Chapter 15

966 63 19
                                    


Nasa loob si Phemie ng silid-aklatan. Kahit na hindi niya gusto ang magbasa ng kung ano-ano ay gagawin niya dahil malapit na ang exam. Hindi pwedeng tatanga-tanga lang siya doon.

Binuklat niya ang Science Book na nakuha niya. Unang buklat pa lang ay sumasakit na ang ulo niya.

'Bakit naman kasi naimbento pa ang Science!'

Sinubukan niyang basahin ang unang saknong, ngunit hindi pa man tuluyang nababasa iyon nang may tatlong babaeng umupo sa upuang kaharap niya.

"Look who's here." Mapanuya siyang tinignan ng nasa gitna. Mahaba ang buhok nito, may ribbon pang kulay pula na nasa tuktok ng ulo nito habang sobrang kapal naman ng make up.

"Si bobong Phemie pala 'to? Hahaha!" Mahinhin mang tumawa ang nasa kaliwa ay naroon pa rin ang panunuya. Nakatali ang buhok nito sa dalawang gilid habang makapal din ang make up.

"Tsk! Tsk! Bobo na nga, mukhang may balak pang agawin ang ZERO. Tss!" Palatak naman ng may maikling buhok na nasa kanan, may bangs ito at gaya ng kasama ay makapal din ang make up.

May bigla siyang naalala habang nakatingin sa tatlo. "Kayo ba ang Powder Puff Girls?" Kunwa'y inosenteng tanong niya dito.

"What?" Maarteng ani ng nasa gitna.

"Wag mo akong ma-what what dahil naiintindihan ko 'yan." Nakasimangot niyang sagot dito.

Umikot ang mata ng nasa kanan. "Kita mo na? Napakabobong nilalang."

'Ang sakit, ha? 'Yon pa lang naman sinasabi ko pero grabe na maka-react.'

Nag-flip hair ang nasa kaliwa. "Bakit ba natin siya kinakausap? Baka mahawaan tayo ng kabobohan niyan."

'Hawa agad? Various lang gano'n?'

"Well... we're here to introduce ourselves to this mindless creature." Nandidiring anito. "Ako si—"

"Oo na, kilala kita." Pagsingit niya dito.

"Oh, really? Sobrang sikat talaga natin, 'no?" Natutuwang anito at muling nag-flip hair.

"Oo naman, sensually idol ko nga kayo, eh." Ngiting-ngiting aniya.

"Eeww! Idiot, actually kaya 'yon." Sabi ng nasa kaliwa.

"Bobo, amp!" Palatak ng nasa kanan.

"Hayaan niyo na siya. Idol naman pala tayo ng bugok na si Phemie." Nakangising saad ng nasa gitna. "So, what's my name?"

Hindi naman siya sobrang tanga para hindi malaman ang simpleng 'what's my name'. Slight lang siguro.

"Ikaw si Blossom, Buttercup at Bubbles! Oh, diba? Idol ko kayo, eh!" Nakangising aniya. Nababagay nga dito ang pangalanang Powder Puff Girls dahil sa makakapal na make up nito. Ayos nga 'yon, eh. May superhero na ng make up.

"What the hell—"

"Quiet!" Pagsita ng isang librarian kaya't natahimik ang tatlo na aangal pa sana.

"Ugh! We're not yet done!" Mahinang bulong ng nasa gitna na tinawag niyang Blossom. Sinamaan siya nito ng tingin bago ito tumayo at umalis kasama ang dalawa pa.

Gusto niyang humagalpak ng tawa pero hindi niya iyon gagawin lalo na at nasa library siya. Takot niya lang na mapalabas.

Kinalabit siya ng babaeng nasa likuran niya. "Okay ka lang?" May pag-aalala sa tono ng boses nito.

Nginitian niya ito ng malaki. "Ako pa ba? I'm took cares of mine." Aniya na nakangisi.

Kumunot ang noo ng babae at lumipat sa tabi niya. "Hi, ako nga pala si Lauren." Nakalahad ang kamay na pagpapakilala nito.

Stupid GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon