"A-Aiden?"Ngumisi si Aiden kay Primo. "Oh, surprise, mother fucker!"
Kumunot ang noo ni Phemie. Kilala ba ni Aiden ang hari ng mga kwago?
Tumayo ng maayos si Primo. "What are you doing here?"
"Why would I tell you? Si Mama ka ba?" Sarkastiko naman nitong sagot.
"Can't you just answer me, Aiden? What the fuck are you doing here?" Gigil na saad ni Primo.
"Can you answer me first, Primo? What the bloody hell are you doing here?"
Napatungo siya. Sumasakit ang ulo niya dahil pilit niyang iniintindi ang mga sinasabi nito kahit english.
"Stupid question! Of course, you know why! Ako ang may-ari ng school na 'to!" Inis na sabi ng lalaki.
'Eh 'di ikaw na!'
"Tsk!" Pinagkrus ni Aiden ang mga braso. "Nagiging slow ka na ba, Primo? What I mean is, what are you doing here in this classroom?"
"Huwag mong ipaligoy-ligoy ang usapan, Aiden!" May gigil sa boses nito. "Answer me! Bakit nandito ka?!"
Umikot ang mata ni Aiden. "Stupid question!" Pang-gagaya nito sa sinabi ni Primo. "Eh 'di, para mag-aral."
"Pinayagan ka ni Tita Louise?"
"Nandito ba ako kung hindi? Nakakainis na 'yang tanong mo, ha!" May irita sa boses ni Aiden.
"Tss. Malamang may kapalit 'yon. Ang tigas talaga ng ulo mo!"
"You don't fucking care! Mind your own bussiness!"
"I care, Aiden! You're my cousin!"
Pabaling-baling ang tingin niya sa dalawa. Sumasakit na talaga ang ulo niya.
"The hell I care with that cousin thingy!" Anito at nilapitan siya. "Pem—Oh, my blood!" Gulat nitong sambit matapos siyang makita.
"B-bakit?" Tanong niya.
"There's blood on your nose! Shit!" Sagot nito sa kaniya.
Hinawakan naman niya ang ilong, ramdam niya ang mainit na likidong tumutulo roon. Kaya pala may nararamdaman siyang tumutulo sa ilong niya, ito pala 'yon.
"Phemie!"
"Pempem!"
Kaniya-kaniyang komento ang kaniyang narinig bago siya lamunin ng dilim.
***
"Literal na nosebleed talaga siya, eh! Haha!"
"Hutek! 'Yong mukha niya, priceless!"
"Haha! Hindi ko mapigilang matawa!"
"HAHAHA!"
Hindi mapigilang mairita ni Primo dahil sa ingay ng mga kasama kaya naman pinalo niya ang lamesang malapit sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Stupid Goddess
Teen Fiction[COMPLETED] *** Matapang, malakas, at maganda, 'yan ay ilan lang sa mga katangian ng ating bida. Nasa kaniya na sana ang lahat kung hindi lang sana mapurol ang utak niya. Mahilig sa gawa at puro kuda. Isa raw siyang Diyosa ng kagandahan, ngunit sa i...