VIII: A7

340 41 3
                                    

VIII: A7




The next day, I woke up with a cut on my lips. Pagkauwi ko kasi ay sobrang lasing na ni papa kaya ako ang napag-buntungan niya.

Pagka-pasok ko palang sa school ay nagulat na ako ng makita si Li na naka-tambay na sa ilalim ng puno. Maaga siya.

Malayo pa man ay sumenyas na siya sa akin kaya naman wala na akong nagawa kundi ang lumapit. All I can see is her smile, pero agad rin iyong nag laho ng makalapit na ako sa kanya.

“Good morning.” — I greeted pero hindi niya iyon pinansin.

It seems that she's focusing on the wound on my lips. Napa-iwas ako ng tingin lalo na nang makita ko ang unti-unting pag kunot ng kanyang noo.

Ano yan?” — tanong niya.

Dahan-dahan akong umupo sa harap niya bago siya nilingon.

“Yung alin?” — tanong ko, nagmamaang-maangan.

“Yung labi mo. Napano yan?” — tanong niya habang naka-kunot parin ang noo. Hindi ako naka-sagot kaya naman mula sa kinauupuan ko ay narinig ko ang pag buntong hininga niya. “Hindi ka naman binubugbog sa inyo 'no?” — tanong niya dahilan para mapa-iwas ako ng tingin.

“H-hindi..” — baton ko.

“Talaga? Eh yung papa mo?” — muling tanong niya.

I got scared all of a sudden. Ang bawat pagtitig niya ay parang binabasa ang isip ko.

“N-no.. my father is actually kind.” — pagsisinungaling ko. I needed to lie for her not to worry. She doesn't need to know the truth.. and I don't want her neither to know the truth.

“Talaga? Eh bakit binato ka sa ulo kahapon?” — muling tanong niya, halatang seryoso at nang-iisyoso.

“H-hindi naman niya yun sinasadya eh.. Naglalaro sila ng mga kaibigan niya at aksidenteng natamaan ako.” — muling pagsisinungaling ko.

“Ang nice naman ng aksidenteng yan. Tiyempong-tiyempo. Sapul deretso sa noo.” — sarkastikong usal niya atsaka isinalpak sa tenga ang kanyang headset.

I let go a deep sigh as I hardly close my eyes.

“Nag-aalala kaba?” — tanong ko atsaka marahang ngumiti.

Bigla naman siyang napalingon sa akin bago humikab.

“Hindi.”mabilis na baton niya atsaka ngumiti. Ramdam ko naman ang pag tulis ng nguso ko dahil doon. “Hehe, joke.” — biglang hirit niya atsaka marahang tumawa.

‘She really have a bad sense of humor. Srsly.’

“Eh yung labi mo napano?” — tanong niya na ngayon ay seryoso nanaman. “na-tyempuhan rin ba ng flying beer in can?” — nang-aasar na dugtong niya.

“U-uhm hindi.. aksidente lang akong tumama sa pinto kagabi.” — pagsisinungaling ko habang nasa ibang direksiyon naka-tingin. I don't know if my lies are believable, but I hope it is.

Ilang segundo ang lumipas at hindi siya nagsalita kaya naman nung lingunin ko siya ay halos nagulat ako ng makitang titig na titig ito sa akin.

Behind the Skies (Book 1 of Skies duology) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon