XXXV: Gbmaj7

281 23 1
                                    

(I reread my story and noticed a lot of errors so I edited it right away. And yes, it took me 9 days. Wala eh, tamad eh. Haha.)



XXXV: Gbmaj7



All that I am
All that I ever was
Is here in your perfect eyes, they're all I can see

I don't know where
Confused about how as well
Just know that these things will never change for us at all

If I lay here
If I just lay here
Would you lie with me and just forget the world?”

I smiled as the last lyrics of my favorite song played on the stereo. It's exactly what my heart wants to speak out right now.

Alas nuebe na ng umaga at ang katahimikan ng aking unit ay bagay na bagay sa ritmo ng kanta na aking pinapatugtog sa kasalukuyan. Para akong hinihele.

The memories from last night made me bite my lips unconsciously. We really did it. Damn! Tuwing naaalala ko ang mga halinghing at sigaw namin kagabi ay hindi ko maiwasan ang mamula. Pakiramdam ko ay punong-puno ang puso ko ng mga emosyon at habang tumatagal ay mas lalo ko siyang minamahal.

Kagigising ko lang at kasalukuyang nagluluto ng pagkain para sa aming dalawa ni Li. Halos bawat minutong dumaraan ay sinisilip ko siya sa kwarto para tingnan kung gising naba siya, pero hindi pa. It seems that she's too drained to sleep that long.



After I finished cooking, I took a glance at the mirror and saw how my face became red. Damn, why am I blushing?


Ilang minuto ko pang tinitigan ang sarili ko sa salamin hanggang sa maagaw ng atensiyon ko ang maliit na tugtog ng gitara mula sa aking kwarto. Mabilis akong lumingon doon at lumapit.

Bahagyang naka-uwang ang pinto kaya naman ay malaya kong nakikita ang nasa loob. And there, nakita ko si Li na naka-indian sit sa gilid ng kama habang naka-harap sa glass wall na kitang-kita ang view mula sa labas.

She's strumming the guitar that we bought yesterday. Naka-talikod man ay hindi ko naiwasan ang mamangha sa paggalaw ng kamay niya habang tinitipa ang gitara. She's currently wearing a plain white shirt and my boxer shorts which I used yesterday. Napa-lunok ako ng makitang andoon parin ang ibang mga damit namin sa baba ng kama. Those were the signs of our love making last night, and with that, I found myself blushing again.

Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya hanggang sa maka-pwesto ako sa kanyang likuran. Nang maramdaman ang aking presensiya ay tumigil siya sa paggigitara habang patuloy paring naka-talikod. I gulped before sitting beside her to give her a light hug.

“Good morning.” — I greeted before planting a soft kiss on her cheeks.

Hindi siya sumagot. Sa halip ay yumuko lang siya sa hawak niyang gitara na para bang iniiwasan ang titig ko.

Bahagya akong ngumiti bago ipinulupot ang aking braso sa kanyang baywang. She's shy, I know.

“H-hey, are you o-okay?” — medyo utal na tanong ko sa marahang paraan. Muli ay hindi siya sumagot kaya naman ay nakaramdam ako ng pagkabahala.

‘What? Nagsisisi ba siya? Pinagsisisihan niya ba yung nangyari kagabi?’

“Mahal.. what's wrong?” — mahinang tanong ko atsaka umupo ng maayos. Patuloy parin siyang naka-yuko at hindi nagsasalita kaya ramdam ko ang kabang biglang namuo sa loob ko. “L-love.. what is it? Tell me..” — pabulong kong wika habang marahang hinahaplos ang kanyang likod.

Behind the Skies (Book 1 of Skies duology) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon