VII: F major

390 41 4
                                    

VII: F major




Another week have passed at hindi ko akalaing mas magiging malapit pa kami ni Li. Sa lahat ng tao sa classroom ay halos siya lang ang tanging kaibigan ko pero para bang enough na iyon para makumpleto ang araw ko.

Honestly at first, akala ko mahirap siyang paki-samahan. It is really intimidating when someone is more intelligent than you. Akala ko siya yung tipo ng taong mabilis magalit o di kaya naman ay mainis dahil iyon ang pinapakita ng aura niya.. but I was wrong. She has a strong personality, but I know that behind her personality is a soft heart.

Sa isang linggong iyon ay lagi kaming tumatambay na dalawa. And yes, I am the one who's making the first move. But does it still matters?



"Okay class, please settle down. I have something to announce." - usal nung prof na bigla nalang pumasok sa classroom kung nasaan kami ngayon.

Agad akong umupo at tumabi naman sa akin si Li habang nakatingin sa harapan.

"I just want to tell you guys na may pasok tayo this coming holiday." - sambit nito dahilan para mag-ingay ang iba dahil sa pag protesta.

"Hala ma'am! Eh diba araw ng mga patay yun? Bakit may pasok?" - ungot ng isa kong kaklase.

Hindi ko naiwasan ang mag kunot ng noo dahil sa anunsiyong iyon. Tsk! Undas tas may pasok?

"That is the announcement from the office of the principal. Wala tayong magagawa. Kailangan nating mag habol ng mga classes for our early summer vacation." - paliwanag ng prof na muling nagpa-ingay sa kabuuan ng room.

Narinig kong marami ang nagrereklamo pero sa huli ay mga wala ring nagawa.

Lumabas na ang prof at mababakas sa mukha ng bawat ang inis at pagka-dismaya.



"Badtrip, animal. Panulay." - narinig kong bulalas ni Li habang inaayos ang kanyang bag.

'Animal? Panulay? Kung di ako nagkaka-mali ay isa itong salitang pamura sa lugar nila. Is she mad?'



Matapos niyang mag-ayos ng bag ay nakita ko siyang tumayo at lumabas ng room kaya naman agad akong nagmadali para masundan siya.

20 minutes nalang ay magsisimula na ang klase kaya't hindi ko naiwasan ang magtaka ng makita ko siyang papalabas sa gate.


"Li!" - tawag ko sa kanya. Agad naman siyang lumingon sa akin atsaka humikab. "San ka pupunta?"

"Magkakape." - sagot niya habang deretso paring nakatingin sa akin.

Nang hindi ako nagsalita ay agad siyang nag lakad para umalis, pero hindi pa man siya tuluyang nakaka-layo ay muli agad siyang lumingon.

"Sama ka?" - tanong niya atsaka muling humikab.

Gulat akong napatango at lumapit sa kanya. Hindi naman siya nagsalita at muling humakbang. Mukhang wala sa mood.




Nauuna siyang maglakad sa akin kaya ay halos lakad-takbo ang ginagawa ko para lang maka-sunod sa kanya.

Nang nasa parking area na kami malapit sa gate ay halos magulat ako ng makita siyang dumiretso papunta sa isang maganda at malaking sasakyan. Damn, it was a Mercedes Benz!

Behind the Skies (Book 1 of Skies duology) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon