Chapter 37

652 37 0
                                    


Mabilis na inayos ni Aiden ang gamit niya at halos tinakbo niya na ang pintuan para lumabas nang tumunog na ang bell hudyat na uwian na.

Pupunta kasi si Aiden sa bahay nila Phemie dahil sa nabalitaang na-kidnap daw ito at nabugbog. Dalawang araw na ang nakalipas nang mangyari iyon ngunit kanina lamang ibinalita sa kaniya ni Primo ang nangyari kaya't inis na inis siya sa pinsan.

Nakaramdam siya ng lungkot nang may biglang maalala. Isang linggo na kasing hindi pumapasok si Kenji at nag-aalala na siya dito. Kapag tinatanong niya naman ang mga pinsan na si Azrael at Primo ay sumasama pa naman daw si Kenji sa mga lakad ng mga ito lalo na kung mapapasabak sa rambulan.

Isang linggo na rin kasing hindi nagte-text o tumawag man lang sa kaniya ang lalaki at kapag pumupunta naman siya sa bahay nito ay hindi niya ito naaabutan.

Naisip na niyang baka may ginawa siyang masama na ikinagalit nito pero wala naman. Ilang beses niya pa ngang inisip gabi-gabi na kung may mali sa trato niya noong isang linggo ngunit kahit anong pag-iisip niya'y wala naman talaga.

Napailing na lang siya. Bakit ba iniisip niya si Kenji kung ang kaibigan niya naman ang pupuntahan niya? Ang sabi ng pinsan niya, maayos lang si Kenji at walang problema kaya't hindi dapat siya mag-alala.

Tumunog ang kotseng kulay pula nang makarating siya sa parking lot. Pumasok siya sa passenger seat at kinabit ang seatbealt.

"Ang tagal mo!" Naiiritang sabi ni Adrienne.

"Hindi makapaghintay? Madaling-madali lang?" Sarkastiko siyang umirap.

Napataas ang kilay ni Adrienne. "Tignan mo kasi! Sinong hindi maaalibadbaran sa mukha niyan?!" Naiirita nitong sabi saka may itinuro.

Naningkit naman ang mata niya at nakita niya ang isang kotseng katabi na bukas ang bintana. Doon niya nakita si Coleen na may kahalikang kung sino.

"Bloody hell!" Gulat niyang sambit. "Ang landi talaga!"

Umikot ang mata ni Adrienne saka pinaandar ang kambyo ng kotse. "Nakakadiri. Type ko pa naman sana si Edward." Bulong nito.

Napalingon siya dito at napataas ang kilay. "Akala ko ba may Dion ka na?"

Umandar na ang sasakyan nila palabas ng gate. "Bakit? Bawal bang magka-crush?"

Umikot ang mata niya. "Isa rin palang malandi." Asik niya.

Nilingon siya nito. "Ano?!"

"Malandi na bingi pa!"

"Watch your mouth, Aiden! I'm still your older sister!"

"Nyenyenye~"

Naiiritang nag-focus na lang si Adrienne sa pagmamaneho habang siya naman ay nakatingin lang sa bintana ng sasakyan.

Nasa kalagitnaan sila ng byahe nang bigla na lamang mag kulay red ang stoplight kaya tinapakan ni Adrienne ang break.

Nagmumuni-muni si Aiden nang mapadpad ang mata niya sa isang restaurant. Bigla siyang natakam pero bigla niyang naalalang masarap nga palang magluto ng pagkain si Luther kaya't doon na lamang siya kakain.

Naningkit ang mata niya nang may mapansin. Isang babae at isang lalaking kilalang-kilala niya.

Pinaandar na ni Adrienne ang kotse nang mag-green na ang kulay ngunit hinawakan niya ang kamay nito. "Stop."

"Why---"

"I said stop the car!" Naiirita niyang sabi.

Tumayo ang babae at lalaki saka lumabas ng restaurant. Pumara ang lalaki ng taxi at pinaunang isakay ang babae saka sumunod ang lalaki.

Stupid GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon