon ng biglang may bumati sa akin na isang maintenance.

"Bag'o ka didi?" - tanong niya na hindi ko naintindihan.

"P-po?" - tanong ko pabalik.

"Ay, hindi ka nakaka-intindi ng waray-waray?" - naka-ngiting tanong niya na binatunan ko naman ng marahang pagtango. "Sabi ko, bago kaba dito?" - pag-uulit niya gamit na ang tagalog na diyalekto.

Behind the Skies (Book 1 of Skies duology) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon