Chapter 23 (Part 1)

699 38 0
                                    


Nakasandal si Aiden sa pader habang tila may hinihintay. Sinadya niya talagang doon sa madilim pumwesto para hindi masyadong kita.

Nakauwi na rin si Phemie kasama si Luther at dahil nga may suspension si Phemie ay dalawang linggo niya itong hindi makikita na ikinaiinis niya.

Napangisi siya nang dumaan na ang hinihintay niya. Walang atubiling hinawakan niya ang collar nito at ipasok sa isang silid.

"What the?" Gulat na tanong ni Coleen matapos siya nitong makita ng buo. "What's your problem?!"

Tinadyakan ni Aiden ang karton na humaharang sa pagitan nilang dalawa. "Hindi mo alam? Poor you."

Napaatras ito nang maglakad siya palapit dito. "Ano bang kailangan mo?! I'm busy! Baka nakakalimutan mong teacher mo din ako?!"

"And I don't fucking care, mother fucker!" Muli niyang hinablot ang collar nito at inilapit ang mukha nito sa mukha niya. "You ruined everything! Masaya na si Primo kay Pempem! Bakit pa kasi bumalik-balik ka pa?!" Singhal niya sa mukha nito na halos magtalsikan na ang laway niya dito.

Tinitigan siya nito sa mata ng madiin. Hinawakan din nito ang kamay niyang naroon sa collar nito at dahan-dahan tinanggal. Nagulat siya dahil nakaya na nitong tanggalin ang kamay niya.

Tinulak siya nito. "Bumalik ako para kunin ang akin! Beau is mine!"

Nagulat man sa ipinakita nitong lakas ngunit binalewala niya iyon. "Was, Coleen. Naturingan kang teacher pero hindi mo alam ang mga binibitawan mong words!" Ngumisi siya. "Baka nakakalimutan mong iniwan mo si Primo para kay Kylo."

Tumawa ito na may halong panunuya. "Yeah! Dahil nabanggit mo si Kylo Jastin, kukunin ko rin siya kay Phemie. Beau and Jastin is mine! Sa akin lang sila nababagay!"

Hindi makapaniwalang napasinghal si Aiden. "Nahihibang ka na! Baka gusto mong kunin din si Kenji at ng matikman mo ang tamis ng kamao ko at kung paano ka lilipad sa bulalakaw!"

"No, thanks. Solve na ako kay Beau and Jastin." Tumatawang anito. "Matapang ka pa rin hanggang ngayon ano? You didn't change a bit-" Hindi na nito natapos ang sasabihin matapos lumipad ang isang kamao sa mukha.

"Tangina! Daming satsat! Pinapahirapan mo pa akong daanin ka sa santong usapan! Ba't di na lang lumaktaw at dumaan agad sa santong suntukan?!" Suminghal siya.

"Oh my gosh! Oh my gosh! My face!" Nagtititili nitong sabi lalo na ng maramdamang may tumulong dugo sa gilid ng bibig nito.

"My face nyenye! Palibhasa paretoke lang kaya oa kung maka-react." Aniya sa sarili saka umikot ang mata.

"You'll pay for this!"

"Go on! I'm not scared, mother fucker!"

Tumakbo ito patungo sa gawi niya at nagpakawala ng isang suntok ngunit agad naman siyang nakaiwas pakanan.

'How can she do that?'

"Surprised? Nagtrain ako para talaga sayo!" Anito at malakas siyang sinipa sa tiyan.

Bagama't nakaiwas ay medyo nadali iyon na hindi niya ininda at gamit ang kanang paa ay yumuko siya upang patirin ito ngunit agad itong tumalon kaya't naiwasan din ang tira niyang iyon.

Bigla siyang napahiga nang ito naman ang sumipa mula sa ere upang iwasan din ang tira nito. Umikot siya nang umikot habang nakahiga dahil aapakan siya nito gamit ang sapatos na may takong.

Agad siyang tumayo nang mabigyan ng pagkakataon, hinawakan niya ang paa nito at hinila na dahilan naman ng pagbagsak nito.

"Argh!" Daing nito habang hawak ang likod.

Stupid GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon