IX: B major

340 37 2
                                    

IX: B major





Next day. November 2. All soul's day.

Tinatamad man ay pinilit kong tumayo. Gustong-gusto kong bisitahin si mama sa puntod niya pero hindi ko alam kung paano. Her body was buried in our place somewhere in manila, and I am currently here in a province somewhere in Visayas. Napaka-layo. Napaka-imposible.



Hinanda ko ang sarili ko para pumasok sa school. Pagkadating ko naman ay napaka-aliwalas ng buong paligid. Hindi gaanong masikat ang araw at napaka-hangin rin. Halatang bumabawi ang panahon dahil naging masama ito kagabi.



“Hi.”bati ko kay Li ng makita itong mag-isa sa isang bench.

Kasalukuyan siyang nagce-cellphone at naglalaro ng hill climb racing habang nasa harapan niya ang kanyang gitara.

Woop.” — usal niya habang tutok na tutok parin sa kanyang cellphone.

Hindi ko naiwasan ang mapangiti habang pinapanood siyang gigil na gigil na tinitipa ang screen ng kanyang cellphone.

I waited for her to lose dahil alam kong pag matalo na siya sa nilalaro niya ay bibitawan na niya ito. I've memorized her already. Alam kong pagkatapos niyang mag laro ay itutuon niya na ang kanyang atensiyon sa akin.

At hindi nga ako nag kamali. Nung natalo siya ay lumingon siya sa gawi ko at ginawaran ako ng isang ngiti.


“Oh musta? Naka-uwi kaba ng maayos kagabi?” — tanong niya habang kinukuha ang gitara niya na para bang handa na siyang patugtugin ito kahit anong oras.

“Ah, yes.. salamat pala sa shirt mo.” — baton ko atsaka bahagyang nakaramdam ng hiya ng maalalang iyon rin ang ginamit kong pang-tulog kagabi.

Wala yun. Hehe. Yun lang yung meron ako eh.” — sambit niya.

Napa-ngiti lang ako at napa-titig sa kanya lalo na ng sinimulan na niyang mag-tipa ng chords sa kanyang gitara.

“Do you know any OPM songs?” — tanong niya na ngayon ay deretso nang naka-tingin sa akin.

I gulped. Hindi ako mahilig sa musika.

“U-uhm.. Ang huling El Bimbo?” — patanong kong sagot dahil sa walang kasiguraduhan kung tama ba ito.

Muli akong napa-lunok ng makita ko siyang ngumiti bago patugtugin ang kantang binaggit ko.


Halos ang atensiyon ko ay pabalik-balik lang sa kamay niya at sa mukha niyang blooming para sa akin ngayon..


“Kamukha mo si Paraluman, nung tayo ay bata pa.. Ang galing-galing mong sumayaw, mapa-boogie man o chacha.”

Halos hindi ko naiwasan ang matameme sa kung paano niya kinanta ang liriko ng kantang iyon habang deretsong naka-tingin sa akin. Marahan siyang naka-ngiti na para bang binubulong sa akin ang liriko ng kanta.

‘Damn, why am I feeling nervous all of a sudden?’

Ang boses niya ay buo at klarado. Hindi man kasing cute tulad ng ibang babae, pero maganda parin sa pandinig. I love how her voice became raspy unconsciously.


Behind the Skies (Book 1 of Skies duology) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon