Hinahanap ni Jaxon si Primo para sana magpaalam dito na hindi siya makakasali sa basketball team, magfo-focus na muna siya sa soccer lalo na't siya ang captain doon.Sa pagliko sa kaliwang daan ay nakita ng mga mata niya si Phemie. Bagsak ang balikat nito habang naglalakad at nakasimangot.
Nilapitan niya ito at tinawag. "Hey, Phemie."
Inangat naman ni Phemie ang ulo at walang ganang tinignan siya. "Bakit?"
"May itatanong lang sana ako." Aniya at napatingin sa likod ni Phemie.
"Ano?"
Nabalik ang tingin niya kay Phemie at muling tinignan ang nasa likuran nito. Si Primo at Coleen na naglalambingan. Parang kanina lang ay may tampuhan ang dalawa. Lihim siyang napailing.
Muli niyang ibinalik ang tingin kay Phemie. "Anong english ng swak?" Wala sa sariling lumabas iyon sa bibig niya. Kahit siya ay hindi maintindihan kung bakit iyon ang naitanong niya.
"Bear Brand malamang!" Umingos si Phemie matapos sumagot saka siya nilagpasan.
Napakurap-kurap naman siya habang nakaawang ang bibig. Walang hiya. Ano nga ba namang klaseng sagot iyon?
Napatampal na lang siya sa noo at napailing-iling. Sa susunod hindi na siya magtatanong kay Phemie ng kung ano-ano dahil baliktad ang utak nito.
Nag-aalanganin naman siyang lumapit kay Primo lalo na't naglalambingan ang mga ito.
Pero ano bang paki niya? Hindi niya pa rin makakalimutan ang ginawa ni Coleen kay Primo kaya dapat lang na sirain niya ang sweet moments ng dalawa.
Naglakad siya palapit sa dalawa. "Primo." Pagtawag niya dito.
Mula sa paghalik sa noo ni Coleen ay tumingin ito sa kaniya. "Why?"
"About sa basketball team—"
"Yeah, I know. Okay lang. Marami pa kami." Pagputol ni Primo sa sasabihin niya pa lang.
"'Ge. Una na ako." Aniya at bago umalis ay humiling sulyap na muna siya kay Coleen na bigla siyang kinindatan na ikinairita niya.
'Ako pa lalandiin niya.'
Umiling-iling na lang siya saka umalis na roon at nagpunta sa soccer field para magpractice.
"Coach." Tawag niya kay Mr. Faculo. Nakaupo ito sa isang bench habang pinagmamasdan ang mga kasama niyang naglalaro ng soccer.
Umusod naman si Mr. Faculo at pinapaupo siya sa tabi nito kaya't naupo naman siya. "We have a problem."
Nangunot naman ang noo niya. "What is it, coach?"
"Walang mga sapatos ang taga Gorsollo High dahil hindi kaya ng budjet ng school. Hindi sila makakapaglaro." Paliwanag ni Mr. Faculo.
Lalong nangunot ang noo niya. "It's not our problem, coach. Problema na nila 'yon. Sana kasi pinag-ipunan na nila 'yon bago pa man magkaroon ng Sports Fest."
"It is also our problem, Jaxon. Isa ang school nila sa makakalaban natin."
"E'di maganda. Kokonti ang kalaban namin at mas mananalo na tayo, coach."
Nangunot ang noo ni Mr. Faculo at hinarap siya. "Gan'yan ka ba mag-isip, Jaxon? Hindi ba sumagi sa utak mo ang tulungan sila?" Tanong nito. "We have it all, minsan sobra-sobra pa nga, eh. We can help—"
"I understand. Kakausapin ko ang team para tulungan sila." Bugnot siyang tumayo sa bench saka nilapitan ang mga kasama niya.
Wala talaga sa bokabularyo niya ang tumulong pero dahil walang-wala ang kalaban nila, kahit kakarampot, magbibigay siya. Sana nga lang ay magandang kalaban ang mga ito at hindi masasayang ang tulong niya rito.
BINABASA MO ANG
Stupid Goddess
Teen Fiction[COMPLETED] *** Matapang, malakas, at maganda, 'yan ay ilan lang sa mga katangian ng ating bida. Nasa kaniya na sana ang lahat kung hindi lang sana mapurol ang utak niya. Mahilig sa gawa at puro kuda. Isa raw siyang Diyosa ng kagandahan, ngunit sa i...