Chapter 8

1.4K 79 6
                                    


Sabado at walang pasok. Naisip ni Phemie na umalis upang mamasyal. Ilang araw na rin kasi siyang eskwelahan at bahay lang ang pinupuntahan. Nabuburyo na siya roon.

Narito siya ngayon sa 7/11 at nagtitingin-tingin ng pagkain na hilig niya. Hawak ang limang pirasong chichirya ay pupunta na dapat siya sa counter, ngunit hinarang siya ng isang lalaking mataba na may nakakatakot na mukha. Lumapit ito sa kaniya at iniabot ang maliit na papel.

"Basahin mo." Utos nito.

Napataas ang kilay niya. "Hindi mo ba nakikitang ang dami kong hawak, Kuya?"

"Basahin mo sabi!" Mariing bulong nito.

"Grabe naman! 'Di ka ba marunong magbasa?" Reklamo niya saka ibinaba ang chichirya at pahablot na kinuha ang papel. "'Wag kang maingay, hold up 'to." Aniya matapos mabasa ang sulat. "Oh, 'yan lang pala, eh!"

Kumunot ang noo ng lalaki. "Basahin mo ulit."

"Luh? Grabe ka, Kuya, ha?" Ani Phemie saka binasang muli ang sulat. "Wag kang maingay, hold up 'to. 'Yon pa rin naman, ah? Wala namang pinagbago." Binaliktad niya pa ang maliit na papel pero wala ng iba pang nakasulat doon.

Lalong kumunot ang noo ng matabang lalaki. "Basahin mo nga ulit! Intindihin mo kasi!" Inis nitong bulong sa kaniya.

"Naiinis na rin ako sa 'yo, Kuya! Kailangang ulit-ulitin? 'Wag kang maingay, hold up 'to! 'Wag kang maingay, hold up 'to—" Nanlaki ang mata ni Phemie nang ma-realize ang nakasulat sa papel. "'WAG AKONG MAINGAY KASI HOLD UP 'TO?!" Gulat niyang sigaw.

Dahil napalakas, narining iyon ng iba pang tao sa 7/11 at nagtakbuhan naman ang mga ito habang sumisigaw. Ngunit hindi rin sila nakalabas dahil may nakaabang palang mga holdaper sa labas ng 7/11.

"Sabing 'wag maingay!" Inilabas ng lalaki ang baril at itinutok iyon kay Phemie.

Nanlaki ang mata niya at hindi na nakagalaw sa kinatatayuan.

'Maniniwala na 'ata ako kay Kuya Luther... Wala nga akong utak.'

***

Sakay ng motorbike na huminto si Primo sa 7/11. Nagdudugo na naman kasi ang gilid ng labi niya dahil hindi niya maiwasang kagat-kagatin iyon matapos ng nangyaring insidente sa swimming pool.

Hinubad niya ang helmet at akmang papasok na sa 7/11 upang bumili ng band aid, ngunit may mga lalaking nauna sa kaniya at binangga pa ang balikat niya saka pumasok rin sa loob.

Kumunot ang noo niya. Hindi niya nagustuhan ang ginawa ng mga ito sa pagbangga sa kaniya kung kaya't kumuyom ang kamao niya at pumasok na sa loob.

Akmang lalapitan niya na ang mga lalaking iyon nang may biglang sumigaw.

"'WAG AKONG MAINGAY KASI HOLD UP TO?!"

Kasabay niyon ay nagsilabasan na rin ng baril ang mga lalaking bumangga sa kaniya.

"Hold up 'to! Luhod!" Sigaw ng mga ito.

'Damn it!'

Nakiluhod din siya sa mga tao sa loob. Hindi naman siya natatakot ang kaso may mga tao sa loob. Siguradong gagawin pa silang pain para hindi siya manlaban.

"Wow! Totoong baril 'yan, Kuya?"

Napalingon siya sa kaliwa niya nang may marinig na pamilyar na tinig. Nakita niya ang isang matabang lalaking hila-hila sa braso ang babaeng iyon.

Stupid GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon