II: G major

906 55 5
                                    

II: G major




Mabilis na lumipas ang isang linggo ng pananatili ko sa aking bagong paaralan. Hindi pa gaanong maayos ang klase dahil sa conflict sa schedule ng mga professor na hanggang ngayon ay patuloy paring inaayos.

“Hi Cyrus..”

Agad akong napa-lingon sa dalawang babae mula sa likuran ng bigla nila akong batiin.

Nginitian ko sila dahilan para humagikhik ang mga ito. Napa-yuko nalang ako ng makaramdam ng konting pagka-hiya.

Sa isang linggong pananatili ko dito ay may mga mangilan-ngilang sinusubukang maka-close ako, at may mga mangilan-ngilan rin namang hindi  pinapansin ang existence ko.



Kasalukuyang break time ng klase namin ngayon kaya naman ay naisipan kong mag lakad-lakad nalang sa buong campus para mag palipas ng oras. Isang linggo na at wala parin akong ka-close sa school. Karamihan kasi ng lumalapit sa akin ay mga babae, isang bagay na hindi ako kumportable.


I take my time observing the whole place and get mesmerize by it. I can't believe that nature-themed school feels so refreshing.

Nasa kalagitnaan ako ng paglilibot ng may nakita akong taong naglalakad papunta sa quadrangle at may hawak na bola. Alas kwatro na ng hapon at 5:00 pm pa ang last class period namin kaya naman ay hinayaan ko ang sarili kong huminto sa kinatatayuan ko at pinag-masdan ang babaeng solong-solo ang malawak na court.

Pinagmasdan ko ng maigi kung sino ito at napag-tantong si Li pala iyon.. ang kaklase kong may panglalaking paa.

Napapa-iling ako habang pinagmamasdan ang paglalakad niyang walang poise. Bukod sa pang siga ay wala na akong makitang espesyal rito.

Naka-P.E uniform kami para sa huling subject kaya naman ay malaya siyang makakapag-laro ng basketball, isang sport na hindi ko hilig gawin.


Pagkarating niya sa right court ay agad siyang pumwesto sa free throw line at tumayo ng maayos na para bang handa nang mag shoot.

Napa-kunot ako ng noo habang pinagmamasdan siyang tinatansiya ang distansiya ng bola sa ring. Maya-maya pa ay hinagis niya ito at... shoot!

Marahan akong napa-ngiti ng bigla siyang mag dub pagkatapos maka-shoot. A smile also forms from her lips as she take a glance at the basketball ring. It seems like she's proud for shooting that ball. Too bad, hindi ko naka-hiligan ang basketball.

Muli pa siyang nag try ng basic shooting hanggang sa may isa ring babae ang lumapit sa kanya. Kaklase rin namin ito at kasing tangkad niya, pero di tulad niya, higit na payat ang pangangatawan nito kaysa sa kanyang may kalaparan.

Hindi ko naririnig ang pinag-uusapan nila pero batid kong nagka-sundo sila para mag laro.


Ilang minuto silang ganoon bago magsi-datingan ang isang grupo ng kababaihan na sa tingin ko ay mga kaibigan rin nila. Naglaro silang lahat dahilan para umingay ang buong court.

Hindi ko maiwasan ang mapa-tawa habang pinagmamasdan silang nag-aagawan sa bola. It seems like I am being entertained by the way they play the said sport, kahit pa man puro pagtititili lang ang ginagawa nila.

Maya-maya pa ay halos matigilan ako ng bigla akong tinuro ng isa nilang kaibigan dahilan para lumingon ang lahat sa akin. Napa-lunok ako lalo na nang mapadpad ang paningin ko sa malalaking mga mata ni Li habang kasalukuyang kinakamot ang mataba niyang pisnge.

Bigla kong naalala yung unang beses na sinabihan niya ako ng ‘hoy!’ nung mahuli niya akong naka-tingin sa panglalaki niyang paa. Hindi ako nakapag-salita nun at napatitig lang sa kanya kaya naman ay halos kitang-kita ko ang emosyong ipinapakita ng mga mata niya... nababastusan.

Behind the Skies (Book 1 of Skies duology) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon