Chapter 14

995 50 2
                                    


Napapangiti si Luther habang pinagmamasdan si Phemie at Primo. Kumakain ang mga ito na may kasamang pagbabangayan.

Tingin niya'y normal na nga sa dalawa ang mag-usap ng may kasamang asaran, nagkakapikunan man ngunit alam niya namang sinasadya ni Primo na asarin ang kapatid niya. Para kahit papaano ay matakpan ang nararamdaman nito dito.

Napatitig siya kay Primo na ngayon ay nakapangalumbaba sa lamesa, nakatitig din naman ito kay Phemie na kumakain. Sa bawat galaw ng kapatid niya, sinusundan 'yon ng tingin ni Primo kung kaya't lalo siyang napangiti ng malaki.

'I think he's starting to like my sister.'

Naisip niyang mas maganda kung hayaan na muna ang dalawa doon. Sumenyas siya sa mga kaibigan upang umalis.

"Ano ba 'yan? Ang ganda na ng pwesto ko, eh!" Reklamo ni Baxter na nakangusong sumunod na lang din sa kanila.

Umiling-iling na lang siya at sumunod na paalis. Tinahak niya ang daan patungong parking lot. Hindi na muna siya papasok dahil tinatamad siya.

"Hoy! Saan ka pupunta?" Tanong sa kaniya ni Jaxon.

"Uuwi na!" Sagot niya dito at dali-daling kinuha ang motor upang sakyan.

Pinaandar niya iyon ngunit hindi pa man siya nakakalabas ng gate ay may humarang sa kaniya. Dali-dali niyang inihinto ang motor upang hindi ito masagasaan.

"Hi, boyfie!" Tila wala lang dito na muntik na niya itong masagasaan, dahil ngumiti at kumaway pa ito sa kaniya.

Nakakunot ang noo na hinubad niya ang helmet na suot. "What are you doing? Magpapakamatay ka ba?"

Napanganga ang babae sa kaniya habang tinititigan nito ang kaniyang mukha. "Lalo 'ata akong naiinlove sa'yo." Wala sa sarili nitong sabi.

"What?" Tumaas ang kilay niya at tinignan ito taas at baba.

Suot nito ang uniporme ng school, may mahabang medyas na itim na hanggang tuhod at sapatos na itim na may takong. Maikli ang palda nito habang hapit naman sa katawan ang pang itaas na uniporme, kitang-kita ang kurba ng katawan nito. Nakalugay ang buhok at may suot na hairband na kulay pula, kulay pula rin ang hikaw nito gayon din ang pulseras at relo. Ternong-terno ang suot nito na kung hindi lang naka-uniporme, malamang na kulay pula din ang suot nito ngayon.

"U-uhm... Luther." Tawag nito sa kaniya dahilan para bumalik ang tingin niya dito.

"May kailangan ka ba, Miss?" Tanong niya dito. Inipit niya ang helmet sa pagitan ng braso at gilid ng kaniyang katawan.

"Uhm... Hi, I'm Mouie!" Pagpapakilala nito at inilahad ang kamay sa kaniya. Namumula ang mga pisngi nito.

Ngayon niya lang naalala na ito pala ang kasama ng kapatid niya noon sa library.

Tinanggap niya iyon at mabilis ding binitiwan. "May kailangan ka ba, Mouie?" Mahinahong tanong niya.

"M-malapit na kasi yung debut ko. Sa s-saturday na. I hope you'll come and ikaw sana ang maging last dance ko." Nauutal nitong sabi at inilabas mula sa bulsa ang invitation letter. "Y-you can bring Phemie girl naman in my birthday, eh! Pwede siya in my 18th candles!" Anito at yumuko pa habang nakalahad ang dalawang kamay na hawak ang invitation letter.

Kinuha niya iyon kaya napatunghay ito sa pagkakayuko at gulat na tumingin sa kaniya. "Okay, I'll be there."

"R-really?" Anito na hindi makapaniwala kaya tinanguan niya ito habang may ngiti sa labi. "O-oh, my gosh! Oh, my gosh!" Pinaypayan nito ang sarili na tila init na init. "Thank you! Thank you, Luther!" Tila maiiyak na ito sa tuwa habang nagpapasalamat sa kaniya.

Stupid GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon