Napahinga ng malalim si Kylo saka naupo sa madamong sahig. Inilapag niya sa bato ang hawak niyang bulaklak at pinakatitigan ang pangalan na nakaukit doon.Coleen Peris
Born on April 13, 19**
Died on November 8, 20**Nangingiti niyang hinaplos ang pangalan nitong nakaukit sa bato. "Thank you. Salamat sa puso mo at buhay pa ako."
Nalaman niya kasing ito pala ang naging donor niya sa puso. Bagama't isa dapat na malaking sikreto ang patungkol sa donor ng puso niya, binayaran niya ng malaki ang Doctor upang malaman kung sino ito. Namatay si Coleen dahil ibinigay nito ang puso sa kaniya.
Ang saklap lang. Tanggap naman na niya ang kamatayan niya pero dahil sa pagmamahal nito sa kaniya, nagawa nitong ibigay ang sariling puso mabuhay lamang siya. May-guilt siyang nararamdaman dahil kahit kailan, hindi man lang niya ito minahal.
Napatingin siya sa katabing puntod ni Coleen, iyon ay ang ina nitong si Glenda Peris Vladimir at sa katabi pa nitong puntod na si Primitivo Vladimir.
Napailing-iling siya. Kung nabigyan lamang ng pagkakataon, baka masayang pamilya ang mayroon ang mga Vladimir.
Ngunit ang pinakamasaklap sa kaniya, nabigyan nga siya ng pagkakataong mabuhay muli. Nabigyan ng bagong puso ngunit wasak naman dahil ang taong kaniyang minamahal ay may minamahal ng iba.
Ngunit hindi siya nawawalan ng pag-asa. Alam niyang darating ang araw na magkakaroon din siya ng babaeng magmamahal sa kaniya ng husto katulad ng pagmamahal ni Phemie para kay Primo.
***
"Lauren Bahamas!" Pagtawag ng kanilang guro sa kaniyang kakaklaseng si Lauren.
Nginitian ni Lauren si Phemie bago umakyat ng stage. Ngumiti rin naman siya pabalik dito habang nakikipagkamay sa mayor ng lugar nila at sa iba pang guro.
Nagkabati na rin naman sila ni Lauren, nagawa lang naman din nito ang mga iyon dahil sa inggit. Humingi ito ng tawad sa ginawa at ayaw nito mapaalis sa eskwelahan dahil walang pera. Ang tatay naman nito na kasama sa nagpasabog sa kabilang building ay natanggal sa pagiging guwardiya ngunit hindi naman sinampahan ng kaso. Ang sabi kasi nito'y napag-utusan lang ito kapalit ng kaligtasan ng anak kaya nito nagawa ang krimeng iyon.
"Mouie Polas!"
Tinanguan siya ni Mouie at ngumiti naman siya rito. Napatingin ito bigla sa likod kung saan naroon si Luther at Thiara na nagkukulitan. Natanggap na rin ni Mouie ang kapalarang hindi magiging sila ni Luther dahil may minamahal na itong iba. Alam din nitong makakahanap pa ito ng mas hot kay Luther.
"Lyncoln Walter, average of 96.8..." Hindi na niya pinakinggan pa ang sinasabi ni Ginoong Pascual.
Umakyat si Lyncoln sa stage at nag-flying kiss pa hindi para sa mga fans nito sa school kung hindi para sa babaeng napupusuan nito ngayon, si Audrey.
Hindi naman siya mapakali sa kinauupuan. Maya-maya lamang ay tatawagin na ang pangalan niya. Kinakabahan siya ngunit masaya naman siyang malamang makaka-graduate siya. Akalain niyo yun? Isang Phemie Montinez, makaka-graduate? Himala!
Panay din ang lingon niya sa likod kung naroon na ba ito upang palakasin ang loob niya ngunit napasimangot siya nang hanggang ngayon ay wala pa rin ang kasintahan. Bakit sa mahalagang araw niya pa, wala ito?
Kumaway sa kaniya ang kaniyang mga magulang, kaniyang mga kaibigan, ang ibang ZERO, si Niah at ang baby nitong si Niko na 1 month old pa lang. Nakakainis, ang nobyo niya lang talaga ang kulang.
"Jason Gullano!"
"Joey Marquez!"
"Jojo Santino!"
"Joco Culado!"
BINABASA MO ANG
Stupid Goddess
Teen Fiction[COMPLETED] *** Matapang, malakas, at maganda, 'yan ay ilan lang sa mga katangian ng ating bida. Nasa kaniya na sana ang lahat kung hindi lang sana mapurol ang utak niya. Mahilig sa gawa at puro kuda. Isa raw siyang Diyosa ng kagandahan, ngunit sa i...