XLIII: Ebmaj7

290 23 2
                                    

🚫 Read at your own risk.


XLIII: Ebmaj7



“Love, can you pick me up?”

Bigla kong nakagat ang pang-ibaba ng aking labi ng sabihin ko iyon. Halos abot langit ang aking kaba sa magiging reaksiyon ni Li.

“Why? Where are you?” — tanong niya mula sa kabilang linya ng tawag habang humihikab.

Tatlong araw na ang nakakalipas mag mula ng mapadpad kami sa Mindanao, at sa tatlong araw na iyon ay masasabi kong agad akong nasanay sa buhay na alam kong kakaharapin namin sa susunod pang mga taon.

“Uhm, I think I'm lost.” — mahinang bulong ko.

I roam my head to the peaceful place where I'm currently at, before scratching my neck. Kanina kasi ay gusto kong lumabas pero dahil natutulog si Li ay napagdesisyunan kong mag-isa nalang na gumala.

“You're lost? Why? where did you go?” — tanong ni Li na batid ko ay tumayo pa mula sa pagkakahiga.

I sighed before biting my lower lip again. Kanina ay naisipan kong pasukin ang payapang kagubatan na nasa gilid lang ng lodging house sa pag-aakalang may mahahanap akong mga prutas mula roon, pero halos kalahating oras na akong naglalakad ay puro mga niyog at matataas na damo lang ang nakikita ko.

“Hindi ko alam love eh. Pumasok ako sa gubat.” — baton ko.

Kanina ko pa sinusubukang makalabas sa kagubatan pero hindi ko na alam kung saan ba ang daan paalis. I'm lost. Goddamn it.

“Anong kagubatan, Pietro?” — nagtatakang tanong ni Li na halatang binubuksan na ang bawat pinto sa loob ng aming kwarto para hanapin ako. “Wala ka rito, nasaan kaba?” — tanong muli niya na ngayon ay halatang nag-aalala na.

Alas-kwatro palang ng hapon pero dahil sa nagtataasang mga puno ay nagiging madilim ang buong paligid. I shivered when I heard creepy noises from the trees. Fvck.

I sighed before answering. “Eh kasi tulog ka kanina eh. Naisipan ko tuloy pasukin yung kagubatan ng mag-isa.” — naka-ngusong wika ko, bahagyang natatakot na baka ay magalit siya.

“Punyeta naman, saang kagubatan ba yan?” — her voice roared because of deepness, and that fact made my shit jump out of scared. Kagigising lang niya. Ang kanyang boses ay nasa estado pa ng adjustment bago maging cute. “Saan!” — bulyaw niya ng hindi ako mag salita. “Kaliwa o kanan?”

“Sa k-kaliwa mahal.” — sagot ko, nauutal. Narinig ko naman ang pag buntong hininga niya mula sa kabilang linya.

Hindi ko man kita ay batid kong naglalakad siya. May naririnig akong mga tunog ng tuyot na dahon na halatang dahil naapakan.

Ilang minuto muna ang binilang ko bago siya muling mag salita. Halos hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan ko para lang mabilis niya akong mahanap.

“Di kita mahanap, love.” — sambit niya.

“Uhm, do I need to shout para agad mo akong mahanap?” — tanong ko.

“Naku, wag.” — biglang tanggi niya. “Baka mabulabog mo sila.”

“Sino?” — tanong ko.

“Yung mga maligno, engkanto, kapre, at mga lamang-lupa. Uso yun dito sa probinsiya. Bahala ka, baka kunin ka.” — sagot niya hindi para manakot kundi para mang-imporma.

Mabilis akong napalingon sa aking paligid ng makaramdam ng bahagyang takot.

“Love naman, wag ka namang manakot.” — naka-ngusong usal ko.

Behind the Skies (Book 1 of Skies duology) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon