Chapter 45

609 35 0
                                    


Dalawang araw ng bangag si Phemie, palaging nakatulala at halos hindi makausap ng maayos. Iisang tao lang ang palaging iniisip niya, si Primo.

Nasa balita si Primo na ito daw ang kriminal sa pagpatay kay Primitivo Vladimir, sa ama nito. Nakatakas ito sa mga pulis at ngayo'y pinaghahanap na ng mga otoridad. Kahit ang ZERO ay hindi mahanap si Primo, nagtatago ito ngayon kung saan. Pinaniniwalaan nilang hindi magagawa iyon ni Primo kahit na may galit ito sa sariling ama.

"K-kuya, nahanap niyo na ba siya?" Tanong niya kay Luther nang mapadaan ito sa classroom nila upang silipin siya.

Umiling si Luther kaya't bumagsak ang balikat niya. Huminga din ito ng malalim at kitang-kita niyang nangingitim na ang ilalim ng mata nito sa paghahanap din kay Primo.

Halos lahat ng ZERO ay nagpupuyat. Nagulat pa nga siya na ang dean nila na si Robert Amanpulo ay isa rin palang personal bodyguard ni Primo na nagpupuyat din upang mahanap si Primo, ka-partner naman nito sa paghahanap si Rupert Agoncillo na lawyer naman ni Primo.

Ngayo'y nasa bench siya habang nakatulala. Hinawakan niya ang kwintas na ibinigay ni Primo nang maging sila. Miss na miss na niya si Primo at nasasaktan siya lalo na't alam niyang nahihirapan ito. Gusto na niya itong makita upang malaman ang lagay nito.

Biglang dumilim ang paningin niya. Wala siyang makita!

"Hulaan mo kung sino ako." May kasamang pagbungisngis na sabi nito.

Hinawakan niya ang kamay nito na nasa mata niya at pilit tinatanggal. "Kylo!" Nakangusong aniya.

Natatawang tumabi ito ng upo sa kaniya. "Nakatulala ka kasi diyan."

Bumaba ang tingin niya sa kaniyang kwintas na hawak ng kanang kamay niya. "Alam mo naman kung bakit."

Nagulat siya nang bigla nitong hawakan ang baba niya at ipantay sa mata nito. May makikitang sakit sa mata nito nang mapatingin sa kwintas niya ngunit ibinaling na lang ang mata sa mukha niya matapos ay ngumiti. "Think possitive, Phemie. Alam kong nasa maayos na kalagayan si Primo." Itinaas nito ang kamay at inilagay sa likod ng tainga ang takas niyang buhok.

Naiilang na medyo lumayo siya dito at ibinaba na ang dalawang kamay sa hita. "Nga pala, okay ka na ba? Nakalimutan na kitang bisitahin sa ospital eh."

"Syempre hindi ako ang gusto mo." Mahinang sabi nito na hindi niya masyadong narinig. "Okay lang ako. Maliit na galos lang naman yun."

Natawa siya. "Maliit? Kaya pala kaunti na lang mababalian ka na ng buto."

"Ang ganda mo."

Dahil sa sinabi nito'y napatingin siya dito at nabigla dahil nakatitig ito sa kaniya habang nakangiti. Dahil sa ilang ay nag-iwas siya ng tingin sabay flip hair. "A-alam ko."

Napailing-iling si Kylo at ibinaling ang tingin sa mga naglalaro ng soccer. "Alam kong malakas si Vladimir." Biglang sabi nito. "Bata palang kami, palagi na niya akong pinagtatanggol. Siya ang naging hero ko."

Nangunot naman ang noo niya at napatingin dito. "Magkakilala na kayo dati pa?" Gulat na tanong niya.

Ngumiti ito kaya't lumabas ang mapuputi nitong ngipin. "Yes, actually we were best of friends."

Namilog ang bibig niya. Wala siyang masabi. Kung ganoon, bakit magkaaway ito ngayon?

"Dahil sa tapang niya, siya ang napiling maging leader ng ZERO. Unti-unti silang nabuo noong elementary pa lang kami."

"Eh bakit hindi ka sumali?"

Umiling ito. "Walang puwang ang mahihina sa ZERO. I'm weak. May sakit ako sa puso kaya hindi talaga ako pwedeng sumali."

Stupid GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon