III: E minor 7

567 45 10
                                    

III: E minor 7




The next morning, I go to school pretending nothing happened yesternight.

Napa-buntong hininga pa ako bago ilagay ang aking bag sa aming classroom. I never wanted this course, to be honest. Ayokong mag teacher. It has always been my dream to work in the corporate world someday, but my papa wants me to take education as my course for his selfishness. Sabi niya, if I ever graduated, mapapadali ang transaction nila ng drugs sa mga kabataan.

God knows how I tried to refuse to his idea, but in the end wala parin akong nagagawa. It's his rule who always win.



Tulad dati ay maaga ulit akong pumasok. Lagi akong ganito para maging medyo mahaba ang oras ng pag layo ko sa mala-impyerno naming bahay.

As usual, tahimik ulit akong nag libot-libot sa buong campus.

9:30 pa ang first period namin ngayon kaya naman ay hindi gaanong maraming tao ang nag kalat sa buong field dahil nagsimula na ang kanya-kanyang klase ng bawat section.


“Ay punyeta.”

Gulat akong napa-lingon sa paligid ng marinig ang malutong na murang iyon.

Isang taong naka-upo at naka-sandal sa ilalim ng puno.

Naka-talikod ito sa akin pero base sa uniporme nito ay alam kong babae siya.

Lumapit ako ng konti sa gawi niya at doon nakita ko ang isang kulay asul na gitara sa tabi niya.

Ligaya JocosolMedyo nangunot ang noo ko ng mabasa ko ang pangalan na naka-sulat sa gilid ng gitara.

Ligaya? Weird name.’

Isinawalang bahala ko ito at naglakad palayo pero ilang hakbang palang ang nagagawa ko ay agad rin akong natigilan ng makarinig ng pag-strum mula sa gitara.

Agad akong napa-lingon sa babaeng iyon hanggang sa naging malinaw sa paningin ko ang pagkaka-kilanlan niya.

Si Li?’

Bahagya akong natameme habang pinagmamasdan ang kamay niyang gumagalaw dahil sa paglilipat ng chords.

‘I didn't know she knows how to play guitar... Well, baka naman kasi sa gitara lang siya magaling. There are a lot of people who knows how to play guitar but didn't know how to sing. For sure, nabibilang siya sa mga taong yun.’

I just shrug my shoulders and walk away.




Kalahating minuto pa ang inintay ko bago magsimula ang klase.

I have no permanent seatmate. Bawat subject kasi ay iba-iba ang room na pinapasukan namin kaya naman kung sinong ma-tyempuhan mo ay iyon ang makakatabi mo.

Pagpasok ko sa room ay pumwesto agad ako sa pinaka-dulong bahagi ng room at humalukipkip.

Mabilis na napuno ang room hanggang sa tanging ang katabing upuan ko nalang ang natitirang hindi okyupado. Agad kong inilibot ang paningin ko at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay mabilis na hinanap nito ang babaeng nakita kong mag-isang naggigitara kanina sa ilalim ng puno... si Li. Nasaan na kaya 'yon?

I sighed with that thought. Why am I looking for her?



Nilagay ko ang aking bag sa katabing upuan at nag cellphone. Late ang professor. Walang kwenta.

Nasa ganoon naman akong estado ng makita ko ang kamay na nag snap sa aking mukha.

“May nakaupo ba?” — tanong niya ng lingunin ko ito.

Behind the Skies (Book 1 of Skies duology) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon