"Come on, miss, introduce yourself. Don't be shy and tell us your name." Saad ng guro kay Phemie.Nagpakawala naman si Phemie ng malalim na buntong-hininga. Binalingan niya ang mga kamag-aral niyang nag-aabang lamang sa sasabihin niya. Hinanda niya ang malaki niyang ngiti... na ilang ulit niya pang pinag-practice-an sa bahay nila.
"Uhm.. Hi! Me? I Phemie Montinez. I hope to be friending us." Pagpapakilala niya gamit ang baluktot niyang english.
Nagtawanan ang mga kaklase niya dahil doon. Nagkaniya-kaniya itong komento at iba-iba rin ang reaksyon.
"Bobo! Haha!"
"Anong pinagsasabi niya?"
"Ang LT, ampupu!"
"Maganda sana, obobs naman!"
"Friending! HAHAHA!"
Napapikit siya sa inis at kumuyom ang kamao.
'Sige, tawa pa! Akala niyo, papalampasin ko kayo?!'
"Shh! Class, be quite!" Pagpapatahimik ni Mrs. Derema sa klase, bumaling ito sa kaniya. "Okay, Ms. Montinez, you can sit wherever you want."
Tumango siya rito at napanguso nang makitang iisa na lang naman ang upuan, may pa-wherever you want pa ang kaniyang guro.
Hindi na niya pinansin ang nakayukong katabi, na marahil ay natutulog. Naglabas na lamang siya ng notebook saka isinulat doon ang isinusulat din ng guro sa pisara.
***
"Kuya, are you okay?" Azriel asked. Nasa mukha nito ang pag-aalala sa kaniya.
"Yeah." Aniya at hinawakan ang panga. Nilingon niya ang kapatid ng may pagtataka. "Why are you still here anyway? You cut classes now?"
Umupo si Azriel sa sopa, katabi si Macon na nakapasak pa rin ang headset sa tainga. "Wala kaming klase. Hindi naman papasok si Mr. Romueldes ngayon, eh."
Hindi niya na sinagot ang nakababatang kapatid at pinagmasdan na lamang ang kaniyang mga kaibigan.
Binatukan ni Jaxon si Dion. "Ang bobo mo naman maglaro!"
"Tangina, huwag mo nga akong mabatok-batukan!" Inis na sabi naman nito bago gumanti ng batok kay Jaxon.
"Matatalo na tayo! Sayang ang pinusta ko!"
"Eh 'di sana, hindi ka na pumusta!"
Umiling-iling si Kenji habang hinihimas ang mukha. "Pa'no ba yan? Talo na kayo! 'Amin na! 'Amin na ang pera!"
"Ulol! Mandaraya ka, eh!" Ani Dion.
"Anong nandaya?! Tanungin mo pa si Baxter!" Angil naman ni Kenji rito.
Napalingon naman si Baxter sa kanila—na nakatulala lang sa Jack Stone kanina pa. "Ha? Anong sabi niyo? Gusto niyong marinig ang joke ko? Sige, sige!"
Akmang lalapit na ito, nang hagisan ito ng bola ng Jack Stone ni Kenji sa noo. "Gago! Akala ko naman nakatingin ka! Nakatulala ka lang pala!"
"Anong meron dito at nag-iingay kayo?" Biglang pumasok si Luther sa loob ng ZHQ o Zero's Head Quarter. May dala itong malaking bag sa likod na naglalaman ng pagkain.
Agad na nagsitayuan ang lahat, maliban sa kaniya na sinilip lamang si Luther.
"What's that?" Tanong niya kay Luther nang makalapit ito sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Stupid Goddess
Teen Fiction[COMPLETED] *** Matapang, malakas, at maganda, 'yan ay ilan lang sa mga katangian ng ating bida. Nasa kaniya na sana ang lahat kung hindi lang sana mapurol ang utak niya. Mahilig sa gawa at puro kuda. Isa raw siyang Diyosa ng kagandahan, ngunit sa i...