XXII: E7

279 34 0
                                    

XXII: E7




Weeks passed by so quickly. Halos hindi ko namalayang mag-iisang buwan na pala kami ni love. We became busy with our studies pero masaya ako dahil sabay naming ginagawa ang mga iyon.

Madalas siya sa bahay para mag tulungan kami sa pag gawa ng projects. She's giving me too much attention that I couldn't ask for more. She's giving me a vibe of jowa na, tropa pa kind of feeling which I really like.

"What do you think about my article love? Do I still need to revise it?" - tanong ko sabay pakita sa kanya ng isang feature article na ginawa ko.

Mabilis niya iyong kinuha at ini-scan. Kapag gantong nasa bahay kami at gumagawa ng mga gawaing pang-school ay lagi siyang seryoso. Just like now, nangungunot ang noo niya habang kinikilatis ang ginawa ko.

"Your article is good, but I suggest you to change your headline. It is too plain and not eye catchy at all. Choose something that is simple but unique. Something that can definitely capture everyone's attention." - she suggested as she hand me back my paper.

Mabilis kong nakagat ang labi ko habang pinagmamasdan siya. If we ever graduate, malamang ay magiging isang istrikta siyang propesor. But just upon looking at her, mas bagay sa kanya ang maging isang lawyer since iyon naman talaga ang gusto niya.


Halos buong oras ay ganoon kaming dalawa. Nang maramdaman ko ang ihip ng hangin mula sa naka-bukas na pinto ng aming bahay ay bigla akong nangunat. This course is very tiring.

Pagka-tingin ko kay Li ay halos mapangiti ako ng makitang pipikit-pikit na siya sa antok. She must be very tired. Bago pa man siya tuluyang maka-pikit ay mabilis ko na siyang hinila paakyat sa couch an inihiga. Nakita kong nagulat siya pero ginawaran ko lang siya ng isang matamis na ngiti habang ako naman ay umupo sa baba ng couch para maging magka-libel ang aming mga mukha.

"Rest first. I got this. Ako na ang gagawa, i-check mo nalang pagka-gising mo." - usal ko.

Hindi na siya nag reklamo dahil mukhang inaantok na talaga ito.


I started doing our pending activities, instructional materials, PowerPoints, etc. Nang makaramdam ng pagod ay mabilis ko siyang nilingon. She's still asleep. Her innocent face is hypnotizing the devils inside me.

Alas kwatro y media na ng hapon at napaka-tahimik ng aming bahay. I continued observing her until I found myself leaning on her face to give her a fast peck on the lips. I smiled before continuing my work.

Nang matapos na lahat ay napag-pasyahan kong mag luto para sa aming early dinner. I cooked chicken adobo and rice. Nang matapos ko na lahat ay binalikan ko si Li sa couch at napa-ngiti ng makitang tulog parin ito.


Inihanda ko na ang pagkain para maka-kain kaming dalawa. Muli naman akong umupo sa ilalim ng couch para sana gisingin siya but my mind seems to do different from what I am supposed to do.

Naka-palumbaba ako habang pinagmamasdan siyang tulog. My face was too close from hers that I can feel her hot breathe. Our position made it very clear for me to observe her bare face. From her round doll eyes, straight but long lashes, chubby cheeks, cute nose, and pouty lips. Everything! The sight of her is making me fall deeper from her. God knows how much I wanted this feeling. Nakaka-kaba na nakaka-baliw. Iyon ang nararamdaman ko sa kanya.

I move my face towards her to give her a soft kiss, pero pakiramdam ko ay hindi ako nakuntento at muli siyang ginawaran ng isa pang halik. Hanggang sa nasundan iyon ng isa pa hanggang sa hindi ko na mabilang. Her cuteness is making me want to pinch her cheeks but I feel like it's being diverted into kisses instead. Muli kong inilapit ang labi ko sa kanya para muli siyang halikan. Now, it is passionate but still full of gentleness.

Behind the Skies (Book 1 of Skies duology) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon