V: C sharp minor

488 42 7
                                    

V: C sharp minor




“I have a confession to make.”

Napa-ngiti ako habang kausap ang aking sarili sa harap ng malawak na salamin ng aking banyo.

First time I saw you, I already have this guts to introduce myself and be friend with you.” — mahinang usal ko habang deretso paring naka-tingin sa salamin. “I am always watching you from afar. Sorry if it took 3 weeks before I finally introduce myself. Hi, I am Cyrus Pietro Spi--- Aish!

Napa-sabunot ako sa aking ulo dahil sa ka-cornyhan na kasalukuyan ay pinagsasasabi ko.

Why am I practicing my line? Hindi naman ako mag-coconfess ah.. makikipag-kaibigan lang.’

Napa-iling nalang ako at napahinga ng malalim.

It's already 3:30 in the afternoon at handa na akong pumunta sa school para sa last period class namin sa PE mamayang 5:00 pm. Every Monday, Tuesday and Wednesday, we have this kind of schedule. Dalawang subject sa umaga then 6 hours break before our last subject which is mamayang 5:00 pm pa.




Ngayong araw, napag-desisyunan kong gumawa ng unang hakbang para makipag-kaibigan kay Li.

Ramdam ko ang kabang namumuo sa aking dibdib sa hindi maipaliwanag na dahilan, but still, lamang parin talaga ang kagustuhan sa sistema ko para medyo mapalapit sa kanya.



Pagkarating sa school ay agad akong pumwesto sa bench kung saan maayos kong makikita ang puno na laging tinatambayan ni Li at ng mga kaibigan niya.

Wala pa siya.’

Nag-intay ako ng halos kalahating oras bago siya dumating. Sa loob ng tatlong linggo, tansyado ko na ang perpektong oras kung kailan siya tumatambay.

Napa-ngiti ako habang tinitingnan siyang naglalakad mula sa malayo. Ngunit bigla rin iyong napawi ng makitang kasama niya ang kaibigan niyang si Rose. Ramdam ko ang pag-urong ng aking sistema para makipag-kaibigan sa kanya. Nahihiya ako.. parang hindi ako handa pag may kasama siyang iba.



Napabuntong-hininga ako at muli siyang pinagmasdan hanggang sa maka-upo na sila sa ilalim ng puno na nasa gilid ng open field. Kitang-kita ko pa ang pag hikab niya na para bang inaantok.. nanaman.

Himala atang di niya dala ang gitara niya.’ — I mumbled at the back of my head.

Plano kong makipag-kilala sa kanya pero mukhang nakalimutan kong planuhin kung paano. Ang nasa isip ko kasi ay dapat siya lang mag-isa, but how can I do it kung kasama niya ang isang kaibigan niya?


Isinalpak ko sa aking tenga ang aking headset habang palihim na napapa-busangot.

I play the song ‘Chasing cars’ while taking a glimpse at her. Humihilay ang ulo niya sa puno habang humihikab, hindi ko naman naiwasan ang mapangiti dahil roon. Sleepy head.



Nasa ganoon akong estado ng may nakita akong bata na may bitbit na bola ng basketball mula sa malayo. Nakita ko itong papunta sa sports equipment area na sa tingin ko ay para isauli ang bola.

Parang biglang may bombilya naman ang nag-pop up sa aking ulo at dagliang nilapitan ang batang may hawak nito.

Toy, isasauli mo naba yan?” — tanong ko habang naka-ngiti.

Opo eh.” — baton niya.

Pahiram muna. Ako nalang magsasauli.” — usal ko.

Behind the Skies (Book 1 of Skies duology) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon