XXVI: Amaj7

228 38 1
                                    

XXVI: Amaj7

(Ya'll must learn how to vote. Hehe.♡)





Mula pasay ay nag byahe kami patungo sa condo na tinitirahan ni Li at ng mga pinsan niya sa Valenzuela. Ang dapat ay maikling byahe lang ay medyo naging matagal dahil sa trapiko. Masyadong matayog ang sikat ng araw at mula sa kinauupuan ko ay ramdam ko ang tensiyon ni Li.

“Hey, calm down okay?” — naka-ngiting usal ko bago ipihit paliko ang sasakyan.

Hindi siya sumagot at tumingin lang sa kanyang cellphone.


Nang makarating sa lokasyon ng sinabi niyang condo ay hindi ko naiwasan ang mamangha. Kasing gara ito condominium kung saan ako naka-tira. May sariling pools, gym, court, at park. Halatang pang big time.

“Come on, let's hurry.” — usal niya atsaka nag tipa-una nang mag lakad.

Mabilis akong sumunod sa para maka-sabay siya. Pagka-sakay naman sa elevator ay pinindot niya ang fifth floor, halatang andoon naka-distilo ang unit ni Gabriel kung saan sila tumutuloy.

When we arrived, she poked the doorbell hesitantly. At halos wala pang tatlong segundo mula sa pagkaka-pindot niya ay mabilis nang bumukas ang pinto.

Mula sa kinatatayuan ko ay naka-kita ako ng dalawang babae at apat na lalaki na naka-tayo sa harap ng pinto na animo'y iniintay talaga ang pag dating ni Li. All of them are in crossed arms. Annoyance is also evident in their faces.

Lahat ng atensiyon nila ay naka-pokus lang kay Li kaya siguradong hindi nila napansin ang presensiya ko kahit na nasa likod lang naman ako ni Li.

You need an explanation to do, Li.”banta ng lalaking halatang pinaka-matandan sa kanila bago tumalikod at nag lakad palayo.

Sumunod naman sa kanya ang iba pang pinsan ni Li na animo'y mga chaperone.

Dahan-dahang pumasok si Li dahilan para maiwan ako sa labas, and when I finally move myself inside the condo, halos hindi ko ulit maiwasan ang mamangha. Kung elegante na ang condo ko ay mas higit na elegante ito! This condo is much bigger than mine. The architectural designs are shouting its extravaganza. Just wow. This place is probably for elites.

“San kaba kasi galing Li?” — tanong ng babaeng chinita dahilan para muling matuon ang atensiyon ko sa kanila. Kung hindi ako nagkakamali ay siya yung yumapos sa akin kagabi. I think her name is Daine.

“You're not picking up your phone ate Li, alalang-alala kami.” — usal nung patpatin pero matangkad na lalaki na batid kong siyang pinaka-bata sa mga kalalakihan.

Sesermonan niyo ba akong lahat? Can't you see I'm okay? Walang nangyari sa akin.” — maingat na sagot ni Li.

“Kahit na! Nag-alala parin kami! Jusko naman Li! Hindi ka pamilyar sa buong ka-maynilaan, at bar pa ang huli nating napuntahan. Hindi naman ako nag kulang sa paalala na dapat sa table natin tayo magkikita-kita diba?!” — malakas na usal ni Mccoy na halatang nanenermon. “Ako ang pinaka-matanda dito, at hawak ko kayong lahat. Pag may nangyari ni isa sa inyo ay ako ang mananagot. Sana maintindihan mo kung bakit ako nagagalit ng ganto.” — ngayon ay naging malumanay ma ang boses niya.

Panandalian silang natahimik bago mag salita ang isa pang lalaki na kamukha lang rin nina Mccoy at Thirdy. He must be Vico. Sa tingin ko ay magkakapatid silang tatlo at siya ang pang-gitna.

Behind the Skies (Book 1 of Skies duology) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon