XLV: Gb+

270 16 0
                                    

XLV: Gb+




Kinabukasan, isang malakas na tunog agad mula sa labas ng aming pinto ang nagpamulat sa akin. Hindi ko man kita ay batid kong isa-isang ikinakalampag nang kung sino ang bawat pinto ng lodging house.

Mabilis akong napabalikwas sa pagtayo ng makitang wala na si Li sa aking tabi. I checked the bathroom but it was empty.

Muli kong nai-baling ang aking paningin sa direksiyon ng pinto nang makarinig muli ng pagkalabog. Curiosity filled my insides as I walk towards the door, pero hindi ko pa man tuluyang nabubuksan ang pinto ay mabilis na akong napahinto dahil sa pagtili ng isang babae mula sa labas. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Alam kong hindi galing kay Li ang boses na iyon pero may kung ano bigla sa isip ko ang namuo.

I stepped backward as I heard the footsteps from the outside getting near. Halatang iniisa-isa nga nila ang bawat silid.

“Boss, wala pong mga tao.”

Halos mapa-singhap ako sa narinig kong iyon. Those words served as my confirmation. Andito ang mga demonyo.

Halughugin niyo ang bawat pintong makikita niyo sa bawat silid. Siguraduhing makikita niyo ang ipinunta natin dito.” — the demon's voice roared as he gives his command.

Mas lalo akong napa-atras. Tuliro kong inilibot ang aking paningin para muling hanapin si Li pero hindi ko siya nakita. Kung nasaan siya ay hindi ko alam.

Base sa mga kaluskos ng paa mula sa labas ay masasabi kong napakarami nila.

Bigla akong na-blangko sa isang iglap. Hindi ko napaghandaan ang ganitong kaganapan. I know that the demon is too powerful to chase after me, but I didn't expect this to be so early.

Tuluyan na akong hindi nakagalaw ng marinig ko ang pag pihit ng kung sino sa naka-lock na doorknob. In one snap, all the footsteps outside stopped. Halatang naagaw ang pansin nila sa bukod-tanging pinto na naka-kandado kung saan lulan ako.

I moved another step backward before hearing a loud bang. Buong pwersa na nilang winawasak ang pinto.

Mabilis kong kinuha ang aking cellphone at itinago iyon sa loob ng aking salawal. I just stared at the door as they all try to barge in. Wala akong magawa. Ang mga demonyo sa labas ay halatang gigil na gigil na mabuksan ang pintuan.

Fear invaded my whole system. Pakiramdam ko ay wala na akong katakas-takas. Sa sobrang takot ay mabilis akong pumasok sa loob ng CR at ni-lock ito. I sat at the cold floor and pressed my forehead into my knees. The scene is already familiar. Sa hindi mabilang na pagkakataon, nahanap nanaman ako ng mga demonyo.

Mas isiniksik ko ang sarili ko sa gilid ng bowl ng maramdamang tuluyan na nilang nasira ang pintuan.

“A-aray.. b-bitawan mo ako!”

Napa-pikit ako ng mariin ng marinig ang pag sigaw na iyon ni Sally.

Nasaan ang sinasabi mong nangungupahan dito?!” — dumaungdong ang malakas na boses ng aking ama.

“H-hindi ko alam! Basta't ito yung kwarto nila!” — sagot ni Sally na halatang nasasaktan sa kung ano man ang ginagawa sa kanya.

My jaw clenched as I close my fist. As far as I wanted to pray just not to get caught, I know it's already impossible. But God please.. kahit ako nalang, wag lang ang ligaya ko.

Behind the Skies (Book 1 of Skies duology) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon