XLVI: Fdim

181 19 1
                                    

Unedited.

XLVI: Fdim




Para akong naubusan ng dugo habang nakatingin sa ibaba. Di tulad ng dati kong pagmamadali, ang aking ginawang pag hakbang ngayon ay napaka-bagal, tila ba sa ganoong paraan ay magagawa kong pabagalin ang pag takbo ng oras.

“Bakit parang hindi ka ata natutuwa na makita ang iyong kaibigan, Pietro?” — tanong ni papa habang naka-ngiti ng nakakaloko.

I didn't talk, hence I continued to walk until I reached their spot. Ang mga kamay ni Li ay naka-kuyom sa kanyang mga tuhod. Hindi man niya sabihin ay ramdam ko ang tensiyon na namumuo sa kanya.

“Why are you here?” — mahinang tanong ko patungkol kay Li.

I don't even know why I asked that question. Masyadong okyupado ang utak ko na sinasabayan ng matinding kaba.

Nag-angat ng tingin sa akin si Li. Kitang-kita ko ang pangangatog ng kanyang kamay. And with that, I know I failed to protect her already.

“Why are you here, Li?” — I asked again in a serious tone.

Parang gusto ko biglang maiyak ng makita ang kainosentehan ng kanyang mga mata. Her eyes are shot red, halatang tulad ko ay nagpipigil rin ng iyak.

“T-they.. they barged into my house.” — she answered, almost a whisper. I clenched my jaw after hearing her answer.

Matapos niyang sabihin iyon ay narinig ko ang malakas na pagtawa ni papa. It's as if the sight of us is giving him a movie vibe.

Nagagalit kaba, anak?” — tanong ng demonyo, bakas na bakas ang pagka-sarkastiko.

Gusto ko biglang masuka sa katotohanang tinawag niya akong anak. Mas lalong umigting ang aking panga kasabay ng pag kuyom ng aking mga kamay. I can feel the heat rising upon me. I feel like at any moment, I'm already going to explode.. Gusto ko biglang magwala sa sobrang galit, but I'm too weak for that.

“Set her free.” — wika ko sa demonyo, as if it could make sense.

Muling tumawa ang demonyo bago unti-unting iangat ang kanyang isang braso at ipinang-akbay kay Li. Sa paraang iyon ay para niya pa akong inaasar.

“Why would I set her free, Pietro?” — biglang tanong ng demonyo. Si uncle Manuel ay naka-masid lang sa amin at halatang natutuwa sa nangyayari. “Sa tingin ko ay mas gusto mong makasama siya, Cyrus Pietro. Hindi ba't magkasama kayong dalawa sa Maynila noong bakasyon pati na rin sa Mindanao noong tumakas ka? Sa tingin mo ba ay hindi ko malalaman?”

Sa isang iglap ay naging malagim ang boses ng demonyo. His eyes turned red as he stares at me. Ang kanyang tindig ay nagsusumigaw ng kapangyarihan na nagsasabing walang makakatalo sa kanya.

Hindi ako nagsalita. Masyado akong naduduwag. Pakiramdam ko ay naubos na ang lahat ng natitira kong lakas para lumaban. I'm losing my track. I'm losing my hope.. I'm losing myself.

Nakita ko ang pag lingon ni papa kay Li, naka-ngiti na para bang leon at isang putahe ang kanyang nasa harapan.

“Buti nakita ulit kita.” — wika ni papa. Hindi sumagot si Li at nanatili lang na naka-yuko. Halos mapasinghap naman ako ng haplosin niya ang buhok ni Li ng marahan.

“Don't you dare touch her.” — wika ko, nambabanta.

Mabilis na lumingon sa akin si papa at ngumisi. “Bakit, anong gagawin mo? Anong lakas ang meron ka laban sa mga baril ko, Pietro?” — tanong niya, tulad ko ay nambabanta rin.

Behind the Skies (Book 1 of Skies duology) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon